Paano naiiwasan ang Gout?

November 02, 2017

ANO ANG GOUT?

Ang gout ay isang uri ng sakit na kung saan namamaga ang kasukasuan o joint. Kapag ang isang tao ay may mataas na uric acid sa kanilang dugo, ito ay nagdudulot sa pamumuo ng uric acid crystal at pag-ipon nito sa kasukasuan. Ang uric acid ay maaring matatagpuan din sa ibang pagkain.Karaniwang naapektuhan ng gout ay ang hinlalaki sa paa at iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Maaring makatulong pagbaba ng lebel ng Uric acid sa dugo ang pagkakaroon ng Gout Diet. Bagaman hindi lunas ang gout diet, binababa nito ang panganib ng kasalukuyang pananakit ng kasukasuan at mapabagal ang patuloy na pagkapinsala ng mga apektadong kasukasuan. Ang pag-inom ng gamot ay kinakailangan pa rin upang mapanatili ang mababang lebel ng uric acid. Dahil isa ito sa pinakamasakit na uri ng pamamaga, kadalasan sa mga taong nakakaranas ng gout attack ay umiinom agad ng pain relievers o gamot na nireseta ng doctor.

undefined

SINTOMAS NG GOUT

Ang mga sintomas ng Gout ay madalas mangyari ng biglaan at maari kang magising sa pagtulog dahil sa matinding sakit ng isang bahagi ng kasukasuan o hirap ng paggalaw ng mga ito.

Ang sumusunod ay sintomas upang malaman kung may Gout ang isang tao:

  • Pananakit ng kasukasuan. Ang gout ay madalas na nakakaapekto sa kasukasuan natin sa hinlalaki. Pero maari ding itong maramdaman sa paa, tuhod, at kamay. Ang matinding pagsakit ay mararamdaman sa loob ng 1 oras hanggang 12 oras matapos ito magsimula.
  • Pamumula at pamamga ng kasukasuan. Ang apektadong kasukasuan ay maaaring mamula at mamaga.
  • Pagkati ng kasukasuan. Maaring mangati ang ilang bahgi ng kasukasuan
  • Lingering discomfort. Makalipas ang pagkawala ng pananakit, maaaring makaranas ng kakulangan sa ginhawa sa ibang kasukasuan sa loob ng ilang araw o ilang linggo. Ang mga susunod na atake ay maaring mas tumagal at mas makaapekto pa sa ibang kasukasuan.
  • Limitadong pagkilos. Maaring makaranas ng hirap sa pagkilos, paggalaw, at matinding sakit sa apektadong bahagi ng katawan.

 

SANHI NG PAGKAKAROON NG GOUT

undefined

Ang isa sa pangunahing sanhi ng Gout ay ang pagkakaroon ng sobrang taas na uric acid. Kapag hindi sila naipapalabas ng iyong mga kidneys, naiipon ang uric acid sa dugo at bumubuo ng kidney stones. Bagamat hindi lahat ng taong may mataas na antas na uric acid ay nagkakaroon ng gout attack, maaaring pa ring maranasan ang mga sintomas nito. Ang pakain ng mga pagkaing mataas sa purine ay maari ring magdulot ng gout. Mga halimbawa ng pagkain na may mataas na purine ay isda, sardinas, at karne.

 

Bagamat indikasyon ng pagkakaroon ng gout ang pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, hindi maisisiguro ang karamdaman dahil lang sa mga sintomas na ito. Kung magpapakonsulta sa isang manggagamot o kahit sinong eksperto sa kasukasuan, mas magiging sigurado ka sa iyong karamdaman. Praktikal ang pagpapa-checkup upang malaman kung gout nga ba ang kondisyon nyo o mas malala pa.

Sa ibaba ang mga pagsusuri upang malaman na ikaw ay may gout:

  • Blood testing – ang pagsusukat ng uric acid at creatinine levels sa dugo
  • Joint fluid test – ang pagkukuha ng fluid sa naapektuhang parte ng kasukasuan at pag-obserba nito gamit ang microscope
  • X-ray – ang pagsusuri ng kasukasuan

 

PAANO MAIWASAN ANG GOUT?

  1. Kung ang gout ay nasa lahi ng pamilya, ang pag-inom ng alcohol at pagkain ng mga pagkaing matataba ay dapat iwasan upang hindi tumaas ang antas ng uric acid sa katawan. Ang alcohol, lalo na ang beer, ay maaring pagsimulahan ng pag-atake ng gout. Kinakailangan bantayan ng mga kalalakihan ang kanilang kalusugan at pag-inom upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pag-atake.
  2. Iwasan ang mga pagkaing mataas sa purine kagaya ng isda, sardinas, at karne.
  3. Pagbawas ng pagkaing mataba
  4. Dagdagan ng protein ang diet katulad ng yogurt at skimmed milk
  5. Ugaliin ding kumain ng gulay.
  6. Uminom ng maraming tubig na makakatulong sa pagbaba ng panganib sa pagkakaroon ng kidney stones. Maaaring ipacheck angihi at dugo upang malaman kung ang isang tao ay may potensyal sa gout attack.
  7. Panatiliing nasa wastong kondisyon ang katawan kasama na ang pagpapanatili ng tamang timbang.

 

PAGKAKAROON NG GOUT DIET

Ang Gout diet ay maihahalintulad sa pagkakaroon ng balanced at malusog na diet:

  • Pag-bawas ng timbang. Ang pagkakaroon ng labis na timbang ay nakaka dagdag sa panganib ng Gout sa kalusugan. Samantala, ang pagbabawas naman ng timbang ay nakakababa sa panganib. Sa isang research, nakita na ang pagkakaroon ng mababang uric acid ay nakakabawas sa Gout attacks.  Ang pagbawas sa timbang ay nakakababa din ng stress sa kasukasuan.
  • Pag-inom ng Tubig. Ugaliing panatiliing hydrated palagi ang katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Ang pagtaas sa konsumo ng pag-inom ng tubig ay nakakabawas ng Gout attacks. Dapat ay maka 8 to 16 na baso ng tubig sa isang araw.
  • Pag-bawas sa pagking matataba. Bawasan ang mga pagkain na mataba mula sa karne at mga dairy products.
  • Protein. Dagdagan ng protein ang iyong diet tulad ng yogurt at skimmed milk.

 

Ang mga maaring gawin kung ikaw ay inaatake ng Gout:

  • Uminom ng gamot na inireseta ng iyong doctor. Kung ikaw ay inatake na dati sa mga hindi inaasahang pangyayari at niresetahan ka ng doktor ng anti-inflammatory na gamot, ugaliing sundin ito. Kung kasalukuyang umiinom ng gamot na nakakapag-pababa ng uric acid, patuloy na inumin ito habang inaatake ng Gout.
  • Paglagay ng yelo sa namamagang kasukasuhan ay maaring makatulong sa pagbawa sa pananakit at pamamaga nito. Ibalot lamang ang yelo (crushed ice o frozen peas) sa tela at ipahid sa namamagang kasukasuhan sa loob ng 20 hanggang 30 minutos.
  • Kumonsulta at ipaalam sa iyong doctor ang pangyayari. Maaari kang resetahan ng Allopurinol at Colchicine na makakatulong sa iyong gout. Tandaan, palaging komunsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot upang maiwasan ang komplikasyon.
  • Maaari ding turukan ka ng corticosteroid para mawala ang pamamaga.
  • Itaas ang apektadong parte ng katawan sa unan kung ito ay may pamamaga o pananakit. Mas mataas ito dapat sa dibdib upang mabawasan ang pamamaga.
  • Subukang mamahinga at libangin ang sarili. Ang karagdagang stress ay maaaring makadagdag sa pagkalubha ng Gout. Manood ng palabas, magbasa ng libro, o kumausap sa kaibigan.

 

KAILAN KINAKAILANGAN KUMONSULTA SA DOKTOR?

  • Kapag nakakaramdam ng matinding pananakit sa joint, kinakailangan nang magpatingin at kumonsulta sa doctor. Kapag napabayaan, maaring mauwi ito sa malalang pananakit at joint damage.
  • Magpatingin agad kung ikaw ay nakakaranas ng lagnat at may sumasakit o mahapding kasukasuhan. Isa ito sa maaring senyales na may impeksyon.

 

Reference:

  • http://www.arthritis.org/about-arthritis/types/gout/articles/how-to-stop-a-gout-attack.php
  • https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gout/basics/symptoms/con-20019400
  • https://www.webmd.com/arthritis/understanding-gout-prevention
  • https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gout/basics/treatment/con-20019400