Migraine: Pananakit ng mata at sintido

January 16, 2019

Marami ang klase ng headache o sakit sa ulo at may iba’t-ibang dahilan kung paano nakukuha at nagagamot ito. Isa lang ang pagkakapare-parehas ng iba’t-ibang klase ng headache – masakit ito sa ulo kaya ang taong nakararanas nito ay naaabala sa mga kailangan nilang gawin.

Naaabala ka ba ng pabalik-balik na sakit sa ulo at pananakit ng mata? Baka migraine na yan.

Ano ang migraine?

Ang migraine ay isang uri ng sakit sa ulo na pabalik-balik. Pakiramdam mo ay tumitibok ang gilid ng iyong ulo o sintido. Ang pananakit na ito ay tumatagal ng mula apat na oras hanggang tatlong araw.

Sanhi ng migraine

May paniniwala ang mga eksperto na ang migraine ay namamana o genetic. Maliban diyan, may mga iba pa ring sanhi ang nakakaabalang headache na ito:

  • Stress
  • Anxiety
  • Kakulangan o sobra sa pagtulog
  • Hormonal change sa mga kababaihan
  • Sobrang liwanag, ingay o matapang na amoy
  • Pabago-bagong panahon
  • Kapag nasobrahan sa physical activity o pagod (overexertion)
  • Paglaktaw sa oras ng pagkain
  • Sobrang pag-inom ng iba’t-ibang klase ng gamot o medication
  • Paninigarilyo
  • Kapag nasobrahan sa paginom ng kape
  • Pagkain na may additives o artipisyal na sangkap
  • Dehydration o kakulangan sa tubig

Sintomas ng migraine

  • Sumasakit ang ilang parte ng ulo o sintido
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pagiging sensitibo sa liwanag, amoy, o ingay
  • Pananakit ng mata at pagkalabo ng paningin
  • Pagkawala ng gana kumain
  • Kung minsan ay nilalagnat

Kapag nakakakita ng mga zigzag patterns (fortification spectra), maliliwanag na ilaw (scintilla), at ang pagkakaroon ng blind spots (scotomas) o kapag may kulang na parte sa ating paningin.

  • Pamumutla

Uri ng migraine

Ang migraine ay may iba’t-ibang klase at ang mga sintomas o senyales na nabanggit ay pwedeng maranasan depende sa uri nito

  • Migraine na may kasamang aura

Ito ay kapag may nararanasang aura – katulad na lamang ng paningin na may mga blind

spots (scotomas) - bago maranasan ang matinding pananakit ng ulo.

  • Migraine na walang kasamang aura

Ito naman ay ang biglaang pananakit ng ulo na walang babala o senyales na ikaw ay

magkaka-migraine.

  • Migraine na hindi sumasakit ang ulo

Tinatawag din itong “silent migraine” kung saan nararanasan ng may sakit ang mga aura

ngunit hindi sumasakit ang ulo pagkatapos nito.

  • Chronic Migraine

Ito ay uri ng migraine kung saan matindi ang sakit ng iyong ulo na tumatagal ng15 days pataas.

  • Hemiplegic Migraine

Bihira lamang ito ngunit ang taong may migraine na ito ay nakararanas ng paralysis o pansamantalang pagkalumpo kung saan hindi niya kayang igalaw ang apektadong bahagi ng katawan.

Mga kailangang gawin kapag madalas ang pagsakit ng ulo:

  • Tamang pagtulog at pahinga
  • Maglagay ng yelo sa bahagi ng ulo na sumasakit
  • Matutong mag-manage ng stress
  • Uminom ng maraming tubig
  • Uminom ng pain relievers tulad ng Ritemed Paracetamol o Ritemed Paramax

May Ritemed ba nito?

Mga dapat malaman tungkol sa Ritemed Paracetamol:
 

undefined

 

Para saan ang  Ritemed Paracetamol?

Ang gamot na ito ay para sa sakit sa ulo, sakit sa likod, masakit na puson, muscle pain,

toothache, arthritis pain, o ano mang sakit na dala ng sipon at trangkaso.

Mga paalala sa tungkol sa gamot:

  • Huwag lalagpas sa walong tabletang iinumin sa loob ng isang araw
  • May ingredient na warfarin ang gamot na ito na maaaring magresulta ng pagdurugo

Bukod sa RM Paracetamol, pwede ring inumin ang Ritemed Paramax (Ibuprofen at Paracetamol). Narito ang mga detalye tungkol sa produkto:

Para saan ang Ritemed Paramax?

undefined

Ito ay para sa mild hanggang sa severe na level ng pananakit na kadalasang nagmumula kapag may problema sa kasu-kasuan (joints and muscle). Dahil ito ay may paracetamol, pwede rin itong inumin para sa sakit sa ulo, puson, ngipin, o para sa mga nanggaling sa minor surgery.

Mga paalala tungkol sa gamot na ito:

  • Hindi ito pwede sa mga batang may edad na 12 pababa
  • Huwag iinumin ng lagpas sampung araw, maliban na laman kung nireseta ng inyong doktor
  • Huwag lalagpas sa anim na tabletang iinumin sa loob ng isang araw

References:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/headache

https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-sakit-ng-ulo

https://www.ritemed.com.ph/articles/ibat-ibang-klase-ng-headache-sa-mga-bata

https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-lalabanan-ang-sakit-ng-ulo

https://www.nhs.uk/conditions/migraine/

https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-headache

https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-para-makaiwas-sa-sakit-ng-ulo

https://www.webmd.com/migraines-headaches/migraines-headaches-basics#1

https://www.nhs.uk/conditions/migraine/causes/