Paano Lalabanan ang Sakit ng Ulo?

October 11, 2018

Lahat ng tao ay pamilyar sa pakiramdam ng pagsakit ng ulo. Ito ay isa sa mga pinakamadalas na nararanasang karamdaman ng isang tao. Hindi lamang ito basta-bastang pagkirot, maraming dahilan na maaaring magdulot nito. Iba’t ibang klase rin ng headache ang maaaring maranasan ng mga tao. Ating talakayin ang mga ito pati ang mga katuwang na headache remedies ng bawat isa.

 

Lunas sa bawat uri ng headache

Alam niyo bang may mahigit 150 na types of headaches? Ang pinakakaraniwang uri ng sakit ng ulo ay ang tension headaches. Nagdudulot ito ng katamtamang pagkirot at kadalasan ay walang ibang dalang sintomas. Ito ay pabalik-balik na nararanasan at madali rin namang nawawala pagkatapos ng sandaling panahon. Ang headache relief para dito ay simpleng pain reliever gaya ng ibuprofen, paracetamol at aspirin.

Ang migraine ay maituturing na malalang klase ng headache dahil ito ay may dalang throbbing pain o nagpipintig na sakit. May dala rin itong ibang sintomas gaya ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan, at pansamantalang paglabo ng paningin. Ang migraine ay tumatagal mula apat na oras hanggang tatlong araw, at napapagaling naman ito ng acetaminophen at ibuprofen.

Isang pang uri ng severe headache ang cluster headaches. Kaya ito tinawag na cluster ay dahil nararanasan ito nang sunod-sunod sa loob ng isang araw, na maaaring tumagal mula dalawa hanggang tatlong buwan. Ito ay nagdadala ng piercing or burning pain sa likod o paligid ng isang mata. Malalaman na ang sakit ng ulo ay cluster headache dahil sa nagpipintig at tila hindi nawawalang sakit na minsan ay may kasamang pamumula o pagluluha ng mata. Ito ay maaaring tumagal mula 15 minuto hanggang tatlong oras. Napapagaling ito sa pag-inom ng mga triptan.

Nagkakaroon din ng severe headache kapag masakit ang ngipin, at ang tawag dito ay dental headache. Ang wastong headache relief para dito ay gamot tulad ng mefenamic acid at pagpunta sa dentista.   

 

Mga karaniwang sanhi ng sakit ng ulo

undefined

Photo from Pixabay

 

Maraming dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ng tao. Para sa headaches gaya ng tension headaches, migraine, at cluster headaches, ang karaniwang dahilan ng pagsakit ng ulo ay dahil sa chemical activity sa utak o sa muscles sa ulo at leeg.

Minsan, ito rin ay maaaring dulot ng mga unhealthy habits gaya ng mga bisyo, unhealthy foods, stress at kakulangan sa tulog, hindi pagkain sa tamang oras, o kaya ay stress.

Ang pananakit ng ulo ay maaari ring dulot ng iba pang sakit o kondisyon, tulad ng toothache, hypertension at sipon.

 

Paano maiiwasan ang different kinds of headaches?

undefined

Photo from Pixabay

 

Base sa mga sanhi ng sakit ng ulo, maraming paraan ng headache relief upang ito ay mawala at muling makaramdam ng ginhawa. Ang pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng stress ay mabisang paraan upang makaiwas sa sakit ng ulo.

Mainam din na iwasan ang pagpupuyat pati na rin ang pag-inom ng maraming alak. Huwag din kalimutan na uminom ng tubig upang hindi makaranas ng dehydration. Ang pag-eehersisyo at pagpapahinga ay makakatulong din upang gumaan ang pakiramdam at maiwasan ang sakit ng ulo.

Kung ang iyong sakit ng ulo ay tila hindi nawawala pagkatapos uminom ng gamot, konsultahin ang iyong doktor. Kaniyang makikita kung wasto ang gamot na iyong iniinom pati ang totoong sanhi ng iyong headache, lalo na kung dulot ito ng ibang karamdaman. Dahil dito, ikaw ay mabibigyan ng tamang lunas at gabay.