Heart Attack o Stroke?

February 20, 2021

May iba’t ibang heart conditions na kailangang bantayan, lalo na kung may family history ng alinman sa mga ito. Pero paano ba tukuyin kung alin sa mga heart problems ang nararanasan? Pagtuunan natin ng pansin ang stroke at heart attack.

 

Ang heart attack at stroke ay parehong biglaang nangyayari. Para matukoy kung alin sa dalawa ang nangyayari, tingnan natin ang mga sumusunod na sintomas:

 

 

Heart Attack Symptoms

 

Halos pareho lang ng sintomas ang dalawang heart problems na ito. Pareho itong dala ng pagbabara ng arteries o ng mga blood vessels na nagdadala ng dugo sa puso.

 

Ang causes of heart attack ay ang mga sumusunod:

 

  • Naharang na daloy ng dugo dahil sa baradong ugat sa puso;
  • Blood clot o pamumuo ng dugo sa coronary artery; at
  • Pamumuo ng cholesterol plaque sa daluyan ng dugo.

 

Ang mga sanhi naman ng stroke (ischemic) ay ang mga sumusunod:

 

            Para sa ischemic stroke:

 

  • Blood clot sa ugat sa utak; at
  • Pamumuo ng plaque sa carotid artery na nagdadala ng dugo sa utak.

 

Para sa hemorrhagic stroke:

 

  • High blood pressure o hypertension; at
  • Pagputok ng ugat sa utak.

 

Para ma-diagnose ng doktor kung ano ang nangyari, maaaring sumailalim sa CT scan ng utak para makita kung stroke ba ito. Kung pinaghihinalaang heart attack naman ang naranasan, gagamit ang doktor ng electrocardiogram para malaman ang kondisyon ng inyong heart muscle.

 

Sa madaling salita, ang heart attack ay diretsang nangyayari sa puso at ang stroke naman ay komplikasyon ng atake sa puso na nangyayari sa utak.

 

 

How to Prevent Heart Attack & Stroke

 

Bukod sa pagpapanatili ng healthy lifestyle at balanseng diet, ang pag-iwas sa heart attack ay maaaring manguhulugang pagsailalim sa surgery gaya ng coronary artery bypass grafting (CAGB) o angioplasty. Depende pa rin ito sa level ng kondisyon at family history ng pasyente.

 

Para naman sa ischemic stroke, posibleng bigyan ang pasyente ng tissue plasminogen activator para malusaw ang blood clot. Kung hemorrhagic stroke ang nangyari, maaaring irekomenda ang surgery para maayos ang nasirang blood vessel.

 

Gagawin lang ang mga ito kung hindi na makuha sa gamutan ang heart problems. Bukod sa mga nabanggit na procedures, subukan ding gawin ang mga sumusunod na heart tips:

 

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/stroke-patient-use-walker-asian-old-1079084141

 

 

  1. Magkaroon ng regular na check-up. Magpatingin lagi ng blood pressure, cholesterol, blood sugar para makasiguradong nasa normal na level ang mga ito. Makakaiwas din sa atake kapag may regular na monitoring ng kondisyon ng puso.

 

  1. Mag-maintain ng normal na cholesterol at blood pressure levels. Maaaring magreseta ang inyong doktor ng maintenance medication para rito.

 

  1. Umiwas sa masamang bisyo. Karamihan sa mga inaatake sa puso o nakakaranas ng stroke ay may history ng paninigarilyo o labis na pag-inom ng alak. Palitan ang mga ito ng healthy activities gaya ng regular exercise. Humingi rin ng tulong sa mga mahal sa buhay at healthcare provider para sa tamang routine o program para sa iyong kondisyon.

 

  1. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids. Ang mga pagkain gaya ng tuna, sardines, at iba pang isda ay nakakabuti para mapanatili ang malusog na puso. Samahan din ito ng green leafy vegetables at pag-iwas sa mga maaalat at matatabang pagkain.

 

Sources:

 

https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=134&ContentID=165