Tamang Alaga sa mga May Sakit sa Puso (37)
Photo Courtesy of PublicDomainPictures via Pixabay
Meta Description: Importanteng mapangalagaan natin nang mabuti ang ating puso. Alamin ang mga paraan kung paano ang tamang pag-alaga sa kalusugan ng mga may sakit sa puso. (153)
May mga bagay tayong iniisip gawin o problemang gustong solusyunan na nagdudulot sa atin ng stress. Kaya sa sobrang pag-iisip, napipilitan tayong umiinom ng alak, manigarilyo, at kumain ng fast food. Bagama’t panandalian tayong pinapakalma ng mga gawaing ito, maari naman tayong magdulot ng cardiovascular disease, coronary artery disease at heart block kapag pinagpatuloy natin gawin ang mga ito.
Ang puso natin ang dahilan ng maayos na pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Ito rin ang rason kung bakit ang oxygen at iba’t-ibang nutrients na kailangan natin ay nakararating sa bawat parte ng ating katawan.
Kaya kung tuwing tayo ay nasosobrahan sa stress sa ating ginagawa araw-araw, mas nahihirapan dumaloy ang dugo sa ating puso at sa ating katawan. Maaaring dahil ito sa sakit ng puso at mga posibleng komplikasyon kapag hindi napagtuunan ng pinsan ang kalagayan na ito.
Ngayong buwan ng Pebrero ang Philippine Heart Month. Aming inaanyayahan ang bawat Pilipino, lalo na ang mga taong nakararanas na ng problema sa puso, na magsimulang bigyan ng pagpapahalaga ang kalusugan ng kanilang puso.
Kaya kung ikaw ay may sakit sa puso, tutulungan namin kayong mapangalagaan lalo ang iyong kalusugan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng tamang pag-alaga sa mga may sakit sa puso.
Photo Courtesy of condesign via Pixabay
Siguraduhing Malusog ang Iyong Kinakain
Importanteng makagawa ng isang diet plan para makatulong sa pagbaba ng iyong cholesterol at mabawasan ang posibilidad ng heart attack o stroke.
Iwasang mag-fad diet o iyong mga popular na weight loss program na nagsasabing makababawas ka ng timbang sa konting panahon lamang. Maliban sa walang kasiguraduhan na long-term ang ganitong weight loss, puwede rin itong makasama dahil sa magiging kakulangan ng tamang nutrisyon.
Siguraduhing well-balanced ang ating diet at sundin lang ang mga sumusunod:
-
Iwasan ang saturated fat o taba na nagdudulot ng pagtaas ng cholesterol sa dugo. Marami sa ating mga kinakain ngayon ang may saturated fat gaya ng karne ng baka, baboy at manok (kapag kinain nang may balat), butter, at keso. Bawasan din ang mga pritong pagkain.
-
Damihan ang pagkain ng mga prutas at gulay para makuha ang nutrisyon na kailangan ng katawan. Kumain din ng isda at manok basta hindi ito prito at hindi kasama ang balat.
-
Isama sa diet ang pagkain ng whole grain at fiber gaya ng kanin. Mas mainam kung brown rice ang kanin na kakainin mo. Kapag white rice ang kinakain, ugaliing huwag lalampas sa kalahati o isang cup ang kainin. Mainam din kainin ang pasta gaya ng spaghetti basta hindi rin lalampas sa kalahati hanggang isang cup ang kakainin. Iba pang uri ng whole grain food na dapat isali sa iyong diet ay ang tinapay at oatmeal.
-
Bawasan din ang mga matatamis na pagkain at inumin.
Mag-Ehersisyo Araw-Araw
Photo Courtesy of skeeze via Pixabay
Mas magandang makapag-ehersisyo araw-araw kahit na 20-30 minutes lamang na brisk walking, biking o jogging. Kapag hindi sanay sa mga physical activities, huwag bibiglain ang katawan sa mga intense workouts. Dahan-dahanin ang katawan sa pamamagitan ng pagsisimula muna sa pinakamadaling ehersisyo gaya ng paglalakad. Kapag nakondisyon na ang iyong katawan, gawin itong brisk walking at saka lamang mag-jogging nang tuluy-tuloy. Gawin ito ng limang beses sa isang araw para tumaas ang iyong heart rate.
Kailangan din magkaroon ng muscle-strengthening exercises gaya ng squats, push-ups at plank. Gawin ito kahit dalawang araw lang sa isang linggo.
Importante din na active buong araw at hindi lamang sa oras ng pag-eehersisyo. Kapag nakaupo lang tayo sa trabaho buong araw, mataas pa rin ang risk na magkakaroon tayo ng heart disease. Siguraduhing tumatayo tayo sa ating mesa para maglakad sa opisina, mag-stretch at galaw-galawin ang ating katawan mula balikat hanggang paa. Makatutulong ito para dumaloy ang dugo nang mas maayos sa ating katawan.
Huwag Manigarilyo at Iwasan ang Paglapit sa Mga Naninigarilyo
Tumataas ang posibilidad ng heart diseases dahil sa paninigarilyo at sa second-hand smoking o ang paglanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.
Iwasan ang Lubusang Ma-istress
Ang stress ang isa sa mga nagiging dahilan ng pagkakaroon ng cardiovascular disease na kapag lumala ay puwedeng magdulot ng heart attack. Dahil ito sa pagtaas ng adrenaline sa ating katawan kapag naii-stress tayo at maaari nitong pagurin ang ating puso.
Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga paraan para matulungan ang ating katawan na makontrol ang stress. Puwede ring maghanap ng makakausap at ilabas ang lahat ng iyong mga problema at hinanaing. Higit sa lahat, iwasan ang mga sitwasyon at mga taong nagdudulot sa inyo ng sobrang galit at abala.
Makatutulong din ang deep breathing exercises at ang mga aktibidad na inyong na-eenjoy.
Magkaroon ng Magandang Sleeping Habits
Ang recommended na tagal ng pagtulog ay 8 oras araw-araw. Maraming benepisyo ang makukuha sa pagkakaroon ng magandang sleeping habits.
-
Isa ito sa mga nakatutulong sa pagbawas ng stress.
-
Natutulungan tayo sa ating memory retention o pagpapatalas sa ating memorya.
-
Nabibigyan tayo ng lakas para makapagtrabaho o makapag-aral kinabukasan. Para bang low battery na cellphone na iyong china-charge para magamit mo ito ulit.
-
Matutulungan din tayo nito sa ating healthy weight loss dahil napapabilis nito ang ating metabolism.
-
Bumababa ang ating heart rate at blood pressure habang tayo ay tulog. Dahil dito, nakakapagpahinga ang ating puso. Kapag hindi naman sapat at ang ating tulog, mas madali tayong mai-stress at maghahanap tayo ng mga pagkain na mataas sa calories.
Photo Courtesy of DarkoStojanovic via Pixabay
Kumonsulta sa Iyong Doktor
Higit sa lahat, siguraduhing nagpapakonsulta tayo sa doktor para makita kung ano ba ang progress ng ating kalusugan.
-
Matutulungan tayo ng doktor sa paggawa ng diet plan. Puwede siyang magbigay ng tips sa mga kailangan nating kainin at kung ano ang puwede nating ihanda araw-araw.
-
Puwede rin tayong mabigyan ng doktor ng mga exercise tips na kailangan gawin araw-araw. Importante rin ito sa mga taong hindi lang sakit sa puso ang nilalabanan kundi pati sakit sa likod at rayuma.
-
Importante ring alamin kung anu-ano ang mga gamot na iniinom natin at kung para saan ang mga ito. Mas mahalagang itanong ang generic name kaysa sa brand name upang iyong malaman ang iba’t-ibang options. Huwag ding basta-basta bibili ng alternative medicine nang hindi alam ng inyong doktor.
Hindi biro ang magkaroon ng sakit sa puso lalo na kapag hindi tayo gumagawa ng mga paraan para matulungan ang ating katawan. Dapat ay mayroong tamang pag-aalaga at tamang disiplina para hindi lumala ang sakit sa puso. Mainam na sundin ang mga paraang nakalista dito para tayo ay maging mas malusog at mas masaya.