Tamang Alaga Tips para sa Heart Wellness

February 20, 2021

Sinasabi na ang mga sakit sa puso ay silent killers dahil kadalasan ay walang kapansin-pansing sintomas ang mga ito. Bago pa man magkaroon ng heart conditions na makakaapekto sa inyong kalusugan, mas mabuti kung maiintindihan kung ano ang tinatrabaho ng puso sa katawan, paano ito iingatan, at ano ang iyong pwedeng gawin para mapanatili itong healthy.

 

Ano ang heart function?

 

Ang puso ay parte ng cardiovascular system ng katawan. Ito ang nagpapadala ng dugo sa pamamagitan ng arteries at veins. May apat itong pangunahing gawain:

 

  • Nagpapadala ng oxygenated blood sa iba’t ibang parte ng katawan para magampanan ng mga ito ang kanilang functions;

 

  • Pagpapadala ng hormones at iba pang substances sa buong katawan;

 

  • Pagtanggap ng deoxygenated blood. Dinadala rin ng puso ang waste products ng katawan sa lungs para ma-oxygenate ang mga ito; at

 

  • Pagpapanatili ng blood pressure.

 

 

Posibleng magkaroon ng komplikasyon sa puso kapag nabarahan ang blood vessels (arteries at veins) o nagkaproblema sa functions ng mga ito. Kaya naman, inirerekomenda ang regular na pagpapatingin sa doktor lalo na kung may family history ng sakit sa puso. Huwag nang hintayin na magkaroon ng atake o high blood pressure bago kumonsulta.

 

 

Healthy Heart Tips

 

Para sa good heart health, may mga pagbabagong kailangang gawin sa inyong lifestyle. Importante rin ang pagpapanatili ng disiplina sa pagsasagawa ng mga ito:

 

 

  1. Diet and exercise – Para sa ikabubuti ng lahat ng aspeto ng kalusugan, mahalaga ang pagkakaroon ng well-balanced diet at regular exercise.

 

Kumain ng heart healthy foods gaya ng leafy green vegetables, whole grains, avocado, mga isang mayaman sa omega-3 fatty acids gaya ng tuna at sardines, kamatis, bawang, at nuts gaya ng almonds at walnuts.

 

Magsagawa naman ng workout routine ng 30 minutes sa isang araw, limang beses sa isang linggo (depende sa inyong edad at health condition). Subukan ang low-impact exercises gaya ng paglalakad, jogging, stretching, at aerobics. Pwede ring magbisikleta, swimming, at iba pang sports.

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-on-cycle-ride-countryside-177027719

 

  1. Pag-iwas sa matataba at maaalat na pagkain – Maaaring mauwi sa high blood cholesterol ang pagkonsumo ng pagkaing mataas sa trans fat, saturated fat, at iba’t ibang uri ng sodium. Bantayan ang pag-kain ng mga ito at maghanap ng healthy alternatives na angkop sa inyong diet.

 

  1. Pagtigil sa masamang bisyo – Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay nakakapagpataas din ng blood pressure. Sumailalim sa mga hakbang sa pagtigil nito at maging consistent sa pagsunod dito.

 

  1. Pagpapahinga – Ilan din sa mga factor ng pagkakaroon ng komplikasyon sa puso ang labis na pagkapagod at stress. Magkaroon ng sapat na tulog araw-araw at magsagawa ng stress management steps para hindi ito makaapekto sa heart health.

 

  1. Annual physical examination – Susi para sa maaga at maagap na diagnosis at treatment ang regular na pagpapa-check up. Kahit walang nararamdamang problema sa katawan, sumailalim sa mga inirerekomendang test ng doktor at maging honest tungkol sa inyong family history. Sa ganitong paraan, matutukoy ng doktor kung at risk kayo at inyong mga mahal sa buhay sa ilang mga sakit.

 

 

Sources:

 

https://www.uwhealth.org/go-red/10-ways-to-take-charge-of-your-heart-health/10543

https://www.healthline.com/nutrition/heart-healthy-foods

https://www.medicinenet.com/what_are_the_four_main_functions_of_the_heart/article.htm