Ang hepatitis ay ang pamamaga ng ating atay. Kapag hindi ito naagapan, maari itong tumuloy sa cirrhosis (scarring of liver) o di naman kaya ay kanser ng atay.
Maraming sanhi ang hepatitis. Kadalasan, ang hepatitis causes ay viruses ngunit maaari ring maging sanhi nito ang impeksyon, pag-inom ng alak at pag-inom at pagkakaroon ng autoimmune diseases.
Iba’t ibang klase ng Hepatitis virus
Mayroong limang klase ng hepatitis virus - ang hepatitis A, B, C, D at E. Ang hepatitis B at C ang pinakakaraniwan na sanhi ng liver chirrhosis at kanser sa atay.
Karaniwang nakukuha ang hepatitis A at E sa pagkain ng kontaminadong pagkain at tubig. Samantalang ang hepatitis B, C at D naman ay maaaring makuha pamamagitan ng exposure sa kontaminadong dugo at kagamitan sa operasyong pangmedikal. Ang Hepatitis B rin ay maaaring maipasa ng ina sa kanyang anak sa pamamagitan ng panganganak. Ito rin ay maaaring makuha sa pamamagitan ng sexual contact.
Ano nga ba ang Hepatitis symptoms?
Mahirap malaman kung mayroon kang hepatitis dahil wala itong sintomas sa umpisa. Ang mga sintomas na ay maaari lamang mapansin kapag naapektuhan na ang pag-function ng ating atay.
Ang mga sintomas ng acute hepatitis ay ang mga sumusunod:
- Pagod
- Flu-like symptoms (Lagnat, panginginig, sakit ng katawan, walang ganang kumain, sakit ng ulo, tuyong ubo, masakit na lalamunan at sipon)
- Maitim na ihi
- Kakaibang kulay ng dumi (Clay-colored stool)
- Pagsakit ng tiyan
- Kawalan ng gana kumain
- Hindi maipaliwanag na pagpayat
- Paninilaw ng mata o maaaring senyales ng jaundice
Paano malalaman kung mayroon kang Hepatitis?
Pagkonsulta sa doktor
Importante ang pagbisita sa doktor at pagkonsulta kung ikaw ay mayroon bang history ng pagkakaroon ng hepatitis at kung mataas ba ang iyong risk ng pagkakaroon nito. Ilan sa maaaring tignan ng iyong doktor sa physical exam ay ang paninilaw ng iyong mata. Maaari rini-check ng iyong doktor ang iyong tiyan kung may nararamdaman na pananakit.
Liver function test
Ang liver function test ay mag-dedetermine kung maayos ang pag function ng ating liver. Ang abnormal na resulta nito ay maaaring maging indikasyon na mayroong problema sa ating atay.
Iba pang Hepatitis tests
Kapag abnormal ang liver function test, maaaring pang mag-request ang iyong doktor ng iba pang blood tests para malaman kung saan ang sanhi ng problema.
Ultrasound
Maaari rin magrequest ang iyong doktor ng ultrasound para makita ang tubig sa iyong tiyan, damage sa atay o ang paglaki nito, tumor sa atay at iba pang abnormalities.
Liver biopsy
Ito ay ang procedure na maaaring isagawa ng iyong doktor para makakuha ng sample tissue mula sa iyong atay. Hindi kinakailangan na sumailalim sa operasyon para sa procedure na ito dahil maaari itong gawin sa pamamagitan ng karayom.
Kung mayroon kang hepatitis o kakilalang mayroon ng sakit na ito, ito ang mga maaaring gawin para matigil o maiwasan ang pagkalat ng virus na ito:
Karaniwang nawawala na lang ang Hepatitis A at E at hindi kailangan ng medikasyon. Subukang kumain ng pakonti konting pagkain sa buong araw. Uminom ng maraming tubig at sports drink para maiwasan ang pagkadehydrate. Para naman sa Hepatitis B at C, kinakailangan sumailalim sa iba’t ibang treatment para matigil ang pagkalat ng virus. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng iba’t ibang antiviral medications.
Hindi katulad ng hepatitis A, B, C at E ang hepatitis D ay mahirap gamutin at kailangan ng pagsusuri ng doktor. Maaari kayong bigyan ng iyong doktor ng interferon – isang klase ng protina na maaaring makapigil sa pagkalat virus at sakit. Ganunpaman, ang paggaling ay wala pa ring kasiguraduhan.
Para iwasan na makakuha ng iba’t ibang hepatitis virus, narito ang ilang tips:
- Magpabakuna para maiwasan ang Hepatitis A at B. Ganunpaman, walang bakuna para sa hepatitis C,D at E.
- Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.
- Iwasang uminom ng tubig na hindi malinis at maaaring kontamido ng virus.
- Kumain lamang ng gulay at prutas na nahugasan at nalinis maigi.
- Para maiwasan ang hepatitis B, ugaliin ang pag-practice ng safe sex.
- Huwag ring kasanayan ang pag-gamit ng personal na gamit ng iba tulad ng toothbrush at razors.
- Iwasan din ang pag-inom ng alak at pag-inject ng illegal na droga.
- Kapag sasailalim sa pagpapalagay ng tattoo o di naman kaya ay magpapabutas ng tenga, siguraduhin na malinis ang karayom na gagamitin.
- Ugaliin na magkaroon ng proper diet at exercise.
- Huwag kalilimutang regular na magpakonsulta sa doktor.
Sources:
https://www.who.int/features/qa/76/en/
https://www.healthline.com/health/hepatitis#treatment
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hepatitis-b/diagnosis-treatment/drc-20366821
https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-hepatitis-overview
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/prevention-15/vaccines/need-hepatitis-vaccines
https://www.medicalnewstoday.com/articles/145869.php