Hilig nating mga Pilipino ang kumain ng masasarap na pagkain tulad ng sisig, lechon, at crispy pata. Tuwing mayroong espesyal na okasyon, kalimitan ay napaparami ang ating konsumo ng mga pagkain na mataas sa cholesterol. Sa kasamaang palad, ang madalas na pag-kain sa mga ito ay maaaring magdulot ng mga malulubhang karamdman gaya ng atake sa puso, stroke, at iba pang uri ng sakit sa puso at blood vessels.
Upang mamuhay nang healthy at ligtas sa sakit, kailangang magkaroon ng balanced diet na naglalalaman ng mga pagkain na nagpapababa ng cholesterol level, sapat na exercise, at pag-iwas sa bisyo. Ating talakayin ang mga ito.
Umiwas sa mga pagkaing mayaman sa trans fats
Ang low density lipoprotein (LDL) ay tinatawag na “bad cholesterol” dahil pinapataas nito ang panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa puso. Kapag madalas ka kumain ng mga pagkaing maraming trans fats, tulad ng mga piniritong pagkain, margarine, pizza, at mga baked goodies, maaaring dumami ang LDL sa iyong katawan. Binabawasan din nito ang high density lipoprotein (HDL) o “good cholesterol,”na nagtatanggal ng LDL, sa iyong sistema.
Pumili na lamang ng mga mas healthy na alternatibo kung mataas ang iyong cholesterol.
Limitahan ang konsumo ng mga pagkaing maraming saturated fats
Pinapataas ng saturated fats ang dami ng LDL sa katawan, kaya dapat limitado lang ang konsumo sa mga pagkain gaya ng steak, itlog, lechon kawali at bacon. Huwag gawing pinakamalaking bahagi ng iyong meal ang mga nasabing pagkain, at samahan ang mga ito ng gulay, prutas, at grains.
Para mas ma-enjoy ang mga paboritong ulam na karne, pumili ng lean cuts at ipaalis ang taba sa matadero. Lutuin din ang mga putahe gamit ang olive oil o canola oil, na mas healthy sa pangkaraniwang mantika.
Sanayin ang sarili sa pag-eehersisyo
Maraming benepisyo sa katawan ang pag-eehersisyo, at kabilang dito ang pagpapababa ng timbang at blood pressure at pagpaparami ng HDL. Mainam ang pag-eehersisyo araw-araw nang hindi bababa sa 30 minutes. Para sa mga nakatatanda, maaaring magsimula sa 10-20 minutes hanggang sa masanay ang katawan sa pagiging aktibo.
Bukod sa ehersisyo, sanayin din ang sarili sa mas maraming physical activity dahil napapaganda pa nito lalo ang mga epekto ng exercise. Maglakad nang mabilis tuwing may kailangan kang puntahan at pumanik sa hagdanan imbis na gamitin ang elevator o escalator.
Kumain ng maraming fiber-rich foods
Mahilig ka ba sa mga gulay at prutas? Kung oo ang sagot mo, mas madaling mapababa ang cholesterol sa iyong katawan. Ang mga pagkaing masagana sa fiber tulad ng oats, prutas, beans, at leafy vegetables ay nagpapababa ng LDL at tinutulungan ang iyong puso makaiwas sa iba’t-ibang uri ng karamdaman.
Iwasan ang paninigarilyo
Kung maraming dalang benepisyo ang exercise, sari-saring sakuna naman ang dala ng paninigarilyo. Ang mga kemikal na natatagpuan sa usok ay pinupuksa ang HDL sa katawan at pinaparami ang LDL. Maliban dito, nagdudulot ito ng lung cancer, stroke, atake sa puso, at iba pang nakamamatay na sakit. Binabawasan din nito ang hininga kaya magiging mas mahirap mag-ehersisyo o gumawa ng mabigat na tungkulin.
Kumain ng mas maraming omega-3
Hindi man direktang binabawasan ng omega-3 ang LDL sa katawan, pinaparami naman nito ang HDL na nagtatanggal ng bad cholesterol. Pinapalusog din nito ang puso at binabawasan ang triglycerides o labis na taba sa katawan. Nahahanap ang omega-3 sa isda gaya ng tuna, salmon, at sardinas, at nuts.
Bukod sa mga natalakay na healthy living tips, maaari ka ring kumonsulta sa iyong doktor upang maresetahan ka ng gamot sa high cholesterol. Kanyang susuriin ang iyong kondisyon, pagkatapos ay bibigyan ka ng mga angkop na solusyon. Isa sa mga maaaring i-reseta ng doktor ay ang Rosuvastatin na nakatutulong mapababa ang LDL o bad cholesterol sa ating katawan habang pinapataas naman nito ang HDL o cholesterol na mabuti sa ating katawan. Piliin ang murang gamot sa mga generic drug store upang makatipid.
Sources: