Healthy at Budget-Friendly Recipes Para sa Holidays

December 10, 2017

Mahilig tayong mga Pilipino sa pagkain. Halos lahat na lamang ata ng celebration ay mayroon tayong handaan na ginagawa. Maramihan man o simpleng salu-salo ay may mga putahe nang hindi mawawala sa ating mga hapag kainan kapag may handaan. Ilan sa mga pagkaing ito ay ang lumpia, lechon, menudo, afritada, at inihaw na liempo. Siyempre, hindi kumpleto ang handaan kung wala ang ating mga nakasanayan ng desserts o minatamis.


Ngayong kapaskuhan, bukod sa Noche Buena at Media Noche, tiyak na maraming pagkain ang ating ihahanda at kainang dadaluhan. Bago tayo mag-enjoy sa ating mga kakainin, dapat rin nating tandaan ang ating health. Basahin ang article na ito para sa mga healthy at budget-friendly recipes na maaari nating ihanda sa holidays.

Lumpiang Sariwa


Paborito ng lahat sa bawat handaan ang bagong prito at crispy na Lumpiang Shanghai. Masarap ito ngunit hindi ito masyadong healthy dahil gawa ito sa karne at ipinirito sa mantiika. Alam nyo ba na mayroon itong healthy alternative? Subukan ninyo ang lumpiang sariwa. Gawa ito sa ubod ng niyog o di naman kaya ay sa singkamas. Madali itong gawin dahil hindi na kailangan pang ipirito, kailangan lamang igisa ang palaman.

Ingredients:


Filling

- 2 tasa ng kamote, sliced
- 2 kutsara ng patis
- 1 ½ tasa ng carrots, hiniwa
- 1 repolyo, shredded
- tokwa, sliced
- bawang, dinurog
- sibuyas, hiniwa
- ½ cup crushed na mani
- asin at paminta

Sauce
- toyo
- ½ cup brown sugar
- 2 tasa tubig
- 1 kutsara bawang, durog
- 2 kutsarita cornstarch

Procedure:


1. Painit ang mantika sa kawali at saka ihulog ang bawang at sibuyas. Sunod na igisa ang kamote, tokwa, carrots, at repolyo.
2. Ihalo ang durog na mani sa nalutong palaman.
3. Itabi ang nalutong filling.
4. Para sa sauce, pakuluan ang tubig sa kaserola at ihalo ang toyo, bawang, at asukal. Antayin itong kumulo. Pagkatapos ay ihalo ang tinunaw na cornstarch. Haluin hanggang sa lumapit.
5. Bago ihain, ilatag ang lumpia wrapper, dahon ng lettuce, at lagyan ng filling. Irolyo. I-serve kasama ang ginawang lumpia sauce.

Vegetable Kare-Kare


Malapit sa panlasa nating mga Pilipino ang Kare-kare dahil na rin siguro sa malinamnam nitong lasa. Ang peanut-based na flavor nito ay lalong sumasarap kapag ipinapares sa alamang. Ang pinaghalong tamis at alat ay talaga namang nakakapagparami ng kain ng mga nasa handaan. Bawasan ang pagiging health risk nito sa pamamagitan ng pagpalit ng karne na ginagamit dito. Imbes na pata ng baboy o di naman kaya ay ox tripe. Ang mga bahaging ito ng baboy at baka ay may mataas na uric acid. Bakit hindi ninyo subukan ang vegan kare-kare ngayong kapaskuhan? Simple lamang at mura ang paghahanda nito!
 

Ingredients:


- isang puso ng saging
- dinurog na bawang
- 1 bungkos ng sitaw, pinutol
- 2 sliced na talong
- 2 pechay, sliced
- 2 bokchoy, sliced
- 1 pack na Kare-Kare sauce

Procedure:


1. Igisa ang bawang, sibuyas, puso ng saging, talong, at sitaw.
2. Intaying maluto ang gulay bago hanguin mula sa kawali.
3. Lutuin ang Kare-kare sauce ayon sa instructions sa pakete.
4. Ihain ang nalutong gulay at patungan ng nalutong kare-kare sauce. Samahan ng bagoong sa side para sawsawan.
5. Enjoy!

Hindi lahat ng handa ngayong holiday ay kailangang maging mahal at hindi healthy. Subukan ang aming mga recipes para kahit na nag-e-enjoy sa pagkain ay mananatili pa rin tayong healthy para sa paparating na bagong taon!

SOURCES:

  • http://www.wheninmanila.com/19-delicious-dishes-filipinos-serve-on-christmas-noche-buena/
  • http://www.pinoyrecipe.net/filipino-christmas-recipes-or-noche-buena-recipes/
  • http://www.modernfilipina.ph/health/food-drink/5-healthy-recipes-for-your-noche-buena
  • http://www.pinoycookingrecipes.com/lumpiang-sariwa.html
  • http://news.abs-cbn.com/lifestyle/12/06/10/healthy-food-options-noche-buena
  • http://www.astigvegan.com/kare-kare-vegan/