Ang pagbubuntis ang isa sa mga pinakamahirap ngunit pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang babae.
Ang pag-eehersisyo ay makabubuti sa mga buntis, at gayundin sa kanilang mga sanggol. Ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo sa panahon ng pagbubuntis ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pagiging masustansya at mapabuti ang pustura ng katawan. Ayon sa mga eksperto, ang pagiging physically active ay nakatutulong din sa pagpigil ng pagkakaroon ng gestational diabetes, stress, at pagpapatibay ng resistensya na kinakailangan para sa labor at delivery.
Hangga’t hindi pinapayuhan ng doktor na itigil ang pag-eehersisyo, makabubuting regular pa rin na mag-ehersisyo kahit pa nagbubuntis. Makatutulong ang pag-eehersisyo hindi lamang sa ina kundi pati na rin sa kanyang dinadalang anak.
Mga aktibidad na maaring gawin ng mga buntis ngayong holiday
Magpa-pamasahe
Isa sa pang pampatanggal ng stress ay ang pagpapamasahe. Ngunit importante na sa isang trained massage therapist magpamasahe. Ito ay dahil may mga tiyak lang na pressure points na pwedeng masahihin kaya siguraduhing alam ito ng iyong trained therapist.
Finally, one of the best things you can get at the spa is a good massage. Always make sure that your massage therapist is trained in prenatal massage. If you can’t find any at the spa you’re going to, get out and look for one that does. There are certain pressure points that should be avoided during pregnancy and a trained therapist will be aware of them.
Mag-swimming
Ang swimming ay magandang aktibidad din para sa mga nagbubuntis. Ang swimming ay nakakatulong sa pagpapagaan sa katawan na nakakatulong sa pagdadala ng bata sa sinapupunan. Ito ay magandang paraan upang malimitahan ang sakit at discomfort sa panahon ng pagbubuntis
Paglalakad
Ang paglalakad ay may malaking benepisyo sa mga moms-to-be. Ito ay isang magandang paraan para makasiguro na nakukuha mo ang tamang ehersiyo na kinakailangan sa panahon ng pagbubuntis.
Ang paglalakad ay nakakatulong sa puso at baga. Ito ay isang aktibidad na madali at maaaring gawin ng kahit sino.
Mga bagay na dapat gawin sa pagbubuntis
-
Kumain ng balanse at masustansyang pagkain.
-
Kumain ng maraming prutas at gulay. Ito ay makakatulong mabigyan ang katawan ng maraming vitamins at minerals. Maaring ring makatulong ito sa pag-iwas sa pagkakaroon ng constipation.
-
-
Damihan ang iniinom na tubig
-
Ugaliin din na sapat ang tubig na iniinom upang maiwasan dehydration na masama sa kalusugan.
-
-
Iwasan ang emosyonal na stress
-
Kontrolin ang mag bagay na nakapagbibigay ng stress. Iwasan ang mga ito hanggat maaari.
-
-
Mag-ehersisyo
-
Ito ay mainam para sa mga buntis. Ito ay nakakatulong sa puso at baga ng isang tao. Ang ilang halimbawa ng mga ehersisyo na ito ay ang paglalakad, pagsasayaw, pag-jogging at pag-swimming. Ang iba sa karaniwang aktibidad na parte na ng iyong araw-araw na buhay ay halimbawa din ng Aerobic Activity. Ito ay ang paglalakad, pag-akyat sa hagdan, pagdilig sa mga halaman, at mga aktibidad na katamtamang Aerobic nakakapagpapawis sa iyo.
-
-
Matulog ng sapat na oras
-
Kinakailangan din ay may sapat na tulog ang mga buntis. Pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakatutulong upang pagbutihin ang pagdaloy ng dugo sa pagitan ng ina at batang pinagbubuntis.
-
-
Regular na magpatingin sa doktor.
-
Tiyakin ang buwanang pagdalaw sa iyong doctor. Mahalaga ito upang mabigayan ng tamang pangangalaga ang bata sa sinapupunan, at kaya naman, para matukoy kaagad kung may komplikasyon sa pagbubuntis at agad na maagapan.
-
Ang pagbubuntis ay hindi dapat makapigil sa pagkakaroon ng kahit anong physical activity. Karamihan sa mga babae, importante ang pagkakaroon ng regular na physical activity sa pagkakaroon ng healthy na lifestyle. Karaniwan, katamtaman na pag-eehersisyo ay ligtas. Ito ay may benepisyo sa pagitan ng ina at batang pinagbubuntis. Ngunit, dapat maging maingat sa ginagawang aktibidad dahil sobra namang ehersisyo ay maaaring makasama sa papgbubuntis.
Mga bagay na dapat iwasan ng mga buntis
-
Paninigarilyo
-
Ang paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan ng sinuman, lalo na sa inang nagbubuntis.
-
-
Pag-inom ng alak
-
Maaaring may idulot din na masamang epekto sa pagbubuntis ang maramihang pag-inom ng alak.
-
-
Pag-iwas sa mga sakit at impeksyon
-
Hanggat maaari, dapat ding iwasan ang pagkakasakit sa buong haba ng panahon na nagbubuntis. Panatilihing malakas ang resistensya at sapat ang mga bakuna at mga gamot na pangontra sa mga malulubhang sakit gaya ng tigdas, bulutong, trangkaso at iba pa.
-
-
Paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot
-
Delikado hindi lamang sa buhay ng ina, kundi pati na rin sa batang nasa sinapupunan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot habang nagbubuntis
-
Sources:
-
https://www.webmd.com/baby/guide/exercise-during-pregnancy#1
-
https://patient.info/health/diet-and-lifestyle-during-pregnancy/pregnancy-and-physical-activity
-
https://www.babycentre.co.uk/a7863/walking-in-pregnancy
-
https://www.babycentre.co.uk/a6977/10-top-tips-for-pregnant-travellers#ixzz4yOA3SwXV