Panahon na naman ng kabi-kabilang Christmas parties, family gatherings, at kung anu-ano pang kainan ngayong papalapit na ang holiday season. Hindi maitatanggi na hilig ng mga Pilipino ang kumain, lalu na’t tuwing Kapaskuhan. Kasabay ng masasarap na handa at masasayang kwentuhan, ang panganib ng pagkakaroon ng stomachache o pananakit ng tiyan.
Narito ang ilang sa mga dahilan kung bakit madalas na sumasakit ang tiyan ng mga Pilipino tuwing holiday:
-
Dahil sa dami ng handa sa lamesa, mas madaming kaysa sa normal ang kinakain ng mga tao. Mas madaming pagkain ang pumapasok sa tiyan, mas malaki ang pressure sa esophageal sphincter, ang muscle na syang nagtatago ng digested food. Kapag mataas ang pressure, umaakyat ang pagkain at acid na syang nagreresulta sa tinatawag na heartburn. Ang sobrang pagkain din ay nakakapagpabagal ng buong digestive system.
-
Halos lahat ng mga pagkaing hinahanda ng mga Pilipino tuwing Pasko at Bagong Taon ay mayaman sa sugar at fats na parehas na nagdudulot ng pagtaba. Ang taba ay nakakapagpabagal ng pagtunaw ng pagkain at maaaring maging sanhi ng reflux. Ang ilang pagkaing maaaring magdulot ng reflux ay ang tsokolate, kape, alak, mints at acidic na pagkain.
-
Isa din sa mga nakakapag-trigger ng sakit ng tiyan ay ang ang tinatawag na holiday stress. Ito ay maaaring dulot ng pagiging sobrang abala sa pamimili ng mga regalo, pagluluto ng mga handa, paglilinis ng bahay o problema sa pamilya. Ang holiday stress ay pwedeng mauwi sa heatburn and pananakit ng tiyan.
Para hindi mahinto ang kasiyahan at kainan, naririto ang ilang tips para maiwasan ang pananakit ng tiyan.
-
Planuhing mabuti ang mga kakainin. Hindi talaga maiiwasan na hindi kumain ng madami lalo na't kung mga paboritong pagkain ang nakahain. Isipin kung anong pagkain ang pinaka gustong kainin. Maaaring dumagdag pa nito basta't isang serving na lang ang kakainin pagdating sa ibang putahe.
-
Kumain ng mga masusustansyang pagkaing sa mga araw bago ang handaan. Mainam na punan ang tiyan ng mga gulay na mayaman sa fiber dahil makakatulong ito sa normal na pag-function ng gastrointestinal tract, ang kanal na dinadaanan ng pagkain.
-
Bagalan ang pagkain at nguyain ng maayos ang pagkain bago lunukin. Hindi lamang tuwing holiday season ito ginagawa kundi araw-araw. Malaki ang magagawa ng mabagal na pagkain at pagnguya ng maayos sa buong digestive system.
-
Limitahan ang pag-inom ng alak dahil maaaring ma-irritate ng alcohol ang gastrointestinal tract at mag-trigger ng heartburn.
-
Pagkatapos kumain, gumagalaw galaw. Tumulong sa maglilinis ng lamesa o makipag-usap sa mga bisita nang nakatayo. Maaaring magkaranas ng heartburn o acid reflux kapag humilata agad pagkatapos kumain.
-
Uminom ng madaming tubig. Kailangan ito araw-araw lalo na sa mga araw na madaming matatamis at mamantikang pagkain ang kainain. Ang tubig ay nakakatulong sa pagpapabilis ng digestion. Sikaping makainom ng anim hanggang walong baso ng tubig.
-
Kung madaling sumasakit ang tiyan, dapat ay piliin kung anong putahe lamang ang kakainin. May mga pagkain na madalas ay nagdudulot ng papanakit ng tiyan. Ilan sa mga ito ay ang kape, pagkaing gawa sa gatas, matatamis at maaanghang na pagkain. Limitahan din ang pagkain ng mga gulay na tinatawag na nightshade vegetables. Kabilang ditto ang patatas, kamatis, talong at paminta.
Sources:
-
https://www.webmd.com/digestive-disorders/features/winter-holidays#1
-
http://www.explania.com/en/channels/health/detail/how-to-avoid-a-stomach-ache-at-christmas-and-new-year
-
https://www.womenshealthmag.com/weight-loss/avoid-bloat-during-the-holidays/slide/10
-
https://www.simplemost.com/7-foods-avoid-youre-easily-prone-stomach-aches/