Benefits of Body Massage kapag Masakit ang Katawan

December 20, 2018

Body pain ang isa sa mga kondisyon na araw-araw ay kinakaharap ng kahit sino. Dahil sa pagiging involved ng katawan sa lahat ng gawain – magaan man o mabigat – hindi maiiwasan na maapektuhan ang mga muscle, kasukasuan, at maging ang mga buto dahil sa activities.

 

Marami pang paraan para mapawi ang pananakit ng katawan, isa pa rin sa pinaka-nakaka-relax na remedy ay ang pagpapamasahe. Nakakapagbigay-ginhawa ang pagpapamasahe tuwing may body pain.

 

Benefits of Massage

 

Anuman ang naging sanhi ng body pain – maging overfatigue man, injury o pinsalang natamo mula sa aksidente, labis na mabibigat na activities, at iba pa – may uri ng masahe na angkop para dyan.

 

Ang klase ng therapy na ito ay unti-unting sumikat. Mula sa pagiging alternatibo lamang na solusyon sa sakit ng katawan, ito ay mas nakikilala na at nabibigyan ng recognition. Hindi na ito nakakagulat dahil bukod sa epektibo, hindi lamang pisikal ang nareremedyohan nito. Nahihila rin ang pag-iisip at iba pang aspeto ng kalusugan. Narito ang ilan sa benefits of body massage:

 

  1. Nakakatulong itong mag-relax ng muscles.

 

Ang kadalasang pinagsisimulan ng sakit ng katawan ay ang muscles na puno ng tension. Sa pagpapamasahe, pinapahupa nito ang tension sa mga kalamnan sa pamamagitan pagbibigay ng relaxation sa mga apektadong bahagi. Dahil sa movements nito, nagpo-promote ito ng maayos na daloy ng dugo o blood circulation, sanhi para umaandar ang supply ng oxygen at nutrients na kailangan ng mga damaged tissue para gumaling mula sa wear and tear.

 

Higit pa rito, nakakapagpalabas ng endorphins ang massage therapy. Ito ang pain-killing hormones na nakakapagpa-boost din ng overall mood.

 

  1. Napapababa nito ang high blood pressure.

 

Isa pang benefits of massage therapy ang abilidad nitong mapakalma ang isang pasyenteng mataas ang blood pressure. Nabibigyang-daan ng pagmamasahe na makawala ang isip sa anxiety, tension, at depression tuwing nasa session dahil sa relaxing effect nito sa katawan. Malaking tulong ito para mapababa rin ang risk sa atake sa puso, stroke, at iba pang health issues na kaakibat ng pagkakaroon ng high blood pressure.

 

  1. Napapaayos nito ang posture.

 

Kapag matagal nakapwesto nang may maling posture lalo na sa trabaho, nagdudulot ito ng pananakit ng katawan. Sa tulong ng massage therapy, dahan-dahang naiwawasto ang posture at inaalis ang strain at tension sa mga parte ng katawan na apektado ng hindi-maayos na pagkakapwesto. Gumagabay din ito sa pagpapabalik ng proper alignment ng likod at pagpapaginhawa sa mga muscle na nagkaroon ng tension dahil sa poor posture.

 

undefined

Photo from Pixabay

 

  1. Nababawasan nito ang nararamdamang stress.

 

Kung minsan, hindi labis o napwersang physical activity ang nagsanhi ng body pain. Isang factor din ang mental o emotional stress para rito. Dahil sa pagpapamasahe, tumataas ang energy levels habang napapababa ang pressure sa katawan na dulot ng mga alalahanin. Sa tulong nito, hindi na magpo-produce ng unhealthy levels ng stress hormones ang body, dahilan para makaiwas sa unexpected weight gain, labis na pagkaantok, problema sa panunaw, at sakit ng ulo.

 

  1. Sinusuportahan nito ang immune system.

 

Ang benepisyong ito ay kadugtong ng nauna, dahil ang mataas na levels ng stress ay nagsasanhi sa katawan na maging prone sa pagkakasakit. Bumababa kasi ang resistensya kapag naka-fight or flight mode ang katawan dahil sa stress hormones. Napapataas ng massage therapy ang abilidad ng katawan na magdala ng sustansya sa iba’t ibang bahagi nito. Sa ganitong pagkakataon, ang regular na treatment, katulad ng ehersisyo, ay lumalakas at tumatatag.

 

Ilan sa mga kilalang uri ng massage therapy ang Swedish, foot, at hand massages. Saglit nating daanan ang iba’t ibang benefits ng mga ito lalo na kapag masakit ang katawan:

 

Swedish Massage Benefits

 

Ang uri ng masahe na ito ay dinisenyo para mapabuti ang circulation ng dugo at flow nito papunta sa mga malalaking muscle groups. Dahil dito, nakakatulong ang Swedish. Gumagabay din ito sa drainage ng lymphatic system, para umayos ang daloy ng mga baradong area.

 

May ilang patunay din mula sa mga nakaranas nito na nabawasan ang kanilang constipation at iba pang problemang-panunaw. Ito’y dahil daw sa ibayong benepisyong dala ng Swedish massage sa circulatory at digestive system dahil sa mga hagod nito.

 

Foot Massage Benefits

 

undefined

Photo from Pixabay

 

Para naman sa masahe sa paa, ilang pag-aaral din ang nagsabing nakapag-improve ng kanilang sleep cycle ang therapy na ito. Nasa dulo man ng katawan, ang mga ugat na konektado rito ay direktang nakakapagpabuti ng headaches, neck pain, at lower at upper backaches.

 

Hand Massage Benefits

 

Pinapagaan ng therapy na ito ang mga sintomas ng chronic arthritis. Para naman sa body pain, nagagamitan ng acupressure at reflexology points sa kamay para mabigyang-pansin ang mga parte ng katawan na nakakaranas ng pananakit dahil sa tension.

 

Paano kung hindi para sa akin ang pagmamasahe?

May mga taong pinipiling huwag magpamasahe dahil mababa ang kanilang pain tolerance, madali silang makiliti, o kaya naman ay hindi sila komportableng magpahawak sa ibang tao. Sakaling ganito rin ang iyong kinalalagyan, marami pang paraan para mawala ang pananakit ng katawan.

Kung hindi naiibsan ng pagpapahinga ang sakit, mabutihing uminom ng pain relievers gaya ng ibuprofen at mefenamic acid. Ang mga ito ay non-steroidal anti-inflammatory drugs o NSAID na, mula sa pangalang ito, ay nakakapagpabawas ng pamamagang dala ng muscle tension o ibang pang sanhi ng pananakit ng katawan.

Maaaring uminom ng isang tableta sa loob ng 6 hanggang 8 oras o depende sa mungkahi ng iyong doktor.

 

Hindi man ayon sa iyong preference ang pagpapamasahe, may mga angkop pa rin na paraan para malagpasan ang body pain. Kung madalas nakakaranas nito at hindi bumubuti ang pakiramdam kahit umiinom ng gamot, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ng wastong solusyon para sa iyong kondisyon.

 

Sources:

https://www.livestrong.com/article/114831-benefits-swedish-massage/

https://www.livestrong.com/article/114377-benefits-hand-massage/

http://www.body-mindmassage.com/7-benefits-of-massage-therapy/

https://www.foot.com/2018/04/06/7-benefits-foot-massage-reflexology/