Paano mapapanatiling disinfected ang inyong bahay?

March 24, 2020

Hangarin ng bawat isang mapanatiling malinis ang buong bahay sa tulong ng wastong hygiene and sanitation para sa mas malusog na pangangatawan ng bawat miyembro ng pamilya. Kadalasan, ang mga viral infection gaya ng ubo, sipon, at trangkaso ay malimit makuha hindi sa labas ng bahay kundi mismong sa loob nito, dulot ng hindi malinis na kapaligiran. Maaari ring makuha ito sa labas, saka kumapit sa mga kamay, damit, sapatos, at gamit ng mga nakatira.

 

Dahil dito, importanteng malaman kung paano natin mapapanatiling malaya sa mga impeksyong dala ng bacteria at viruses ang ating mga tirahan. Bago iyan, tingnan muna natin kung ano ang mga karaniwang kumakapit na carrier ng sakit sa bahay para maiwasan ang pagkakasakit ng ating pamilya.

 

 

What is infection?

 

Ang infection o impeksyon ay ang pagsalakay o pagdami ng maliliit na organismo gaya ng bacteria, virus, at mga parasite na hindi karaniwang taglay ng katawan ng tao. Ang isang infection ay maaaring maging ganap na sakit nang walang sintomas na ipinapakita.

 

Ang viral infection ay ang pagkalat ng virus sa loob ng katawan ng tao na malimit mas mahirap para sa taong mahina ang immune system. Ang anumang uri ng viral infection ay mahalagang ikonsulta agad sa doktor para sa mas maagap na paggaling at para hindi na rin makahawa sa iba.

 

Household Germs

 

Ang tinatawag na household germs ang madalas na sanhi ng mga nakakahawang sakit na mga nabanggit.  Ang household germs ay halos naroroon saanmang bahagi ng tahanan. Ang mga bahaging madalas hawakan ay isa sa siguradong pinaglalagian ng mga household germs.

 

Kapag ang isang bahay ay hindi regular na nalilinis, sigurado ang pagkalat ng mga household germs. Hindi naman lahat ng germs ay masama, pero kung saan maraming germs ay mas mataas ang posibilidad na pagkuhaan ito ng sakit na may dalang virus o bacteria.

 

Ayon sa ilang pag-aaral, bagama’t ang iniisip ng mga tao na pinakamaruming bahagi ng tahanan ay ang palikuran, napag-alaman na ang kusina pala ang pinakamaruming parte ng bahay. 75% ng germs ay matatagpuan sa mga ginagamit na dish sponges at mga basahan, at 45% naman ay sa lababo.

 

Paano magsisimula para makamit ang sakit-free na tahanan?

 

May mga simpleng paraan para maiiwas natin ang ating pamilya sa mga sakit, at sa pagkalat ng mga germs sa loob ng sarili nating tirahan. Gumamit ng maligamgam na tubig, sabon, at malinis na basahan para tanggalin ang mga dumi at germs. Pwede ring gumamit ng mga cleaning agents at disinfectant para sa mas mabilis at mas mabisang paglilinis. Epektibo rin ang paghahalo ng tatlong kutsara ng bleach sa isang galon ng tubig bilang alternatibo.

 

Narito ang ilang hygiene and sanitation tips na makakatulong para sa pagkakaroon ng disinfected na bahay:

 

Kusina

 

  • Bago maghanda o magluto ng pagkain, punasang mabuti ang paligid ng kalan, lababo, at kitchen counter para walang humalong dumi sa inyong ihahain.
  • Hugasang mabuti ang mga gagamitin sa pagluluto gaya ng kawali, sandok, kutsilyo, at chopping board. Siguraduhin ding maayos ang paglilinis sa mga sangkap at sahog sa lutuin para makaiwas sa food-borne diseases.
  • Ugaliing hugasan kaagad ang mga ginamit na plato, baso, kubyertos, at mga gamit sa kusina.
  • Linisin ang lababo lalo na pagkatapos ng food preparation.
  • Regular na maglabas o magtapon ng mga basura para hindi ito pamahayan ng mga insekto at daga na carriers ng germs.
  • Panatilihing malinis ang sahig mula sa mga nalaglag na food particles.
  • Huwag kalimutang maglinis ng refrigerator ilang beses sa isang buwan para maiwasan ang pagdami ng germs na umiikot sa loob.
  • Regular na palitan ang sponge panghugas ng plato, kitchen towels, hand towels, at mga basahan para hindi kumalat ang germs papunta sa mga kamay at ibang kagamitan.

 

Banyo

 

  • Ugaliing mag-disinfect ng doorknob.
  • Magkaroon ng regular na paglilinis ng banyo, lalo na ng kubeta, sahig, at lababo.
  • Iwanang bukas ang pinto para patuyuin ang mga pader at sahig ng banyo para hindi magkaroon ng molds sa mga sulok nito.
  • Linisin at punasan ang salamin, toothbrush holder, soap dish, at iba pang lalagyanan na posibleng natatalsikan ng tubig mula sa kubeta.
  • Huwag mag-iwan ng bath towel sa loob. Paarawan na lang ang mga ito sa labas para matuyo.
  • Huwag magpasok ng sapatos o tsinelas sa banyo para hindi makapagbitbit ng germs dito.

 

Labahan

 

  • Siguraduhing tuyo ang sahig matapos maglaba.
  • Hayaang matuyo ang mga planggana at iba pang gamit sa paglalaba.
  • Regular na i-check kung may mga nakaimbak na tubig sa mga gilid ng gamit para hindi pamahayan ng mga lamok at iba pang insekto.
  • Linisin at hayaang matuyo ang washing machine matapos gamitin.

 

Sala

 

  • Walisan at lampasuhin ang sahig araw-araw.
  • Punasan at tanggalan ng alikabok ang appliances at iba pang kagamitan.
  • Iwasang ipasok ang mga sapatos sa loob ng bahay.

 

 

Paalala: Magsuot ng rubber gloves at buksan ang mga bintana o pinto kapag gumagamit ng anumang disinfectant.

 

Bukod sa paglilinis at pagdi-disinfect ng bahay, ipinapayo rin ang pag-obserba sa good personal hygiene. Dahil nagsisimula sa sarili ang kalinisan, mainam na isagawa ang wastong paglilinis ng katawan para hind imaging carrier ng sakit.

 

Anong kinalaman ng personal hygiene para makamit ang sakit-free na tahanan?

 

Bawat isa ay inaasahang magtaglay ng personal hygiene o ang disiplina ng pagpapanatiling malinis ng pangangatawan at pananamit tungo sa kabuuang kalusugan at kaligtasan mula sa sakit.  Nakapaloob sa personal hygiene ng isang tao ang kanyang hand hygiene at dental hygiene o oral hygiene.

 

undefined

Ang hand hygiene ay ang mga pamamaraang ginagamit para malinis ang mga kamay. Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ang pinakasimple at pinakaepektibong paraan para mabawasan ang kapit ng germs sa ating katawan. Kasama rin dito ang paggamit ng ethyl alcohol o isopropyl alcohol. Makakatulong ang hand hygiene para mabawasan ang naipapasang household germs para makaiwas sa pagkakasakit.  

 

Kapag pinagsama ang proper hygiene at regular na pagdi-disinfect ng bahay, mapapababa ang risk ng pagkakasakit. Samahan pa ito ng masustansyang diet, tamang pahinga, at active lifestyle para maging panatag lalo na sa panahon ng mga outbreak.

 

 

Upang mapanatag, palaging magtago ng RiteMED Ethyl Alcohol o di kaya RiteMED Isopropyl Alcohol sa inyong mga tahanan.

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/parenting/speed-cleaning-germs#3

https://www.healthline.com/health/personal-hygiene#creating-

https://www.hha.org.au/hand-hygiene/what-is-hand-hygiene-routine

https://www.colgate.com/en-us/oral-health/life-stages/adult-oral-care/what-is-good-oral-hygiene

https://www1.health.gov.au/internet/publications/publishing.nsf/Content/ohp-enhealth-manual-atsi-cnt-l~ohp-enhealth-manual-atsi-cnt-l-ch3~ohp-enhealth-manual-atsi-cnt-l-ch3.