Ano ang Hyperacidity?
Ayon sa datos noong 2014, nasa 25% ng mga Pilipino ang nakakaranas ng hyperacidity o ang matinding pangangasim ng sikmura dulot ng sobrang acid sa tiyan. Ang acid ang syang nagtutunaw ng mga pagkain para mas madaming makuhang sustansya ang katawan. Kung minsan, tumataas ang level ng acid dahil sa stress, paninigarilyo, pag-inom ng gamot, pagkain ng maanghang at mamantikang pagkain at labis na katabaan.
Asido sa Sikmura
Naririto ang ilang impormasyon tungkol sa asido sa tiyan:
- Nilalabanan ng asido sa sikmura ang mga microorganisms gaya ng bacteria at virus na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagkain.
- Ang pH level ng asido sa tiyan ay nasa pagitan ng 1 at 3. Ang ganitong pH level ay may kakayahang tumunaw ng isang razor blade oa kahit anong manipis na metal.
- Ang isang araw, nasa 1.5 litro ng asido ang mayroon ang sikmura.
- Ang kakaunting stomach acid ay nagreresulta sa indigestion at mataas na tsansang magkaroon ng mga food-borne diseases.
- Ang sobrang asido naman ay maaaring mauwi sa heart burn, pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at stomach ulcer.
Mga Sakit na Related Sa Hyperacidity
Kadalasang nagpagpapalit-palit ang Hyperacidity, Acid Reflux at GERD. Gaya ng naunang nabanggit, ang hyperacidity ay ang pangangasim ng tiyan na dulot ng sobrang asid sa sikmura. Kapag ang acid na ito ay umkayat sa esophagus ng tao, ito ang tinatawag na acid reflux. Ang esophagus ay isang tube na nagkokonekta sa tiyan at lalamunan. Kapag nakaranas ng acid reflux, may matitikman ang pasyente ng mapait na lasa sa bibig. Mahihirapan din itong huminga. Maaaring ding mauwi ang reflux sa asthma attack. Nagiging heart burn ito kapag nakaramdam ng burning sensation sa gitnang parte ng dibdib. Maaari itong magtagal ng ilang oras. Kadalasang lumalala ito kapag humiga o yumuko. Nauuwi naman sa gastroesophageal reflux disease o GERD kapag naranasan ang mga nabanggit ng tuloy tuloy ng mahigit sa dalawang lingo.
Mga Bagay na Nagdudulot ng Hyperacidity
- Pagkain
Malaki ang epekto ng pagkain sa pag-trigger ng hyperacidity dahil ito ang pumapasok sa sikmura. Naririto ang mga klase ng pagkain na karaniwang nagdudulot ng hyperacidity.
- Maaanghang na pagkain at spices.
- Kape, tsaa, softdrinks at alak.
- Mga pagkaing mayaman sa gatas gaya ng keso, ice cream at yogurt.
- Matatamis na pagkain.
- Mga prutas na mayaman sa acid gaya ng orange, lemob, berries, mansanas at pinya.
- Irregular na oras ng pagkain
Ang hindi pagkain on time ay nakakaapekto sa normal digestion cycle ng katawan dahil na-ttrigger nito ang sikmura na gumawa ng mas madaming asido.
- Mabilis na pagkain
Dahil karamihan ng tao ngayon ay nagmamadali, naging habit na din ang pagkain ng mabilis. Kapag ang pagkain ay hindi nanguya ng maayos, mas matagal itong kailangang tunawin ng digestive system. Para magawa ito, kakailanganing pataasin ng sikmura ang acid level nito.
- Paninigarilyo
Akala ng iba, sa baga lamang ang epekto ng paninigarilyo ngunit isa rin ito sa mga bagay na nakakapagpataas ng stomach acid level.
- Obesity.
- Mental health illnesses gaya ng anxiety at depression.
Gamot sa Hyperacidity
Ang kadalasang iniinom kapag nakakaranas ang isang tao ng hyperacidity ay ang Antacid. Kaya nitong i-neutralize ang asido sa tiyan. Ngunit maaari itong magdulot ng diarrhea kapag uminom ng madami. Mainam nang uminom ng Antacid. Maaaring uminom ng RiteMED Omeprazole at RiteMED Ranitidine para maibsan ang pananakit ng tiyan na dulot ng hyperacidity, dyspepsia o ulcer.
Mainam din na uminom ng mga bitamina upang mapanatili ang ating pangangatawan, ang RiteMED Sodium Ascorbate ay isang bitamina na nakatutulong sa pagpapanatili ng bitamina sa ating katawan, tamang tama lamang ito lalo na sa mga acidic dahil ito ay may mga sangkap na non-acidic.
Kapag hindi nakatulong ang pag-inom ng Antacid, mabuting magpatingin na sa doktor para maresetahan ng ibang gamot.
- http://www.gmanetwork.com/news/video/pinoymd/221334/what-you-need-to-know-about-hyperacidity/video/
- https://www.justforhearts.org/2013/08/stomach-acid-know-the-facts-and-functions/
- https://www.interestinghealthfacts.net/hyperacidity-causes-symptoms-treatments/
- https://www.webmd.com/heartburn-gerd/guide/what-is-acid-reflux-disease#1
- https://www.webmd.com/heartburn-gerd/ss/slideshow-heartburn-overview
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/expert-answers/heartburn-gerd/faq-20057894