Ang Vitamin C (ascorbic acid) ang isa sa mga pinaka-importanteng vitamin para mapanatili ang kalusugan ng ating balat, cartlage, mga buto, ngipin at mga blood vessels. Isa din itong antioxidant at isa sa mga vitamin na nagbibigay proteksyon sa mga cell ng katawan.
Ang ating katawan ay hindi nag-proproduce ng sarili nitong vitamin C, kaya kinakailangan na makuha ang vitamin na ito mula sa mga pagkain katulad ng mga citrus na prutas o sa pag-inom ng mga vitamin supplement. Ngunit maaring mahirapan ang mga may acid reflux na humanap ng mga vitamins para sa acidic lalo na ang non acidic vitamin C.
Sodium Ascorbate
Kung sensitibo ang iyong tiyan sa ascorbic acid dahil sa hyperacidity ay maaring uminom ng sodium ascorbate na vitamin supplement. Ang sodium ascorbate ay binubuo ng combinasyon ng sodium at ascorbic acid. Sa paghahalo na ito ay bumababa ang pagka-acidic ng ascorbic acid dahil sa sodium. Wala din ipinagkaiba ang pag-absorb ng ating katawan sa Sodium Ascorbate at sa natural na vitamin C at maaring inumin na vitamins para sa acidic.
Health Benefits ng Sodium Ascorbate
Ang pag-inom ng sodium ascorbate ay mainam sa pagpigil sa deficiency sa vitamin C, lalo na kung ang digestive system ay sensitibo sa acid. Ang pag-inom ng tamang dami ng vitamin C ay makakapagbigay sa katawan ng antioxidant protection. Nakakatulong din ang vitamin C sa pagpapagaling ng mga sugat, pag-produce ng collagen at sa pagpapanatili sa kalusugan ng immune system. Ang regular na pag-inom ng vitamin C ay maari ding makapagpaikli sa tagal at tindi ng sipon.
Ang regular na pag-inom din ng vitamin C ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan sa mga mata. Ang vitamin C ay nakakatulong sa pangangalaga sa mga capilliaries at malalambot na tissue na sagana sa mga mata. Tumutulong din ito sa maayos na paggana ng mga blood vessels sa mata.
Para naman sa mga nakatatanda, ang regular na pag-inom ng vitamin C ay nakakatulong dun sa paghadlang sa kawalan ng paningin (vision loss) sa mata.
Kaya naman para masiguradong maalagaan ng tama ang kalusugan, doon tayo sa subok at pinagkakatiwalaan na vitamin C supplement ni Susan Roces – Ang RiteMED Ascorbic acid at Sodium Ascorbate.
Sources:
https://www.livestrong.com/article/168202-what-is-sodium-ascorbate/
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-63684/ascorbic-acid-ascorbate-sodium-vitamin-c-oral/details
https://www.livestrong.com/article/348175-what-are-the-health-benefits-of-sodium-ascorbate/