Ang hyperglycemia ay isang terminolohiya sa medisina na ibig sabihin ay mataas ang iyong glucose o sugar sa dugo. Ang high blood glucose ay nangyayari kapag konti ang insulin sa katawan o kaya ay hindi kaya ng katawan maproseso ang insulin para ma-control ang sugar sa dugo.
Mga uri ng hyperglycemia:
- Fasting Hyperglycemia
Ito ang uri ng hyperglycemia kung saan umaabot ng 130 milligrams per deciliter ang iyong bloodsugar pagkatapos ng hindi pagkain o pag-inom ng walong oras.
- Postprandial o After-meal hyperglycemia
Ito naman ang uri ng hyperglycemia na tumataas hanggang 180 miligrams per deciliter ang iyong blood sugar makalipas ang dalawang oras ng iyong pagkain at pag-inom. Ang mga taong walang diabetes ay bihirang umabot ng 140 milligrams per deciliter pagkatapos kumain.
Ano ang nangyayari kapag napapadalas ang pagtaas ng iyong blood sugar?
Ang madalas o patuloy na pagtaas ng blood sugar ay maaaring magresulta sa pagkasira ng iyong nerves, blood vessels, at lamang-loob.
Posible rin itong mahantong sa mga malalang kondisyon katulad ng ketoacidosis (sa type 1 diabetes). Ang ketoacidosis ay ang pagdami ng tinatawag na “ketones” sa dugo at maaaring mag-resulta sa coma o pagkamatay. Sa type 2 diabetes, mahihirapan ang iyong katawan na mag-proseso ng sugar na maaaring magdulot din ng pagkamatay.
Mga sanhi ng hyperglycemia:
- Kapag nakalimutan at nalaktawan ang pagkonsumo ng insulin o gamot upang bumaba ang iyong glucose
- Masyadong maraming carbohydrates sa dyeta
- Kung ikaw ay nagkaroon ng impeksyon
- Napasobra ang iyong stress
- Kung hindi ka na nage-ehersisyo o kulang ang iyong pag-ehersisyo kaysa sa nakagisnan
- Kung ikaw ay sumali sa nakakapagod na aktibidad habang mataas ang iyong blood sugar at mababa ang iyong insulin level
Ano ang hyperglycemia symptoms?
- Pakiramdam na palaging uhaw
- Sakit ng ulo
- Nahihirapan mag-pokus
- Lumalabo ang paningin
- Pakiramdam na palaging pagod
- Pagkabawas ng timbang nang hindi inaasahan
- Inaabot ng 180 mg/dl ang blood sugar
Ang patuloy na pagtaas ng blood sugar ay nagdudulot ng :
- Impeksyon sa ari ng babae
- Impeksyon sa balat
- Matagal na paghilom at paggaling ng sugat
- Patuloy na paglabo ng paningin
- Pinsala sa nerves na maaaring magdulot ng pananakit o pamamanhid ng paa, paglalagas ng buhok sa ulo at sa baba
- Erectile dysfunction
- Problema sa bituka o tiyan gaya ng chronic constipation o diarrhea
- Pagkasira ng iyong mata, blood vessels, bato o kidney
Mga posibleng treatment sa hyperglycemia:
Kung mayroon kang diabetes at napansin o nararamdaman mo ang ilan sa mga nabanggit na sintomas, importanteng kumonsulta na agad sa iyong doktor.
Maaari niyang irekomenda o ireseta ang mga sumusunod:
- Pag-inom nang maraming tubig upang maiwasan ang dehydration
- Pag-ehersisyo nang regular (ipa-check sa doktor kung walang ketones sa iyong ihi)
- Pag-improve ng iyong diet
- Pag-konsumo ng oral glucose lowering medicine katulad ng Ritemed Glimepiride
References:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/323699.php
https://www.webmd.com/diabetes/guide/diabetes-hyperglycemia#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-ketoacidosis/symptoms-causes/syc-20371551