Ano ang resistant hypertension?

March 10, 2019

Para sa mga may hypertension o altapresyon (mataas na blood pressure),  nakararanas ka ba ng kahit binago mo na ang iyong lifestyle sa pagkain, pagtulog o pag-ehersisyo -- kulang pa rin? Yung tipong umiinom ka na ng humigit-kumulang sa dalawang high blood medicine o ikaw ay nagdi-diuretic pero hindi pa rin bumababa ang iyong blood pressure – posibleng ‘yan na ang tinatawag na “resistant hypertension”.

Ang resistant hypertension ang uri ng hypertension na mahirap pababain ang iyong blood pressure (>140/90 mm Hg) dulot ng iba pang sakit na maaaring mayroon ka.

Mga sanhi ng resistant hypertension:

  • Pagkakaroon ng abnormalidad sa iyong hormones
  • Renal Artery Stenosis

Pagkumpuni ng bumarang plaque (nabuong bacteria) sa daluyan ng dugo na dapat ay

napupunta sa ating bato.

  • Obstructive sleep apnea.

Ito ay uri ng sleeping disorder kung saan ang taong nakararanas nito ay tumitigil at

abnormal ang paghinga habang natutulog. Mapapansin na may ganitong kondisyon

ang isang tao lalo na kung malakas ang kanyang paghilik

  • Obesity

Ang kondisyon na ito ay kung saan sumosobra ang timbang ng isang tao sa normal.

  • Sobrang pag-inom ng alcohol
  • Pag-abuso ng paggamit ng ipinagbawal na gamot

Ang mga senyales na mababanggit ay maaaring sabay-sabay na maramdaman ng may resistant hypertension o minsan naman ay walang sintomas sa loob ng ilang taon.

Narito ang ilan sa mga resistant hypertension symptoms:

  • Pananakit ng iyong ulo
  • Pagkahilo
  • Kakulangan sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib
  • Pagdurugo ng ilong

Upang makasiguro, gumamit ng sphygmomanometer. Kapag ang iyong blood pressure ay hindi bumababa sa >140/90 mm Hg, mabigat na senyales na ito ay resistant hypertension na. Lapitan agad ang iyong doktor upang magpakonsulta.

Ano ang posibleng mangyari kapag napabayaan ang resistant hypertension?

Ang hindi makontrol na high blood pressure ay nagiging dahilan kung bakit nasisira ang arteries (daluyan ng dugo papuntang puso) kaya ito ay sumisikip at ang puso natin ay dumodoble ang pag-pump.

Sa ganitong sitwasyon, maari itong magdulot ng stroke, heart attack, heart failure, at iba pang kondisyong may kinalaman sa puso. Pwede ring maapektuhan ang iyong bato, mga ala-ala, at paningin.

Paano ginagamot ang resistant hypertension?

  • Inaalam at sinosolusyonan muna ang sakit na may kinalaman kung bakit hindi bumababa ang iyong blood pressure.
  • Ina-adjust ang dosage ng iyong gamot sa hypertension
  • Nagrerekomenda ang doktor ng ibang gamot na mas epektibo o hiyang para sa iyong hypertension halimbawa na lamang ay ang RiteMED Carvedilol.

 

References:

https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/the-facts-about-high-blood-pressure/resistant-hypertension--high-blood-pressure-thats-hard-to-treat

https://www.hopkinsmedicine.org/healthlibrary/conditions/cardiovascular_diseases/resistant_hypertension_22,resistanthypertension

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hypertension