Diet Plan para sa May Hypertension

February 27, 2018

Tuwing nakararanas ng gutom, madalas nating ino-order sa mga restaurant ang matatabang pagkain gaya ng sisig, bagnet, at hamburger. Masarap man ang mga ito, maaari silang magdulot ng sakit sa puso at iba pang malubhang karamdaman kapag labis ang pagkonsumo, lalo na para sa mga hypertensive. Upang makaiwas sa panganib, gawing sentro ng iyong diet ang foods good for the heart.

 

 

Maraming pagkain ang nakakapag pababa ng blood pressure, at ang ilan sa mga heart healthy foods na ito ay mayroong mga dagdag nasustansya na makabubuti sa katawan. Ating tukuyin ang mga pagkaing naturingang foods good for the heart sa pagbuo ng meal plan na tutulong sa pagpapababa ng iyong blood pressure.

Gulay – tanghalian o hapunan

Gulay ang isa sa mga pangunahing nilalaman ng nakararaming healthy diet, at gayundin ang kaso para sa diet ng mga hypertensive. Imbis na karne ng baka o baboy ang gawing pangunahing ulam, ipalit dito ang green leafy vegetables tulad ng kangkong, spinach at talbos ng kamote. Taglay ng mga ito ang potassium, isang sustansiya natinutulungan ang katawan mag-flush out ng sodium, nanakapagpataas ng blood pressure.

Kung gusto mo ng mas nakakabusog na option, samahan ang madadahong gulay ng broccoli, cauliflower, kalabasa, carrots, kamote, patatas at mga katulad na gulay. Ang mga ito ay mayamansa fiber na nag-aalis ng mga toxin sakatawan.

Oatmeal –agahan

Masaganasa fiber ang oatmeal kung kaya nakakatulong ito sa paglilinis ng katawan at pagpapababa ng blood pressure. Bukod dito, nakakabusog ito at masarap kainin kapag sinamahan ng prutas gaya ng manga at strawberries, na heart healthy foods rin. Maaaring makaiwas sa mga sintomas ng sakit sa puso kung ikaw ay masanay kumain nito.

Yogurt – merienda

undefined

Image from Pixabay

Sa halip na kumain ng chichirya para sa merienda o habang nanonood ng TV, kumain nalamang ng yogurt, nasiyang naglalaman ng calcium at fiber – dalawang sustansyang tumutulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo at sa pag-iwas sa sakit sa puso. Kung nakukulangan kasalasa, iparesmo dito ang mga paboritomong prutas. Tiyak na kahihiligan mo ito pagkatapos.

Mga isdang mayaman sa omega-3 – tanghalian o hapunan 

Hindi lahat ng uri ng taba ay dapatiwasankungmataasangiyong blood pressure. Ang omega-3 ay kinikilalabilanggood fatsapagkattumutulongitosapag-iwassasakitsapuso, nagpapababa ng blood pressure at nagdadala ng ginahawa para samgamayroong asthma, depression, at arthritis.

Taglayang omega-3 ng mgamasasarapnaisdagaya ng salmon, tuna at sardinas, kaya ikaw ay mag-eenjoy pa rinkahitlimitadoangpagkonsumosakarne ng baka at baboy.

Prutas – dessert

undefined

Image from Pixabay

Isang patunay sa sarap ng prutas ay ang katotohanan na karamihan sa mga paborito nating cakes, ice cream at pastries ay fruit-flavored. Bukod sa masarap, nakabubuti ito sa mga hypertensive at tumutulong sa pag-iwas sa mga sintomas ng sakit sa puso. Kabilang sa fruits good for the heart ay ang saging, orange, kamatis, mansanas, berries, pinya at manga. 


Brown rice at multigrain bread


Maaring kumain ng kanin at tinapay kung ikaw ay high blood dahil sa taglay nitong fiber. Pero kung gusto mo ng mas healthy na alternatibo, piliinang brown rice at multigrain bread. Kinokonsidera silang foods good for the heart.

Tandaan na pwede ka pa ring kumain ng karne ng baboy at manok ngunit iwasan ang pagprito at pag-ihawsamgaito. I-steam na lamang ang karne upang hindi mahaluan ng taba, nasiyang nagpapataas ng blood pressure.

Bukod sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain, iwasan din ang pag-konsumo ng mga pagkain na mataas ang bad cholesterol dahil maaari itong magdulot ng pagtaas ng ating blood pressure. Higit sa lahat, ugaliin na magpakonsulta sa doktor para ma-monitor ang pagtaas ng cholesterol at maiwasan ang pagkakaroon ng hypertension. Kasama ang tamang diet, ilan sa mga maaaring i-reseta ng doktor para mapababa ang cholesterol ay ang RiteMED Atorvastatin. Available ito sa lahat ng drugstores nationwide.

undefined