Sanhi ng pagkahilo

February 22, 2019

Ang pagkahilo ay isang hindi magandang pakiramdam kung saan hindi mo mabalanse ang sarili mong katawan at tila umiikot ang iyong paningin. Ang malubhang pagkahilo ay kadalasang nagreresulta sa pagkahimatay. Ito rin ay posibleng sintomas ng ibang karamdaman.

Alamin natin at pagusapan ang ilan sa mga sanhi at sintomas ng pagkahilo. Basahin nang mabuti para malaman ang maaari mong gawin kung ikaw ay nahihilo.

Mga sanhi ng pagkahilo

Maraming parte ng ating katawan ang tumutulong upang tayo ay makapagbalanse sa pang-araw-araw nating gawain. Kasama dito ay ang ating mga mata, utak, paa, at ang ating gulugod.

Kapag ang isa dito ay nagkaroon ng problema, nagiging mahirap ang pagkilos. Ito ay maaaring mag-resulta sa kawalan ng balanse at magdulot ng pagkahilo.

  • Migraine (pabalik-balik na sakit ng ulo)
  • Kakulangan sa Vitamin B (bitaminang kinakailangan para sa cell metabolism)
  • Gamot na may posibleng side effects ng pagkahilo
  • Vertigo (Ito ay uri ng pagkahilo kung saan parang umiikot o gumagalaw ang paligid. Epekto ito ng problema sa inner ear o kaya ay bahagi ng ating brainstem na kumokontrol ng ating balanse)
  • Meniere’s Disease (ang sakit na ito ay nangyayari kapag may naipong likido sa inner ear)
  • Labyrinthitis (impeksyon ito sa labyrinth o inner ear kung saan naapektuhan ang ating pandinig at paningin)
  • Stress o anxiety
  • Low blood sugar level (hypoglycemia)
  • Dehydration (kakulangan sa tubig)
  • Heat exhaustion (epekto ng sobrang init)
  • Postural Hypertension (biglaang pagbaba ng blood pressure kapag umupo o tumayo)
  • Vertebrobasilar insufficiency (ito ay ang kakulangan ng supply ng dugo)

Anong mga dapat gagawin kapag nahihilo?

  1. Alamin ang mga nagpapa-stress at iwasan ang mga ito
  2. Kung ikaw ay may panic attack, huminga nang malalim at piliting kumalma
  3. Huwag magmadali sa pagtayo o pag-upo para hindi mabigla ang katawan
  4. Limitahan ang paggamit ng gadgets tulad ng cellphone o laptop. Ipahinga ang mga mata pagkatapos gumamit ng mga ito.
  5. Hangga’t maaari, magkaroon ng healthy lifestyle
  6. Kumain ng regular at iwasang ma-dehydrate. Makabubuti ang pag-inom ng walong baso ng tubig sa loob ng isang araw.

May RiteMED ba nito?

Kung ang iyong pagkahilo ay nagmumula sa pananakit ng ulo o migraine, maaaring i-reseta ng iyong doktor ang Paracetamol.

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa RiteMED Paracetamol:

undefined

Para saan ang  RiteMED Paracetamol?

Ang gamot na ito ay para sa sakit sa ulo, sakit sa likod, masakit na puson, muscle pain,

toothache, arthritis pain, o ano mang sakit na dala ng sipon at trangkaso.

Paalala sa tamang pag-inom ng gamot

Ugaliin paring magpakonsulta sa doktor upang makasigurado sa sanhi ng lagnat na mayroon ka at mabigyan ng angkop na gamot upang gumaling