Ano ang Irritable Bowel Syndrome?

February 20, 2021

May mga stomach pain na chronic o pangmatagalan kagaya ng irritable bowel syndrome. Tingnan kung ano ang mga sintomas at sanhi nito, pati na rin ang tamang pag-iwas dito.

 

Ano ang irritable bowel syndrome?

 

Ang IBS ay isang chronic disorder ng large intestine na nagsasanhi ng grupo ng intestinal symptoms. Tumatagal ito ng tatlong buwan, halos tatlong araw sa isang buwan. Kilala rin ito sa tawag na spastic colon, irritable colon, mucous colitis, o spastic colitis.

 

IBS Symptoms

 

Narito ang mga karaniwang sintomas ng irritable bowel syndrome:

 

  • Abdominal pain;
  • Cramps;
  • Pakiramdam na puno ang tiyan;
  • Pakiramdam na kinakabag;
  • Kapansin-pansing kaibahan ng itsura ng dumi; o
  • Diarrhea o constipation.

 

May pinagkaiba ang mga sintomas ng IBS sa kababaihan at kalalakihan.

 

Sa mga babae, nakakaranas sila ng mga sintomas sa panahon ng kanilang menstruation. Maaari ring makaranas sila ng mas maraming sintomas sa ganitong pagkakataon. Sa kabilang dako, kapag menopausal na ang isang babae, hindi na ganoong karami at kalubha ang IBS symptoms na pwedeng maranasan. Sa mga nagdadalang-tao, dumadami rin ang mga sintomas.

 

Ang abdominal pain na dala ng IBS ay maikukumpara sa cramps na kadalasang nararanasan ng mga babae.

 

Pagdating sa mga lalaki, bagama’t halos pareho lang ng sintomas sa mga babae, lumabas sa pag-aaral na hindi nila ipinapa-check ang kanilang nararamdaman. Bihira rin maghanap ng treatment ang mga lalaki para sa IBS.

 

Irritable Bowel Syndrome Causes

 

Mas mataas ang risk sa pagkakaroon ng IBS kung mayroon o nakakaranas ng mga sumusunod:

 

  • Stress – Ayon sa pag-aaral, mas mataas ang risk sa irritable bowel syndrome ng mga taong nakaranas ng childhood trauma o stress. 

 

  • Mga pagkain at inumin – Allergy naman sa piling mga pagkain at inumin ang sanhi ng IBS sa ibang tao. Ilan sa triggers nito ang dairy products, mga pinritong pagkain, ilang klase ng sugars, at beans.

 

  • Sensitibong colon o immune system – Kung mayroong bacterial infection sa gastrointestinal tract, maaaring ito ang dahilan ng postinfectious IBS.

 

  • Problema sa colon – Kapag ang paggalaw sa colon ay mabagal, paninimulan ito ng cramps na mauuwi sa IBS. Ang abnormal na serotonin levels naman sa colon ay makakaapekto sa bowel movement at sa muscle contractions sa tiyan.

 

undefined

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/sliced-bread-isolated-on-white-background-1088519702

 

Treatment para sa Irritable Bowel Syndrome

 

Pagtuunan ng pansin ang kinokonsumo para malunasan o maiwasan ang IBS. Subukang idagdag sa inyong meal plan ang mga sumusunod:

 

  1. Mga pagkaing mataas sa fiber – Ang mga gulay at whole grains ay importante para magdagdag ng laman sa stool. Sa ganitong paraan, makakatulong ito sa movement ng dumi para maging regular.

 

Kung hindi regular ang bowel movement, maaaring uminom ng RiteMED Fibermate para mapagaan ang pakiramdam. May mga available din na laxative gaya ng RiteMED Bisacodyl para mawala ang constipation at makaiwas sa pagkakaroon ng hemorrhoids o almoranas.

 

  1. Mga pagkaing mababa sa fiber – Sa ibang kaso ng mga taong may sintomas gaya ng diarrhea, mas mainam ang pagkonsumo ng may soluble fiber gaya ng apples, carrots, at oatmeal. Pwede ring uminom ng RiteMED Loperamide para guminhawa mula sa diarrhea, lalo na kung nakakaapekto na ito sa pang-araw-araw na gawain.

 

  1. Low-fat diet – Napapalala ng mamamantika at matatabang pagkain ang IBS symptoms. Maghain ng lean meats, prutas, gulay, grains, at low-fat na dairy products para makumpleto ang nutrisyong kailangan ng katawan habang iniiwasan ang IBS.

 

Importante rin ang regular na pag-eehersisyo para mapanatiling maayos ang gut health at regular ang bowel movement. Hangga’t maaari ay umiwas din sa mga trigger ng anxiety at stress nang sa gayon ay hindi lumala ang IBS. Gawing regular ang pagkonsulta sa doktor para kondisyong ito. Makakatulong ito sa pag-monitor ng inyong kondisyon at pagtukoy sa angkop na solusyon.

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/

https://www.healthline.com/health/irritable-bowel-syndrome

https://www.healthline.com/health/ibs-diet#gluten--free-diet