Tips Para sa Mas Maayos na Bowel Movement

November 30, 2020

Mahalaga sa kalusugan ang regular at maayos na pagdumi. Isa kasi ito sa bilang na mga gawain ng katawan upang makapagbawas ng dumi sa katawan ng isang indibidwal.

Lingid sa kaalaman ng iba, hindi lang isang pisikal na gawain ang pagbabawas o pagdumi. Kapag hindi nakakadumi ang isang tao nang regular o nang madalang o mas madalas sa kaniyang nakasanayan, kailangang i-assess ng indibidwal hindi lang ang nararamdaman nito sa pisikal kundi pati ang mental na aspeto ng kanyang kalusugan.

Bago tayo tumungo sa mga tips para makatulong sa mas maayos at matiwasay na pagbabawas, dapat muna siguro nating alamin ang pagkakaiba ng normal at hindi normal na bowel movement.

Alam na siguro nating lahat na hindi pare-pareho ang itsura at consistency ng dumi ng bawat tao. Madalas ay kulay brown ito, buo o di kaya’y minsan may pagkabasa. Normal ang dumi kapag hindi ito ganoon katigas at hindi rin parang nagtutubig. Kapag nakaranas ng matubig o sobrang tigas na dumi, marahil sanhi ito ng irregular bowel movement pero mas makabubuti pa ring ipa-check ito sa doktor.

Kapag sobrang tigas ng dumi at nagdudulot ng sakit sa tuwing nagbabawas at parang may tumutusok sa sikmura sa tuwing pagkatapos itong gawin, kailangan agad sumangguni sa eksperto dahil baka ito ay inflammatory bowel syndrome (IBS) o sintomas ng mas malalalang sakit tulad ng Crohn’s disease o ulcerative colitis. Wika nga, prevention is always better than cure.

Bukod sa mga nabanggit na sakit sa itaas, diarrhea o pagtatae at constipation ang dalawang madalas na kondisyong dumadapo sa kahit na sino.

Para makaiwas sa diarrhea

  • Iwasan ang intake ng mga pagkaing may caffeine, dairy, at alcohol
  • Uminom ng maraming tubig at inuming may electrolytes para maibsan ang dehydration na hatid ng loose bowel movement (LBM)
  • Taasan ang intake ng pagkaing may mataas na fiber content

Para makaiwas sa constipation

  • Siguraduhing nasa 25 to 31 grams ang intake ng fiber sa buong araw (mungkahi ng U.S.-based National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases)
  • Mag-ehersisyo o taasan ang physical activity level
  • Huwag magpigil ng pagdumi kung maaari

May mga kaso na kayang malunasan sa pamamagitan nang pag-inom ng anti-diarrheal medicines upang maibsan ang sama ng tiyan. Sa mga pagkakataong hindi pa rin umuubra ang mga ito, nararapat lamang na kumonsulta sa mga doktor at eksperto para makasiguradong ligtas sa mas malalalang sakit o komplikasyon.

Tips para sa mas maayos na bowel movement

  1. Uminom ng maraming tubig

Tubig and fiber ang dalawang pinakamalaking component na bumubuo sa isang dumi. Dapat rin itong ikonsidera sa lahat ng uri ng diet dahil dito nakasalalay ang basehan ng isang healthy at unhealthy poop. Ang hindi paglimot sa pag-inom ng sapat na tubig sa isang araw ay malaki ang naitutulong hindi lang bilang remedy sa abnormal na pagdumi kundi pati sa kabuoang kalusugan ng isang indibidwal.

  1. Pagkain ng prutas, mga uri ng mani, grains, at mga gulay

Bukod sa regular at consistent hydration, sunod na mahalaga ang pagkain ng fibrous meals. Nakadadagdag ito sa mass ng dumi at nakatutulong ito sa mas madulas at swabeng pagbaba ng dumi mula sikmura palabas ng katawan. Ilan sa mga pagkaing may mataas na fiber content ay ang mga sumusunod:

  • Para sa prutas: strawberries, raspberries, at mansanas
  • Para sa mga uri ng mani: pistachio, almonds, sunflower seeds
  • Para sa mga gulay: broccoli, lima beans, carrots
  • Para sa grains: seven-grain, cracked wheat, at pumpernickel

Hindi rin minumungkahi ang labis na biglang pagtaas ng intake sa mga pagkaing mataas sa fiber. Mas makabubuti sa katawan kung hindi ito nabibigla. Siguraduhing unti-unti ang pag-i-incorporate ng mga pagkaing ito kung hindi ito madalas na nasa diet.

  1. Pagbabawas ng nakasasamang pagkain sa diet

Para makaiwas sa constipation at diarrhea o kahit ano pang sakit na may kinalaman sa digestive system, marapat lamang na bawasan ang pag-intake ng mga pagkaing nakaiirita sa sikmura ng tao tulad ng alcoholic beverages, caffeinated drinks, fatty foods, at spicy foods.

  1. Pag-eehersisyo

May natural na paggalaw at pagdaloy ang sikmura na hindi natin nararamdaman. Kapag nakararamdam ng hindi normal na pagdumi, hindi masamang mag-ehersisyo para mapaigting ang mas mabuting kabuoang kalusugan. Makatutulong ang mga cardiovascular exercises tulad ng paglalakad, pagtakbo, o ‘di kaya’y paglangoy. Sampu hanggang 15 minutong pag-eehersisyo sa isang araw ay malaki na ang naitutulong sa pangkalahatang kalusugan.

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/man-sitting-toilet-bowl-bathroom-his-1031648773

 

Koneksyon ng pagdumi sa isip ng isang tao

Napunto na ng mga doktor at eksperto ang koneksyon ng katawan at isipan sa pagdumi.

Ani ng mga doktor, may ilang paraan upang ma-address ang koneksyon ng isip at sikmura.

  1. Tandaan na ang pagdumi ay isang natural na bahagi at natural na pangangailangan ng isang indibidwal. Lahat ng tao ay dumudumi. Hindi dapat mahiya kung kinakailangan nang gumamit ng banyo o tinatawag na ng kalikasan.
  2. Sikaping magkaroon ng regular na pattern sa pagdumi. Simulan ito sa pagsubok na dumumi sa isang partikular na oras sa isang araw araw-araw. Maaari nitong matulungan ang katawang matuto at masanay na dumumi sa napiling oras sa araw na iyon at para na rin komportable ang indibidwal sa lahat ng pagkakataon.
  3. Huwag mag pigil ng pagdumi. Tumungo kaagad sa banyo kung nakararamdam ng tawag ng pagbabawas.
  4. Sikaping gumawa ng stress-relieving na mga gawain dahil may direktang koneksyon ang anxiety sa pag-cramps ng sikmura. Mag-practice ng breathing exercises, mag-sit-ups, iunat ang mga balikat, makinig ng musika, o magbasa ng mga talang nakapagbibigay ng motibasyon.

Malaki ang koneksyon ng pagdumi at stress. Sikaping lumikha o lumugar sa isang kapaligirang may bigay na kapanatagan. Huwag madaliin ang sarili, may natural na daloy ang lahat.

 

Source:

https://www.healthline.com/health/bowel-movement?fbclid=IwAR0FEyXDpp3N_q220gcgdcd-H2K5m_ckEgxquro2RvVzw03HAbwjKMhCHDo