Gamot sa Tendinitis

July 16, 2019

Ang tendons na bahagi ng katawan ng tao ay ang matitibay na elastic white cord na bumubugkos sa collagen fibers na nakadikit sa muscle ng buto. Ito ang responsable sa patulak na paggalaw ng mga muscles mula sa isang punto hanggang sa susunod, hanggang sa mga buto. Ang mga tendons ay nakapaloob sa membrane-lined sheats (synovial membrane) na binubo ng fluid na nakakabawas sa friction o pagkiskis kapag kumikilos ang tao, dahilan para hindi masakit ang paggalaw.

What is Tendinitis?

Kapag ang tendons ng tao ay nagsimulang mamaga o ma-stress dahil sa mga biglaan o sobrang pagkilos, ito ay humahantong sa kondisyong tinatawag na tendinitis o tendonitis.

Maaari ring komplikasyon na ito mula sa naunang sakit na may kinalaman sa kasukasuan gaya ng rheumatic arthritis o disorder ng connective tissue.

Anumang kirot ang nararamdaman sa mga kasukasuan ay mahalagang ipakonsolta na agad sa doktor upang mabigyan ng wastong payo at pangangalaga.

Tendinitis Causes

Maaaring ang tendinitis ay dulot ng mga biglaang injury o aksidente, pero ang kondisyong ito ay madalas nag-uugat sa paulit- ulit na paggawa ng isang bagay. Ang madalas na mabibigat na mga physical activity ay malaking dahilan para magkaroon ng tendinitis. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay madalas nakukuha sa kanilang trabaho o ‘di kaya ay sa hobbies na may paulit-ulit na pagkilos na nakakadagdag stress sa mga tendons.

May wastong pagkilos na dapat isagawa kapag may activities na nangangailangan ng paulit-ulit na pagkilos. Ang maling paggalaw ay maaaring magbigay ng pressure sa tendons at makaapekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Different Types of Tendinitis

  1. Tendonitis Wrist

Madaling tukuyin na may wrist tendonitis ang isang tao dahil makakaranas ito ng pananakit at tila paninigas sa bahaging malapit sa pulso (wrist), lalo nasa paggising sa umaga. Makakarinig din ng creaking noise o paglagutok o paglangitngit kapag ginagalaw ang bahagi sa may pulso (wrist).

Ang wrist tendonitis, na tinawatawag ring tenosynovitis, ay ang pangkaraniwang pamamaga o iritasyon sa tendons na nangyayari sa paligid ng pulso. Maraming tendons ang pumapalibot sa paligid ng pulso. Kapag may naapektuhang kahit iisang tendon lamang, posibleng ito na ang kondisyong nararanasan. May ilang kaso naman na dalawa o mas maraming tendon pa ang apektado.

Ang tendons ang kumukonekta sa muscle ng buto. Ang wrist tendons ay partikular na kumukonekta sa forearm muscles ng tao sa buto ng kamay at mga daliri. Sila ay dumadaan sa madudulas na sheaths patungo sa wrist joints. Ang tendon sheath na ito ang dahilan kung paano nakakagalaw ang bahagi ng wrist nang magaan at walang kasamang pananakit. Ito ay may tubig na tinatawag na synovial fluid. Kapag ito ay namaga ay posibleng magkaroon ng wrist tendonitis.

Mga Sanhi:

Ang pangkaraniwang dahilan ng pamamaga ay ang mga simple ngunit paulit-ulit na paggalaw na nagdudulot ng stress sa tendon. Sa katunayan, ang wrist tendonitis ay  tinuturing na na isang pangkaraniwang strain injury dahil sa mga pang-araw-araw ng gawain na nakakaapekto dito.

  1. Biceptal Tendinitis

Ang biceps tendinitis ay ang pamamaga ng mahabang bahagi ng biceps tendon. Sa maagang pagtukoy, mapapansin agad ang pamamaga at pamumula ng tendon na ito. Sa pagkakaroon ng tendinitis ay maaring kumapal ang tendon sheath covering nito, dahilan para mamaga nang tuluyan o lumaki ang tendon sa braso.

Ang biceptal tendinitis ay maaari ring magdulot ng pagkapilas ng tendon sa braso o pagka-deform ng bahaging ito ng katawan.

Mga Sanhi:

Katulad ng ibang tendinitis, ang biceps tendinitis ay dulot ng paulit-ulit na normal na pisikal na gawain. Habang tumatanda ay humihina ang  tendons dahil sa labis na pagkagamit sa mga ito. Maraming trabaho at pang-araw-araw na gawain ang maaaring makapinsala sa bahaging ito lalo na ang sports kagaya ng swimming, tennis at baseball. 

  1. Knee Tendinitis

Kapag ang tendons sa may bahaging tuhod ay nagsimula nang mamaga, ito ay tinatawag na knee tendinitis. Ito rin ay tinatawag na pain with the movement (masakit sa bawat paggalaw). Kaunting paggalaw lang ay may dala na agad na kirot. Mas lumalala lalo ang sakit habang tumatakbo, naglalakad, o umaakyat baba sa hagdan.

Mga Sanhi:

Ang kadalasang dahilan ng knee tendinitis ay ang mga pangpisikal na gawain gaya ng mga larong may kaakibat na pagtakbo tulad ng basketball. Ang pagiging overweight ay maaari ring mag-trigger ng ganitong kondisyon. Ang pagtanda na nagdudulot ng paghina ng mga tendon ay isa ring nakikitang dahilan nito. 

May iba’t iba mang uri ng tendinitis ang maaaring maranasan, ang wastong pangangalaga at maingat na paggamit sa mga bahagi ng katawan ang pinakamabisang aksyon para mapababa ang risk ng nasabing health condition.  May dalawang klase ng paraan na maaaring gawin tungo sa paggaling mula sa tendinitis:

Non-surgical treatment

Lahat ng uri ng tendinitis ay nadadaan sa gamutang hindi nangangaailangan ng operasyon, depende sa antas ng kondisyon.

Ang sapat na pahinga ang pinaka-unang paraan para makabalik ang tendons sa dati nitong kalagayan. Kung hindi maiiwasan ang mga gawaing nakakapagpasakit ng tendons, siguraduhing mabigyan ng oras ang katawan para makapagpahinga. Nakakatulong ang pagtulog sa mabilis na pag-repair ng mga napinsalang bahagi.

Ayon sa reseta ng doktor, maaaring uminom ng mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatories gaya ng ibuprofen at naproxen para malabanan ang mga sintomas ng tendinitis.

Bukod dito, mayroong steroid injections na itinuturok para mabawasan ang sakit sa tendons. Mga doktor at health professionals lamang ang dapat mag-administer nito.

Ang physical therapy naman ay nakakatulong para manumbalik sa dating lakas ang bahaging nagkaroon ng tendinitis. May partikular na ehersisyo gaya ng stretching para sa bawat bahaging apektado.

Surgical treatment

Kung ang kondisyon ay hindi gumiginhawa gamit ang mga non-surgical treatment, maaaring imungkahi ng doktor ang pagsailalim sa operasyon.

Kapag minabuting magpa-opera, ang doktor ay magpapasok ng maliit na camera na tinatawag na arthroscope sa apektadong bahagi. Ang lagay ng tendons ay ipapakita sa isang screen para maipaliwanag kung ano ang operasyong gagawin.

Kapag nagkakaroon ng operasyon para sa biceps tendinitis, and nasirang tendons ay madalas inaalis na. Papanatilihin naman ang tendon sa itaas na bahagi ng braso kung hindi ito apektado. Ang prosesong ito ay tinatawag ng biceps tenodesis. Maaaring gawin ito gamit ang anthroscope o dumaan sa open incision. 

Sa mga ganitong operasyon, maliit lang ang tsansa ng komplikasyon. Kung mayroon man, hindi ito nakikitang delikado. Ilan sa mga ito ay ang impeksyon, padurugo, at paninigas ng bahaging apektado. Malimit lang mangyari ang mga ito sa open incision treatment.

Matapos ang operasyon ay magkakaroon ang pasyente ng rehabilitation plan para unti-unting makabalik ang napinsalang bahagi sa mabuting kalusugan. Maaaring pagsuotin ng sling ng ilang linggo para maprotektahan ang ginawang pagbuo sa tendons.

Source:

https://fil.iliveok.com/health/tendonitis-ng-paa_109155i15950.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10919-tendinitis

https://www.verywellhealth.com/wrist-tendonitis-2548611

https://www.healthline.com/health/tendonitis-of-wrist#takeaway

https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases--conditions/biceps-tendinitis/