Photo from RD
Ang atay o liver ang pangalawa sa pinakamalaking organ sa katawan, kasunod ng balat. Mayroon itong iba't-ibang importanteng responsiblidad sa katawan kung kaya't mahalagang mapangalagaan ito ng tama. Ayon kay Dr. Eternity Labio, immediate past president ng Hepatology Society of the Philippines, ang liver cancer ang pangalawa sa lahat ng killer cancers. Ito ay pang-apat sa pinakapangkaraniwang uri ng kanser. Nasa 10% hanggang 12% ng populasyon ng Pilipinas ay may liver cancer. Noong 2014, dalawampung Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa kanser na ito.
Responsibilidad ng Atay
Ang liver ang sinasabing isa sa "hardest-working" organ sa katawan dahil sa dami ng mga function nito. Ito ang "key player" ng digestive system. Kasing laki nito ang bola ng football at matatagpuan sa kanang bahagi ng lower ribcage.
Ilan sa mga ginagawa ng liver ay ang mga sumusunod:
-
Tumutulong ito sa paglinis ng dugo sa pamamagitan ng ng pagsala ng mga nakakalasong kemikal na pino-produce ng katawan.
-
Nagpo-produce ito ng liquid na tinatawag na "bile". Ang "bile" ay tumutulong sa pag-break down ng taba sa pagkain.
-
Nag-store ito ng glucose na nagbibigay ng energy boost kapag kailangan ng katawan.
-
Nilalabanan nito ang impeksyon at virus na pumapasok sa katawan.
-
Nag-reregulate ng sex hormones, cholesterol level, at supply ng vitamins at minerals sa katawan.
Facts Tungkol sa Malusog na Atay
-
Healthy diet ang susi
Dahil lahat ng kinakain at iniinom kahit gamot ay dumadaan sa atay, importanteng maging maingat sa anumang ipapasok sa katawan. Ang mga sakit ng atay ay kadalasang konektado sa mga poor nutrition, obesity at sedentary lifestyle - lahat ito ay naka sentro sa tamang pagkain at ehersisyo. Kayang ibaba ng 7% weight loss ang liver inflammation ng isang tao. Mainam na kumain ng mga natural food gaya ng gulay at prutas at bawasan ang intake ng taba. Dahil kailangan ng katawan ang fats, maaaring kumain ng abokado at mani na mayaman sa tinatawag na monounsaturated fats. Nakakabubuti ring gawing source ng protina ang mga plant-based food gaya ng beans at legumes.
-
Hindi lahat ng sakit ng atay ay dulot ng alak
Kadalasang naiuugnay ang liver problems sa sobrang pag-inom ng alak ngunit hindi lang ito ang nagdudulot ng komplikasyon sa atay. May mga sakit ang atay na walang kinalaman sa pag-inom ng alak gaya ng hepatitis at primary biliary cholangitis (PBC). Isa sa mga sakit na ito ay ang Non-Alcoholic Fatty Liver Disease o NAFLD. Nangyayari ito kapag madaming fats ang nabubuo sa atay. Dahil sa pagtaas ng obesity rate, kadalasang nakikita na ang sakit na ito.
-
Hindi mabubuhay ang tao nang walang atay
Dahil sa dami ng ginagawa nito sa katawan, imposibleng mabuhay ang tao nang walang kidney. Maaaring mag-donate ng parte nito, ngunit hindi ang buong atay. Nasa 55 to 75 ng atay ng buhay na tao na ililipat sa iba. Kadalasang kinukuha ang atay na ita-transplant sa namatay na taong may healthy liver.
-
Kaya ng atay mag-regenerate
Ang liver ay kaisa-isang organ sa katawan ng tao na kayang mag-regenerate. Kapag nag-donate ng atay, ang liver ng donor ay mag-reregenerate hanggang sa maging 100% na ulit ito sa loob ng apat hanggang anim na linggo.
-
Nakaka apekto ang mga gamit sa bahay sa atay.
Sa kusina, piliin ang mga pagkaing low fat at high fiber. Umiwas sa mga matatamis at maaalat na pagkain. Kapag naglilinis o nagpipintura, siguraduhing well-ventilated ang area at nakasuot ng mask. Dahil lahat ng pumapasok sa katawan ay sinasala ng atay, ang magiging exposed sa airborne chemicals ay maaaring makaapekto dito. Mag-ingat din sa paggamit ng mga insectides. Ilagay sa mataas na lagayan ang mga gamot para hindi maabot ng mga bata. May iilang gamot na pang-adults ang masama para sa atay ng mga bata kapag nainom. Ang ilang cholesterol medicine ay may masamang side effect sa atay. Huwag maghahalo ng mga gamot at herbal supplements nang walang pahintulot ng doktor. Huwag ding iinom ng alak kung iinom ng gamot.
References:
- http://www.philstar.com/health-and-family/2017/01/17/1663264/how-prevent-killer-liver-cancer
- http://www.philstar.com/para-malibang/2013/11/19/1258209/10-paraan-para-maalagaan-ang-atay
- https://today.mims.com/topic/liver-cancer-in-the-philippines--a-silent-epidemic
- http://www.liver.ca/liver-health/liver-disease-prevention/tips-for-healthy-liver/nutirion-excersize.aspx
- http://www.liver.ca/files/LIVERight/pdf/livertips_athome.pdf
- http://www.webmd.com/hepatitis/features/healthy-liver#1
- http://www.prevention.com/health/important-liver-facts/slide/1
- http://www.everydayhealth.com/news/facts-about-your-liver/
- https://today.mims.com/topic/liver-cancer-in-the-philippines--a-silent-epidemic
- http://eatright-livebright.blogspot.com/2015/12/healthy-eating-exercise.html