4 Tips sa Pagpili ng tamang vitamins for kids

October 22, 2017

Pangunahing priority ng bawat pamilyang Pilipino ang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga miyembro nito, lalo na ng mga bata dahil sila ang madalas na dapuan ng sakit. Ang batang may malusog na pangangatawan ay masaya, masigla at lalaking physically at mentally prepared sa mga hamon ng buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang importansiya ng pagkain ng prutas at gulay dahil sa dala nilang likas na sustansiya. Pero bukod sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, importante ding pinapainom ang mga bata ng tamang bitamina para maging mas matatag ang kanilang pangangatawan at makaiwas sa mga sakit na bunga ng mahinang resistensiya.

Madaming pagkakataon na hindi nakakabili ang mga magulang ng tamang vitamin supplements na kailangan ng kanilang mga anak dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi kaila na isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming bata ang sakitin at kulang sa nutrisyon. Isa ding dahilan ang pag-aakala ng marami na hindi mabisa ang mga murang gamot o mga generic medicine. Lingid sa kaalaman ng marami na may mga gamot at vitamin supplements talaga na mura na, mabisa pa.

Bawat magulang ay gustong lumaki ng malusog at masigla ang kanilang mga anak, pero natural lamang din sa kanila na isipin ang gastusin. Para makaiwas sa malaking gastos, narito ang ilang tips sa pagpili ng tamang vitamins para sa mga bata:

1. Gawing general ang pagpili ng vitamin supplements. Yung tipong nandoon na ang lahat gaya ng RiteMED Multivitamins + Chlorella Growth Factor (CGF). Ayon sa pag-aaral, ang pinakakailangang bitamina at nutrients ng isang bata para sa malusog na paglaki ay vitamins A, B, C, at D, iron, zinc, at calcium. Ang RiteMED Multivitamins + CGF ay niinom isang beses sa isang araw o depende sa nireseta ng doktor. Ang 100mg ay mabibili sa halagang P105 lamang.

2. Siguraduhin sa doktor ang mga pwedeng inumin na vitamins ng bata. May mga vitamins kasi na hindi pwedeng inumin kung nagmemedikasyon ang bata. Kumonsulta sa doktor kung ang bata ay may maintenance na gamot o kaya ay nag-aantibiotic.

3. Iwasan ang sobra. Ang mataas na dosage ng vitamins at ang pagdagdag ng vitamins sa daily multivitamins na iniinom ng bata ay masama sa katawan dahil maasyado itong mabigat para sa murang katawan ng isang bata. Kung may sakit ang bata, huwag siyang bigyan ng madaming vitamins at umasang mapapagaling siya nito agad-agad. Unawain na magkaiba ang trabaho ng gamot pang sakit at vitamin supplements.

undefined

4. Huwag sumunod sa uso. Hindi kailangang bilihin ang bawat bagong supplement na nilalabas sa telebisyon at nagsasabing mapapalakas nito ang immune system o mapapainam ang pag-iisip at performance ng bata. Mag-stick sa kung saan hiyang ang bata at sa kung ano ang pinaka-kailangan ng kanyang katawan.

Kung ang bata ay madalas sipunin, painumin siya ng RiteMED Ascorbic Acid for Kids. Ang ascorbic acid ang pinakamainam na pampalakas ng immune system. Tiyak nitong pinoprotektahan ang katawan ng bata sa lagim ng sipon. Available ito sa 100 mg na bote at mabibili na ito sa halagang P95. Iniinom ito isang beses sa isang araw o depende sa nireseta ng doktor.

Isa pang immune booster ng immune system ang RiteMed Zinc-C. Ang supplement na ito ay binubuo ng Zinc at Vitamin C ba nakakatulong sa normal na pag-develop ng bata. Ang isang 105mg na bote ay mabibili na sa halagang P106.

Ang mga gamot na ito ay 20-25% na mas mura kaysa sa mga sikat at branded na multivitamins. Mabibili ang mga pambatang vitamin supplements na ito sa Southstar Drug, Watsons, Rose Pharmacy, Negros Grace Pharmacy, ThreeSixty Pharmacy, St. Joseph Drug, and at iba pang leading drugstores sa buong Pilipinas.

Hindi kinakailangang gumastos ng malaki ng mga magulang para maging malusog ang pangangatawan ng kanilang mga ana. Kaunting tiyaga sa pag-reresearch at pagkonsulta sa doktor lang talaga ang kailangan para masiguradoong tama ang binibigay sa mga bata.

 

Sources:

  • http://mommymundo.com/keeping-children-healthy-rite-way/
  • http://www.youngparents.com.sg/family/does-your-child-need-vitamin-supplements/?slide=4
  • http://www.mommypracticality.com/2017/06/ritemed-for-kids.html
  • https://www.ritemed.com.ph/products