Para saan ang Paracetamol
Ang Paracetamol ay uri ng gamot na kadalasang ginagamit bilang painkiller sa sakit sa ulo, kasu-kasuan, ngipin, at likod ng katawan. Tinutulungan din nitong guminhawa ang pakiramdam ng mga nakararanas ng mataas na lagnat o fever dulot ng ibang sakit tulad na lamang ng trangkaso.
Marami ang klase ng Paracetamol, kaya naman nahihirapang bumili ang ilan. Ang iba
naman ay hindi sigurado kung ang gamot na kanilang bibilhin ay akma sa edad ng kanilang mga anak o kung paano nila gagamitin ito.
Sa lathala na ito, ating pag-uusapan upang mabigyan namin kayo ng mahahalagang impormasyon patungkol sa iba’t-ibang paraan kung paano ikonsumo ang Paracetamol.
- Liquid Medicine o Syrup
Depende sa edad at dosage, ang syrup format ay paracetamol for kids na inirereseta
lalo na kung pihikan sa lasa ng gamot ang bata. Maaari rin itong isabay sa pag-inom ng tubig.
Sa lahat ng paraan upang makapagkonsumo ng Paracetamol ang iyong katawan, ang suppository ang madalas na hindi napaguusapan at hindi alam ng karamihan kung paano gamitin.
Ang suppository ay uri ng rectal medicine o gamot na inilulusot sa loob ng pwet (pagkatapos dumumi) para maabsorb ng katawan. Ito ay karaniwang inirereseta sa mga nasa edad na 6 pababa dahil ang mga bata o sanggol na nasa ganitong edad ay hirap pang lumunok ng kahit na anong medisina. Mas mabilis ang epekto ng suppository dahil ito ay nalulusaw sa loob ng katawan at mabilis na-aabsorb ng dugo.
Mga paalala bago bigyan ng Paracetamol ang mga kids:
- Mahalaga ang pagkonsulta sa inyong doktor o pediatrician bago bumili ng kahit na anong gamot.
- Ang bawat dosage ay nakadepende sa edad ng iinom nito
- Banggitin sa doktor kung pwedeng isabay ang Paracetamol sa pag-inom ng ibang gamot.
- Sa tuwing bibili ng kahit anong gamot, Paracetamol man o hindi, basahin nang mabuti ang mga paalala na nakasulat sa likod ng lalagyanan.
References:
https://www.medicinesforchildren.org.uk/paracetamol-mild-moderate-pain
https://www.nhs.uk/conditions/paracetamol/
https://www.RiteMED.com.ph/products/rm-paracetamol-250-mg-5-ml-syrup
https://www.RiteMED.com.ph/products/rm-paracetamol-125mg-suppository