Ang gamot o medisina ay pwedeng makonsumo sa iba’t-ibang paraan – posibleng iniinom kasama ang tubig (katulad ng tablet o capsule), hinahalo sa tubig (katulad ng dispersable tablet), o injection.
Ang suppository ay iba sa mga nabanggit –bukod sa hugis tagilog (cone-shaped), inilulusot ito madalas sa ating pang-ilalim. Kapag ito ay nasa loob na, natutunaw ito at kumakalat sa ating katawan.
Hindi man kaaya-aya ang paraan ng pagkonsumo ng suppository, ngunit ito ang inirerekomendang I-konsumo lalo na sa mga taong hirap pa lumunok o may sikmura na hindi nakaka-asborb agad ng medisina.
Kailan maaaring subukan ang suppository?
- Kapag ang iyong anak ay hirap lumunok ng gamot
- Sa sitwasyon na ayaw ng bata ang lasa ng gamot
- Kung siya ay madalas na nagsusuka
- Kapag hindi naa-absorb ng kanyang katawan ang ilang liquid medicine.
Paano ginagamit ang rectal suppository?
- Una, magbanyo muna at padumihin ang iyong anak upang malinis ang kanyang rectum bago lagyan ng gamot
- Maghugas ng kamay pagkatapos ilagay ang suppository
- Sa mismong produkto naman, basahin nang mabuti ang ilan sa mga gabay na nasa likod ng lalagyanan
- Lagyan ng water-based lubricant o pampadulas para dumali ang paglagay ng suppository
- Ipalagay sa komportableng posisyon ang bata at iwasang maglikod
- Ipasok ang suppository sa pang-ilalim at isara ang binti.
- Maghintay ng 15 minuto at huwag muna gumalaw o maglikot masyado para matunaw agad ang gamot
- Hugasan muli ang kamay pagkatapos ng prosesong ito
Kumonsulta sa pediatrician bago mag-bigay ng suppository sa bata lalo na kung:
- Bagong opera sa may ilalim o pwet ang inyong anak
- Hindi regular ang pagtibok ng puso ng bata
- May kinokonsumong ibang gamot na para sa atay o liver pati na rin sa bato o kidney ng bata.
May RiteMED ba nito?
Narito ang ilan sa mga detalye tungkol sa Paracetamol Suppository:
Para saan at para kanino ang gamot na ito?
Ang RiteMED Paracetamol Suppository ay para sa mga bata o sanggol na may edad na 6 pababa.
Katulad ng ibang paracetamol, ginagamit din ito upang bumababa ang temperatura at guminhawa ang pakiramdam ng mga may lagnat o sinat.
Anu-ano ang mga posibleng maging side effects ng RiteMED Paracetamol Suppository?
Kapag sinunod ang reseta ng doktor, kadalasang wala namang nararamdamang side effects ang nangyayari sa pasyente.
- Kapag na-overdose o sumobra sa paracetamol ang pasyente, maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay.
- Maaari rin maapektuhan ang bato o kidney kung nasobrahan sa dosage. Ang sakit na posibleng makuha rito ay ang “acute renal tubular necrosis”
- Pagkakaroon ng skin reactions – halimbawa na lamang ay ang urticaria o sakit sa balat kung saan namumula na parang mapa
References:
https://www.webmd.com/digestive-disorders/suppositories-how-to-use#1
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-56179/child-suppository-rectal/details