Best Sports para sa Mga Bata

April 06, 2018

           Dahil walang pasok ang mga kids tuwing summer, magandang idea na bigyan ng summer activities ang mga kids dahil sa iba’t ibang benepisyo nito. Ang mga ito ay ilan sa mga benepisyo ng sports para sa mga kids:

 

  • Pangpaganda ng eye vision

            Ayon sa pag-aaaral, ang mga kids na mahilig maglaro outdoors, at lalong lalo na ang mga kids na may sports ay mababa ang chance na magkaroon ng problema sa mata.

 

  • Malusog na timbang

            Ang obesity ay isang problema na nararanasan ng mga kids, subalit ayon sa mga pag-aaral, ang mga kids na mayroong physical activities after school ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng healthy na timbang.

 

  • Development ng motor skills

            Ang sports ay nakakatulong sa hand-eye coordination ng kids. Maganda din ito dahil natututo ng bagong skills ang mga kids.

 

  • Development ng pakikitungo o social skills

            Dahil mayroong mga team sports, nakakatulong ito turuan ang mga kids ng tamang pakikipagtungo sa kapwa.

 

  • Kumpyansa sa sarili

            Mabuti ang sports dahil nakakatulong itong i-boost ang confidence ng isang bata.

 

  • Sportsmanship

            Isang mahalagang leksyon na naibabahagi ng sports sa mga kids ay ang good sportsmanship. Dito, matututunan nila na hindi lagi nananalo at okay lang ito.

undefined

Source: https://www.pexels.com/photo/woman-playing-soccer-ball-on-grass-258395/

 

Ngayon na natukoy na natin ang iba’t ibang benepisyo ng sports para sa mga kids, ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang sports na maaaring gawin ng mga kids ngayong summer:

 

  1. Soccer

            Ang soccer ay isang team sport na nakakatulong i-develop ang endurance at koordinasyon ng paa.

 

  1. Basketball

            Ang basketball ay isang fast-paced na laro na nakakatulong sa body control ng mga kids.

 

  1. Swimming

            Ang swimming bilang isang sport ay nakakatulong sa breath control at tamang porma ng katawan.

 

  1. Badminton

            Ang badminton ay nakakatulong sa pagiging alisto at nakakatulong dito itong palakasin ang arms ng mga kids.

 

  1. Volleyball

            Ang volleyball ay isang team sport na nakakatulong sa pag-develop ng teamwork at communication skills.

 

  1. Martial arts

            Ang martial arts katulad ng taekwondo, muay thai at iba pa ay nakakatulong sa pag-develop ng focus, discipline at coordination.

 

  1. Biking

            Ang biking ay nakakatulong sa pag-develop ng endurance at matututo din ang mga kids tungkol sa road safety dahil dito.

 

  1. Dance

            Ang dance ay isang fun activity na nakakatulong sa pag-develop ng coordination at discipline sa mga bata.

 

Maliban sa list ng sports na nasa article na ito, may iba’t iba pang sports na maaaring gawin ng mga kids. Maaari niyo silang tanungin kung mayroon silang sport na nais subukan, para sigurado ka na gustong gusto nila ito. Basta ang importante, masaya ang mga kids sa napili ninyong summer activity para sa kanila.

Sources: