Gamot sa ubo ng kids

January 16, 2019

Sa tuwing tag-ulan at matindi ang lamig, mapapansin ang pagdami ng mga batang dinadapuan ng mga sakit tulad ng ubo, sipon, o trangkaso (flu). Ito ay dahil sa mga cold virus na nabubuhay at mabilis na kumakalat sa panahong malamig at low ang humidity o halumigmig (presence ng tubig sa hangin)

Bago natin pagusapan ang gamot sa ubo, magandang alamin muna natin kung ano ang ubo sa mga bata at kung ano ang epekto nito sa kanila.

Ano ang ubo sa mga bata?

Ito ay reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin.

May iba’t-ibang uri ang ubo at kadalasan, ito ay sintomas ng mga sakit sa baga – mula sa common colds hanggang sa mas mabigat na karamdaman gaya ng asthma, pneumonia at bronchitis.

Ano ang nararamdaman ng batang may ubo?

  • Pangangati ng lalamunan
  • Kadalasang may pananakit ng lalamunan kapag malubha na ang ubo

Home remedies for cough for kids

May iba’t ibang home remedies na maaaring gawin upang maibsan ang cough ng kids.Tandaan ang mga ito ay para sa kids over 2 years old. Narito ang ilan sa mga ito:

  1. Bigyan ang kids ng honey

Ang honey ay may antibacterial properties na makakatulong labanan ang infection na dulot ng ubo. Maaari mo itong ihalo sa maligamgam na tubig at ipainom sa iyong kid.

      2. I-elevate ang ulo na inyong kid kapag natutulog

Ang mga batang under one year old ay hindi dapat natutulog ng may unan. Ganunpaman, maaari mong lagyan ng unan ang iyong kid na 2 pataas para mas makahinga sila ng maluwag. Komunsulta muna sa iyong doktor bago gawin ito.

      3. Painumin ng maraming tubig ang inyong kid

Makakatulong ito upang bumuti ang daloy ng paghinga at mailabas ang plema sa katawan. Mas mainam kung hindi malamig ang tubig.

Iba pang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng ubo:

  • Gumamit ng face mask at magdala palagi ng panyo upang hindi mahawaan ng mga taong may ubo
  • Maghugas palagi ng kamay at panatilihing malinis ang paligid
  • Kumain ng mga pampalakas ng immune system tulad ng:
    • Luya – ito ay mabisang antioxidant o uri ng substance na tumutulong upang hindi masira ang ating cells at pinoprotektahan tayo sa iba’t-ibang klase ng bacteria at virus.
    • Tsaa – ang mga tsaa gaya ng black, green, o chamomile ay hindi lang nakakapagpalakas ng resistensiya, nakakapagpaganda rin ito ng balat.
    • Broccolli – Bukod sa antioxidants, may vitamin A, B, at C rin ang gulay na ito na nakatutulong upang masuportahan ang ating immune system.

Cough medicine for kids

Mga dapat malaman tungkol sa Ritemed Ambroxol HCI

Para saan ang Ritemed Ambroxol HCI?

Ang gamot na ito ay tumutulong upang matanggal ang mucus o plema sa ating

daluyan ng hininga.

Mga paalala bago inumin ang Ritemed Ambroxol HCI:

undefined

  • Alamin muna kung ang bata ay may allergy sa mga sangkap o ingredients ng gamot.
  • Kung may iba pang gamot na iniinom bukod sa Ambroxol, ikonsulta muna sa doktor kung ito ay pwedeng ipagsabay.

Kung ang ubo naman ng bata ay dulot ng allergy, inererekomendang inumin ang Ritemed Diphehydramine.

Narito ang ilan sa mga dapat malaman tungkol sa gamot na ito:

Para saan ang Ritemed Diphehydramine?

undefined

Ito ay para sa mga nakararanas ng rhinitis (ang pagkairita ng ilong dulot ng plema), allergic conjunctivitis (pamamaga ng mata dahil sa pollen, pagkain, o hayop), parkinsonism (sintomas ng Parkinson’s disease kung saan bumabagal ang galaw ng isang tao), at para sa saglitang pag-manage ng insomnia (sleeping disorder kung saan hirap makatulog ang tao).

Pwede rin ang gamot na ito upang maiwasan at magamot ang pagsusuka at pagkahilo.

Ang Ritemed Diphehydramine ay mabisang cough syrup for kids na iniinom kada apat hanggang anim na oras.

 

Kailan nga ba dapat tumawag na ng doktor?

Siguraduhin na magpakonsulta na sa doktor kapag tumatagal na ng halos 2 linggo ang ubo na iyong anak. Wag ring ipagsawalang bahala ang ubo kapag may kasama na itong lagnat at dugo.

Mas mainam na sa unang senyales pa lang ng ubo ay magpatingin na agad sa doktor upang maiwasan ang iba pang komplikasyon na maaaring maging dulot nito.

References:

https://www.ritemed.com.ph/articles/anong-klase-ng-ubo-ang-mayroon-ka

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-mabisang-gamot-sa-ubo

https://www.ritemed.com.ph/articles/apat-na-good-food-para-guminhawa-ang-ubo-ng-kids

https://www.ritemed.com.ph/articles/home-remedies-para-sa-ubo-at-plema-ng-bata

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-mabisang-gamot-sa-ubo

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-pagkain-na-kailangan-iwasan-tuwing-mayroong-ubo

https://www.ritemed.com.ph/videos/may-ritemed-para-sa-ubo

https://www.ritemed.com.ph/articles/lagundi-leaves-natural-na-ginhawa-sa-ubo-at-asthma

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-ibat-ibang-klase-ng-ubo

https://www.ritemed.com.ph/articles/pagkain-laban-sa-ubo-at-sipon

https://www.ritemed.com.ph/articles/summer-tips-para-makaiwas-sa-ubo-at-sipon-

https://www.ritemed.com.ph/articles/umaaraw-umuulan-cough-prevention-para-sa-mga-bata-sa-pabago-bagong-panahon

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-paraan-para-makaiwas-sa-pagkakaroon-ng-ubo

https://www.webmd.com/cold-and-flu/cough-home-remedies-babies-toddlers#