Talaga namang mahirap kumbinsihin na kumain ng gulay at prutas ang batang pihikan sa pagkain. Mayroong mga kids na kailangan pang habulin at kulitin para lang tikman ang healthy food na nakahain. Pero mahirap man, hindi pa rin imposible na maging paborito ng kids ang fruits at vegetables. Narito ang ilang tips para mapakain sila ng healthy recipes and snacks:
1. Be a role model
Mahirap mapakain ng prutas at gulay ang kids kung ang mga tao sa paligid niya ay hindi kumakain nito. Siguraduhing ipakita sa kids na paborito ng family members ang fruits at vegetables dahil madalas nilang ginagaya ang eating habits ng mga taong malapit sa kanila. Kaya naman gamitin itong oportunidad para mapakain sila ng healthy snacks at an early age.
2. Make the healthy recipes fun and attractive to kids
Kailangan pag-isipan mabuti ang ipapakaing healthy recipes for kids. Ang mommy blogger na si Denise Rayala o mas kilala bilang Royal Domesticity ay nagbigay ng tips kung paano makakapag-prepare ng healthy food for kids sa Tamang Nutrisyon booth noong RiteMED’s Tamang Alaga day: Para kay nanay event. Ginanap ito noong last May 20, 2018 at Crowne Plaza.
According to mommy Denise, dapat gawing exciting and enticing for kids ang presentation ng fruits and vegetables. During the RiteMED event last May 20, gumawa siya ng Fruit kebabs na napakadaling gawin. Ang recipe na ito ay vitamin packed at tiyak na kid approved dahil na rin sa pagiging colorful nito. Isa ito sa mga magandang paraan para mapakain ang kids ng fruits ng hindi masyadong gumagastos. Para maihain mo rin ito sa iyong kids, kailangan lamang ng iba’t ibang fruits at skewers o wooden stick.
Ilan sa mga fruits na maaaring ihanda ay ang pineapple, grapes, strawberries, bananas and melons. Siguraduhing clean at fresh ang fruits na i-hahanda. Maaari ring mag-suggest ng ibang prutas na mas papatok sa panlasa ng iyong kid. Itusok lamang ang mga fruits na inihanda sa wooden stick at maging creative sa paglalagay ng fruits para mas magmukha itong attractive sa mga kids..
3. Involve the kids in the food preparation
Base sa pag-aaral, mas maraming nakakain ang kids kapag involved sila sa simula pa lang ng preparation nito dahil pakiramdam nila ay mas may control sila sa kanilang kakainin. Kaya naman isama na ang kids sa healthy snacks preparation dahil isa itong paraan para madevelop ang healthy eating habits nila. Higit sa lahat, maganda din itong oportunidad para mas makapag-bonding kasama ang inyong kids.
Ang Fruit Kebab recipe ay perfect para sa food preparation with kids dahil sa simpleng ingredients and procedures nito. Kailangan lamang na siguraduhin na itabi sa tamang lugar ang sharp objects sa paligid ng food preparation area para sa safety ng kids.
4. Be creative when it comes to plating
https://www.pexels.com/photo/brown-potato-in-front-of-french-fries-162971/
Mas attractive para sa mga bata kung ang simpleng pagkain sa plato nila ay may design at hindi basta bastang magkakahalo. Halimbawa, kung mahilig ang iyong anak sa kotse, maaring gamitin itong design idea para sa mga fruits and vegetables na ipapakain sa kanila. Maari ring gumamit ng mga mas simpleng design tulad ng smiley at basic shapes like heart and star. Bilang magulang, kailangan lamang maging creative at alamin ang design na mas magugustuhan nila.
5. Be patient and consistent
Hindi magiging madali ang pagpapakain ng gulay at veggies sa mga bata pero sabi nga sa lumang kasabihan, “Pag may tiyaga, may nilaga.” Kailangan ng mahabang pasensya kapag hindi kaagad napasunod na kumain ang kids. Maari silang bigyan ng rewards kapag kumain sila ng gulay at prutas para mas maging interesado sila sa pagkain nito. Paulit-ulit silang kumbinsihin at araw-arawin ang pag-hahain ng healthy food for kids. Consistency is the key, mommy!