Mahirap bang pakainin ang iyong kids? Hiling ng bawat Rite Mommy na masigurado na nakakakuha ng tamang nutrisyon at healthy diet ang ating mga kids. Noong 2016, naglunsad ang Department of Science and Technology (DOST) ng food plate guide o isang nakalarawan na diet guide para madaling maintindihan kung ano at wasto ata sapat na pagkain sa bawat meal para makakuha ng optimum nutrition for kids.
May ginawa silang iba’t-ibang food plate guide depende sa edad ng kumakain. Para sa mga kids na may edad 3 hanggang 12 na taong gulang, ang food plate guide ay nakalarawan sa ibaba:
Kung mapapansin, ang food plate guide o diet plate guide na ito ay may tatlong bahagi: Go, Grow at Glow.
Go Foods
Ang Go Foods o energy-giving foods ay sumasaklaw sa 1/3 na bahagi ng Pinggang Pinoy. Ito ang bahaging kulay brown. Ang mga pagkain na kabilang dito ay mga carbohydrate-rich foods na nagbibigay ng enerhiya para sa tamang pag-function ng katawan at para sa physical activities. Halimbawa nito ay mga sumusunod: kanin o rice, tinapay tulad ng loaf bread at pandesal, noodles at mga root crops tulad ng kamote. Para sa mas masustansyang go foods, pillin ang mga whole grains tulad ng brown rice, corn, mga pagkaing whole wheat at oatmeal dahil ang mga ito ay mayamana sa fiber at nutrients.
Sa isang meal, maaaring bigyan ang mga kids ng alinman sa mga sumusunod:
Edad 3-5 (3-5 Years Old) |
Edad 6-9 (6-9 Years Old) |
Edad 10-12 (10-12 Years Old) |
|
|
|
Grow Foods
Ang grow foods o body-building foods naman ay ang matatagpuan sa ikataas na kaliwang bahagi ng nutrition plate ng Pinggang Pinoy. Ito ay mga pagkaing mayayaman sa protina at nakakatulong magpalakas ng buto, ngipin, at muscles, at nagpapabuti ng brain o mental development. Kabilang sa grow foods ang isda, mga shellfish tulad ng shrimp, lean meat o hindi matatabang karne, poultry tulad ng chicken meat at itlog, mga beans, at nuts.
Payo ng DOST na kumain ng fatty fish tulad ng tuna, sardinas at mackerel at least 2-3 times sa isang linggo dahil ang mga ito ay mayayaman sa fatty acids tulad ng Omega-3 na nakakatulong para maiwasan ang mga sakit sa puso.
Ang sapat na dami ng Grow Foods ay 1/6 ng buong plato ng ating mga kids. Sa ibaba ay halimbawa ng maaring i-serve sa kanila sa isang meal:
Edad 3-5 (3-5 Years Old) |
Edad 6-9 (6-9 Years Old) |
Edad 10-12 (10-12 Years Old) |
|
|
|
Glow Foods
Ang glow foods body-regulating foods ang pinakamalaking bahagi ng Pinggang Pinoy o diet guide. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Glow Vegetables at Glow Fruits. Ang pagkaing ng glow foods o samu’t-saring gulay ay nakakatulong sa pagpapanatilig ng healthy na katawan ng mga kids dahil ang mga ito ay mayayaman sa iba’t-ibang klase ng vitamin at minerals.
Para malaman kung gaano kahalaga ang pagkain ng sapat na gulay, maaring basahin ito: (Link of: Bakit mahalaga ang pagkain ng prutas at gulay?)
Sa bawat meal o plato na hinahanda para sa mga kids, mahalagang nakakakain sila ng sapat na gulay (tulad ng malunggay, saluyot, gabi leaves, ampalaya, kalabasa, carrots at sitaw) at mga prutas (tulad ng saging, dalanghita, mangga, papaya, pinya, at pakwan). Narito sa ibaba ang recommended amount para sa inyong kids:
Edad 3-5 (3-5 Years Old) |
Edad 6-9 (6-9 Years Old) |
Edad 10-12 (10-12 Years Old) |
|
|
|
Sabayan ang isang plate na puno ng Go, Grow at Glow foods ng isang hanggang dalawang baso ng tubig to keep your kids hydrated.
Ngunit minsan, hindi natin mapipilit na kainin ng ating mga anak ang lahat ng ihain sa kanila. Kapag ganito, hindi nila nakukuha ang lahat ng vitamins at minerals na kailangan nila. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakatulong ang pag-inom ng multivitamins at mga supplements tulad ng Ritemed Multivitamin + CGF, Ritemed Ascorbic Acid at Ritemed Zinc-C. Ang Ritemed Multivitamin + CGF ay nakakatulong i-supplement ang diet ng ating kids dahil ito ay may Taurine, Vitamins A, C, D, B-Complex, Lysine at Zinc. Dahil ito rin ay may CGF or Chlorella Growth Factor, nakakatulong din ito sa pampatangkad. Ang Ritemed Ascorbic Acid naming ay nakakatulong ma-achieve ng ating kids ang kanilang daily requirement for Vitamin C. Habang ang Ritemed Zinc-C ay may vitamin C at Zinc na nakakatulong mapalakas ang resistensya ng ating mga kids.
Para masigurado na healthy at happy ang ating mga kids, bigyan natin sila ng healthy at balanced diet gamit ang Pinggang Pinoy guide, at hikayatin natin silang maging aktibo. Kung tingin mon a kailangan niya ng dagdag na vitmains at minerals, huwag mahihiyang magtanong sa inyong pediatrician kung okay ba ang Ritemed para sa kanila.
Source:
https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2010/12/28/642762/go-grow-glow-foods
http://www.fnri.dost.gov.ph/images/sources/PinggangPinoy-Kids.pdf