Mapa-summer man, maari parin matuto ang ating mga anak ng iba’t-ibang skills o kaalaman. Hindi lang dapat sa classroom natatapos ang kanilang edukasyon. Ayon sa mga eksperto, ang unang walong taon ang pinakamahalaga sa development ng ating mga anak. Ito ang tinatawag nilang formative years kung saan nahuhubog ang pisikal, sosyolohikal, emosyonal at mental na kalusugan ng mga bata. Makakatulong sa kanilang paglaki ang pagtuturo ng iba’t-ibang kaalaman. Kaya kahit bakasyon na mga chikiting, bigyan parin natin sila ng pagkakataon para mapa-unlad ang kanilang kaalaman.
Ngunit ang pag-aaral ay hindi kailangan maging nakakayamot. Para masigurado na mag-eenjoy parin ang inyong mga kids, dapat pillin ang mga learning activities na masayang gawin. Tignan ang listahan sa ibaba para sa iilang mga ideya ng mga learning activities na pwedeng gawin with kids ngayon tag-init.
1. Gumawa ng Arts and Crafts
Ang kaalaman ay hindi lamang ang kakayahan sa math o sa pagsasa-ulo ng mga detalye. Ang pagiging malikhain ay isa rin mahalang kakahayan. Ang pagkamalikhain ay ang pag-gamit ng imahinasyon o orihinal na ideya para makagawa ng isang bagay o konsepto.
Maaring magsimula ng papel, lapis at iba’t-ibang pang-kulay tulad ng crayons, water color, at colored pencils. Gamit ang mga ito, maaring gumawa ng cards na may iba’t-ibang disenyo.
Kung ang inyong anak ay naghahanap ng mas mahirap na proyekto, magdagdag ng iba’t-ibang art materials tulad ng cardboard, art papers, glue o pandikit. Gamit ang mga ito, maari kayong gumawa ng sari-saring mga bagay tulad ng maliliit na carboard houses o mga sasakyan. ‘Wag matatakot na gumamit ng mga meteryales na maaring i-recycle tulad ng mga bote, straw, at iba pa. Sa ganitoong paraan, matuto din ang mga bata na maging resourceful.
Huwag kalimutan na dapat gabayan ang mga bata habang ginagawa ang kanilang mga proyekto, lalo na sa paggamit ng gunting o iba pang matutulis na bagay.
Para sa mga examples o inspiration, may mga libro na mabibili, o maari ring maghanap sa internet ng mga tutorial video o blogs.
2. Bumuo ng Puzzles
Maliban sa paglinang sa pagkamalikhain ng mga bata, maari din natin hubugin ang kanilang problem-solving skills. Ito ay mahalaga para sa kasanayan nila na maghanap ng solusyon sa mga problema. Hindi lamang ito makakatulong sa kanilang mental development, kundi makakatulong din ito sa pag hubog ng kanilang karakter dahil mabibigyan sila ng kumpiyansa na kakayanin nila kahit ang mga mahihirap na pagsubok.
Maraming mga puzzles ngayon na kawili-wili para sa mga kabataan na maari ring maging indoor activities for kids. May mga jigsaw puzzle na available sa mga toy stores at book stores. Sa pag-pili ng jigsaw puzzles, tignan ng mabuti ang recommended age ng puzzle. Ang laki ng mga piraso ay sumasang-ayon sa edad ng gagamit nito, pag mas malaki, mas angkop sa mga mas bata.
Mayroong ding mga coloring books na may connect-the-dots. Para sa mga kids na marunong ng magbasa, maari din silang bigyan ng word puzzles. Kung ang inyong anak naman ay mahilig sa math, pwede niyo siyang turuan ng Sudoku. Nang maiwasan ang pagkayamot ng bata, pwede ring maglaro ng board games kung saan kasama ang buong pamilya.
https://www.pexels.com/photo/2-girls-sitting-on-seashore-160849/
3. Maglaro kasama ang mga bata
Mahalaga din ng mapalakas ang pisikal na pangangatawan ng mga kabataan. Ngayong bakasyon, gamitin ang pagkakataon na maglaro kasama ang inyong mga anak. Maari niyo silang turuan ng iba’t-ibang sports tulad ng basketbol, badminton, volleyball o iba pang outdoor activities for kids.
Maari niyo rin silang turuan ng inyong paboritong larong pinoy. Naalala niyo pa baa ng mga larong ito? Tumang-preso, luksong-baka, taguan, at agawang-base ay iilang lamang sa mga halimbawa nito. Siguradong may naalala pa kayong ibang physical activities mula sa inyong kabataan. Para maiba ngayong summer, bakit hindi turuan ang mga bata ng mga larong ito? Tiyak na pareho kayong mag-eenjoy ng inyong mga kids.
4. I-practice ang pagtugtog, pagkanta o pagsayaw
May mga bata na likas na mahilig sa musika. Maari itong paghusayin sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad na ma-practice ito. Kung ang inyong anak ay mahilig kumanta o tumugtog ng instrumento, maari niyo siyang i-enroll sa singing lessons o pasalihin sa isang choir. Kung pag-sayaw naman ang kinagigiliwan ng chikiting, laging maghanda ng iba’t ibang music videos na maari niyang gayahin. Pwede ding sumali sa isang dance group for kids kung mayroon ang inyong baranggay. Mayroon na rin mga libreng tutorial videos sa pagkanta, pagtugtog at pagsayaw sa Youtube.
Makakatulong din kung magpapatugtog ng musika sa bahay. Hindi lang ito nakakatulong sa bata kundi nag-bibigay –buhay din ito sa isang tahanan.
Maraming masasayang paraan upang matulungan ang development ng mga bata. Dahil ang kaalaman ay hindi lamang nakukuha sa paaralan kundi sa iba’t-ibang karanasan ng mga kids habang sila ay lumalaki. Gawing pagkakataon ang kanilang bakasyon para mabigyan pansin ang iba nilang talent. Gawin din itong pagkakataon para makapag-bonding sa kids.
Source:
http://www.who.int/topics/early-child-development/en/
https://childdevelopmentinfo.com/learning/multiple_intelligences/#.WtXtiZeYO00