Karamihan sa kalalakihan ay sumasailalim sa tuli o circumcision kung saan tinatanggal ng doktor ang balat na bumabalot sa dulo ng ari. Sa Pilipinas, karaniwan itong isinasagawa sa mga batang lalaki bilang tanda ng kanilang pagbibinata.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapatuli?
Maliban sa pagiging isang tradisyon, ang pagpapatuli rin ay marami ring benepisyo sa kalusugan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Para sa Pansariling Kalinisan
- Mas madaling linisin ang ari ng lalaking sumailalim sa pagpapatuli dahil natanggal na ang balat na maaring maging sagabal sa paglilinis dito.
- Para makaiwas sa UTI o Urinary Tract Infection
- Mas mababa ang tiyansang magkaroon ng impeksyon sa pag-ihi ang mga batang lalaki na sumailalim sa pagpapatuli. Ang balat na hindi natanggal sa mga hindi nakaranas ng pagpapatuli ay maaring pagmulan ng bacteria na nagdudulot ng Urinary Tract Infection o UTI.
- Para maiwasan ang iba’t ibang problema at sakit pag-tanda
- Ang hindi pagpapatuli ay maaaring magdulot ng problema tulad ng balanitis o ang pamamaga ng dulo ng ari. Maaari rin itong magdulot ng Phimosis o Paraphimosis, kondisyon kung saan hindi na magalaw ang balat sa ari. Ayon din sa pag-aaral, malaki rin ang tiyansang magkaroon ng sexually transmitted diseases at erectile dysfunction ang mga lalaking hindi nakaranas ng pagpapatuli.
Saan nga ba maaaring magpatuli ang mga batang lalaki?
Dahil sa importansiya ng pagpapatuli sa kalusugan, mahalaga na sumalilalim ang iyong anak sa operasyon na ito sa tulong ng isang lisensyadong doktor sa mga ospital para maiwasan ang iba’t ibang komplikasyon na maaaring maidulot ng maling pagtutuli. Kung kapos naman sa budget, maaaring dalhin ang iyong anak sa health centers na nagbibigay ng libreng tuli tuwing summer.
Paano aalagaan ang iyong anak pagkatapos magpatuli?
Hindi biro ang sakit na dulot ng pagpapatuli kaya naman dapat ay alagaan at tulungan ang anak na sumailalim sa tuli para hindi ito magkaroon ng komplikasyon o impeksyon. Narito ang ilang tips para sa tamang alaga sa batang bagong tuli:
- Bantayan ang pagdurugo at impeksyon
-Normal lamang ang pagdurugo ng ari pagkatapos ng tuli. Ganunpaman, kapag napansin na sobra na ang inilalabas nitong dugo, maaaring komunsulta sa doktor para makasigurado. Kapag mayroon ring nana, lumalalang pamamaga at lagnat, mas makabubuti rin na ilapit na ito sa doktor para maiwasan ang komplikasyon.
- Ingatan ang sugat habang naliligo
- Mas mabuti ng iwasan ang pagpaligo ng buong katawan sa mga unang araw matapos ang pagpapatuli sa halip ay magsponge bath na lamang. Pagkalipas ng 5-7 araw, maaari ng bumalik sa normal na paraan paliligo ngunit iwasan na kuskusin ang infected area.
- Linisin at ingatan ang sugat
- Maaaring tanggalin ang bandage na nakalagay sa sugat pagkalipas ng 2 araw matapos ang operasyon. Siguraduhin na malinis ang kamay bago galawin ang sugat at lagyan ito ng petroleum jelly upang maiwasan ang pagkiskis nito sa damit. Iwasan din ang pagsusuot ng masisikip na damit na para hindi maipit ang ari.
- Limitahan ang aktibidad ng bata
- https://www.123rf.com/photo_33729620_asian-boy-sleeping-on-bed.html?downloaded=1
https://www.123rf.com/photo_33729620_asian-boy-sleeping-on-bed.html?downloaded=1
Hikayatin na magpahinga at matulog ang batang sumailalim sa operasyon upang maka-recover ito. Huwag ding hahayaang sumali ito sa mga aktibidad na pisikal para gumaling at maghilom agad ang sugat nito.
Painumin ng maraming tubig
Sa unang 24 oras, painumin ng maraming tubig ang batang nagpatuli para maiwasan ang dehydration.
Painumin ito ng tamang gamot
Huwag kalimutang painumin ang bata ng gamot na inireseta ng doktor. Ilan sa mga pwedeng ireseta ng doktor para sa impeksyon ay ang RiteMED Cloxacillin. Kapag nilagnat naman ang kids, maaari itong painumin ng RiteMED Paracetamol. Kausapin din ang iyong doktor tungkol naman sa over-the-counter pain-relief medicines na maaaring ipainom sa bata.
Hindi dapat tayo mabahala at matakot na ipasailalim ang ating anak sa tuli o circumcision dahil ito ay maraming benepisyo sa kanilang kalusugan. Ganunpaman, tandaan na importante ang labis na pag-iingat at pagkonsulta sa lisensyadong doktor para sa operasyong ito.
Source:
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/circumcision/about/pac-20393550
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1477524/
https://www.ucsfbenioffchildrens.org/education/post-operative_care_for_adolescent_circumcision/