Tips Para Makatulog Nang Mahimbing ang Inyong Anak

March 06, 2018

Sadyang aktibo ang mga batang Pilipino. Kung hindi siya naglalaro sa labas ng bahay, siya ay maaaring nanonood ng telebisyon o naglalaro ng apps sa inyong smartphone o tablet. Aktibo ang kaniyang katawan at imahinasyon, kaya ang kids sleep ay maaaring makompromiso dahil dito. Kailangang makakuha ng sapat na tulog ang inyong anak para siya ay malakas at malusog araw-araw.

Huwag mag-alala, maraming paraan upang hindi mahirapang makatulog ang inyong anak. Kailangan lamang sanayin ang kaniyang katawan sa wastong oras ng pagtulog at alamin ang mga sanhi kung bakit siya nahihirapang matulog.

Magtakda ng routine ng pagtulog

Susi sa pagkakaroon ng patuloy na mahimbing na pagtulog ng iyong anak ang pagbuo ng magandang rutina. Kailangang magtakda ng toddler sleep hours kada araw. Para maging mas epektibo ang strategy na ito, maganda kung sundin din ng buong pamilya ang routine sapagkat ang mga kilos ng nakatatanda ang nagsisilbing gabay sa mga bata. 

Mga 15 - 30 minutes bago siya matulog, gumawa ng mga hakbangin upang antukin ang inyong anak at makaiwas sa toddler sleep problems. Maaari siyang sabihan na maligo bago matulog, patayin ang mga ilaw sa kaniyang kwarto at lagyan ng komportableng mga unan at kutson ang kama. Pag nasanay na siya sa rutina, magiging mas madali na rin ang kaniyang pagtulog.


Patayin ang TV dalawang oras bago matulog

undefined

Image from Pixabay


Sadyang nakaka-adik ang panonood ng telebisyon para sa bata, at maaari niyang pagpantasyahan ang kaniyang mga paboritong cartoons at superheroes nang matagal. Bukod dito, ang ilaw galing sa TV, smartphone, computer at tablet ay maaaring magpababa ng produksyon ng melatonin sa katawan, na tumutulong sa pagtulog at pagpapa-antok ng tao.

Ang solusyon sa pagkakaroon ng mahimbing na kids sleep ay ang pagpatay sa TV at paglayo ng mga electronic gadgets sa bata bago dumating ang takdang oras ng pagtulog. Huwag mahiyang magtanong sa inyong pediatrician kung maaaring bigyan ng melatonin for kids ang inyong anak. 

Solusyonan ang kanyang mga takot
Aktibo ang imahinasyon ng mga bata, kaya ang isa sa mga toddler sleep problems ang matinding takot sa multo, lalo na sa pagtulog. Madaling maisip ng bata na ang narinig na ingay sa kisame at ilalim ng kama ay gawa ng mumu o halimaw. Imbis na sabihin sa bata na hindi totoo ang kaniyang mga naisip, ipakita mo sa kaniya na natalo mo ang mga maligno. Magiging panatag ang kaniyang loob na siya ay ligtas habang natutulog dahil dito at hindi niya madadala ang takot sa multo sa pagtanda.

 

Alamin kung mayroon siyang sleeping disorder

Upang mabigyan ng solusyon ang sleep disorders in children tulad ng insomnia, paghihilik at sleep apnea, alamin ang haba ng kaniyang pang-araw-araw na tulog at alamin ang kaniyang mga nararamdaman tuwing sinusubukang makatulog. Pagkatapos ay dalhin sa ospital ang inyong anak at sabihin sa doktor ang iyong mga obserbasyon para mabigyan ang bata ng wastong gabay at lunas.   

Paiwasin sa soft drinks at matatamis na pagkain sa gabi ang bata

undefined

Image from Unsplash


Tila hindi nauubos ang enerhiya ng mga bata dahil sa adrenaline at ito ay maaaring maging hadlang sa kaniyang pagtulog. Upang siya ay ma-relax, huwag siyang pakainin ng ice cream, cake, candy, at iba pang sweets sa gabi. Iwasan din siyang bigyan ng softdrinks at chocolate drink. Sa halip ay bigyan na lamang ang iyong anak ng healthy foods, tubig at konting fruit juice bago sumapit ang toddler sleep hours.  

Kung parang hindi gumagana ang mga nakasaad na hakbangin, maaaring kumonsulta sa pediatrician ng inyong anak. Kaniyang malalaman kung may karamdaman ang bata kaya hindi siya nakakatulog nang mahimbing.