Top Vitamins and Minerals na Kailangan ng mga Bata

March 08, 2018

Ang tamang sustansya ay importante sa paglaki ng isang bata, pagpapalakas ng resistensya, pagpapatibay ng mga buto, at pagkakaroon ng sapat na enerhiya. Samantalang ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo sa sakit, nasa tamang timbang, at higit sa lahat mabuhay ng masaya at masagana. Ang hindi pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.Maganda kung masanay sila kumain ng mga masustansyang pagkain, gayun din ang pagtuklas sa saya ng pag-eehersisyo. Narito ang kinakailangan ng bata para sa tamang paglaki.

Protina: Ang protina ang bumubo ng muscles at tissues sa katawan ng bata.  Tumutulong ito sa paglago ng mga kalamnan ng mga lumalaking sanggol. Ito din ay nakakatulong sa pagboost ng kanilang immune system

Magandang pagmulan ng protina: Isda, chicken, mani, itlog, gatas, at yogurt

Iron: Ang iron ay nakakatulong sa pagbuo ng red blood cells, kung saan nanggagaling ang oxygen na kinakailangan ng ating katawan at nakakatulong sa paglaki ng kabataan. Mahalaga ang iron sa mas maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan ng bata. Kung wala nito, maaaring magkaroon ng anemia.

undefined

Magandang pagmulan ng Iron: Red meat, beans, gulay, tuna, itlog, dried beans, iron-fortified cereal.

Calcium: Ang calcium ay nakakatulong din sa pagbuo ng matitibay na buto. Ito ay importanteng mineral na kinakailangan ng mga buto upang maging matibay.

Magandang pagmulan ng Calcium:  Dairy products tulad ng gatas, fortified soy milk, tofu, atdry cereals.

Vitamin C: Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pag-develop ng immune system. Mahalaga ang Vitamin C sa maintenance ng mga connective tissue sa katawan ng bata.

Magandang pagmulan ng Vitamin C: Sariwang prutas at gulay tulad ng orange, strawberries, broccoli, at cabbage. 

Vitamin B: Ang Vitamin B2. B3. B6. at B12 ay nakakatulong sa metabolism, nervous system, at enerhiya na kinakailangan ng isang bata.

Magandang pagmulan ng Vitamin B: Karne, manok, isda, mani, itlog, gatas, keso, beans, at soybeans.

Vitamin D: Ang vitamin D ay nakakatulong sa pagpapatibay ng buto ng bata. Kinakailangan ito upang mas maging matibay ang mga nagde-develop na buto ng bata.

Magandang pagmulan ng Vitamin D: Milk, matatabang isda tulad ng salmon at alumahan. Ang sunlight tuwing umaga ay magandang source din ng Vitamin D.

Carbohydrates: Ito ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya na kailangan ng bata sa pagkilos sa bawat araw.

Tubig: Ang maayos na pagsipsip ng karamihan sa mga sustansyang kailangan ng katawan ay natutulungan ng tubig.

Ang pagiging healthy ay maaaring masimulan sa murang edad, at ito’y posibleng dalhin ng mga bata sa kanilang pagtanda.Ang pagiging malusog at masigla ng bawat indibidwal ay nakasalalay sa mga pagkaing kinakain niya sa araw-araw. Sa pagkain nagmumula ang nutrisyong kinakailangan ng katawan upang gumana nang maayos, manatiling malakas, at malayo sa sakit. 

 

Sources:

  • https://www.webmd.com/parenting/guide/vitamins-for-kids-do-healthy-kids-need-vitamins#1

  • https://www.webmd.com/health-insurance/features/family-vitamins#1

  • https://www.webmd.com/food-recipes/guide/vitamins-and-minerals-good-food-sources#1

  • https://www.webmd.com/parenting/features/4-nutrients-your-child-may-be-missing#2