Ang tangkad o height ay may malaking role sa development ng isang bata. Maaari itong makaapekto sa kanyang self-esteem at sa iba’t ibang physical activities na gusto niyang gawin. Halimbawa, mas malaki ang tyansa niyang mag-excel sa sports kung siya ay matangkad. Kaya naman mahalagang bigyang ng pansin ng bawat magulang ang height growth ng kanilang mga anak.
Anu-ano nga ba ang mga factors na nakakaapekto sa pagtangkad mga bata? Ano ang pwedeng gawin ng magulang upang siguraduhin ang growth and development of children?
Genetic Makeup
Ang sagad na tangkad ng bata ay nakadepende sa kanyang genes. Ayon sa mga eksperto, 80% ng tangkad ng isang tao ay ayon sa kanyang DNA, ang hereditary material na namana niya mula sa mga magulang. Ang mga batang may matatangkad na magulang ay may mas malaking tyansa na tumangkad kumpara sa mga anak ng mga magulang na hindi katangkaran.
Ang mga bata ay patuloy na tumatangkad hanggang sa edad na 18 years old. Dadaan sila sa iba’t ibang child development stages na pwedeng maapektuhan ng maraming bagay bukod sa genetic and biological factors. Ang pagtangkad ng isang bata ay maaaring maimpluwensyahan ng non-genetic factors tulad ng mga sumusunod:
Tamang Nutrisyon
Ang wastong nutrisyon ay mahalaga sa pagtangkad ng mga bata. Para ma-achieve ang kanilang full growth potential, siguraduhing kasama sa kanilang healthy lifestyle ang pagkain ng balanced diet na puno ng macronutrients at micronutrients. Ang hindi pagtangkad ay kadalasang resulta ng hindi sapat na nutrisyon. Kaya’t mahalagang bigyan sila ng mga pagkaing nakakatulong sa pagtangkad tulad ng mga pagkaing gawa sa gatas, manok, itlog, saging, isda, madadahong gulay, mani at mga buto.
Upang siguraduhing nakukuha ng bata ang sapat na nutrisyon, makakatulong din na isama sa kanyang balanced diet ang food supplement tulad ng RiteMed Multivitamins+Chlorella Growth Factor (CGF) Syrup for kids. Ang Chlorella ay isang uri ng algae na mayaman sa protein, carbohydrates, fats, chlorophyll at mga vitamins at minerals.
Sapat na Tulog
Ang katawan ay naglalabas ng growth hormone habang natutulog. Kapag ang bata ay palaging kulang sa tulog, mapipigilan ang paglabas ng hormones na nakakatulong sa pagtangkad ng bata. Ayon sa Sleep Foundation, ang recommended hours of sleep per night ay nakadepende sa edad ng bata.
- Newborn (0-3 months old) – 14-17 hours of sleep
- Infant (4-11 months old) – 12-15 hours of sleep
- Toddler (1-2 years old) – 11-14 hours of sleep
- Preschool (3-5 years old) – 10-13 hours of sleep
- School-age (6-13 years old) – 9-11 hours of sleep
- Teen (14-17 years old) – 8-10 hours of sleep
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-father-son-playing-basketball-garden-782487985
Regular na Ehersisyo
Ang regular na pag-eehersisyo ay mahalaga para sa child development. Ang pagsali sa sports, paglalaro at paggawa ng iba pang physical activities ay iba’t ibang uri ng ehersisyo. Ang mga ito ay nakatutulong upang patibayin at palusugin ang kanilang mga buto. Ayon sa World Health Organization, mahalaga ang 60 minutes a day moderate- to vigorous intensity physical activity. Ito ay nakatutulong sa kanilang overall physical development.
Tulungan ang mga batang ma-achieve ang kanilang growth potential. Habang maaga, bigyan sila ng balanced diet at multivitamins para magkaroon ng sapat na nutrisyon. Siguraduhing sapat ang kanilang pagtulog at hikayatin silang magkaroon ng regular na pag-eehersisyo.
Sources:
https://medlineplus.gov/genetics/understanding/traits/height/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/327514#what-factors-affect-height
https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/how-much-sleep-do-we-really-need
https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-907/chlorella