Mahalaga ang magandang pagtulog para sa kalusugan ng tao. Isa sa mga aspeto ng kalusugan na konektado sa pagtulog ay ang obesity o labis na katabaan. Ayon sa mga pagsasaliksik, may malalim na ugnayan ang tulog at obesity.
Noong una, ang paniniwala ay ang timbang ng katawan ay bunga lamang ng pagkain at mga aktibidad. Subalit, nauunawaan natin ngayon na ang timbang ng katawan ay higit pa rito. Ang genetics, lifestyle, kapaligiran, stress, at pangkalahatang kalusugan ay mayroong epekto sa timbang ng tao.
Malinaw na nauugnay ang hindi sapat na pagtulog sa pagtaas ng timbang at pagkakaroon ng obesity. Isa sa mga epekto ng hindi maayos na pagtulog ay ang posibilidad na magkaroon ng sobra-sobrang timbang. Sa kabilang banda, ang mga taong may sobra-sobrang timbang o obesity ay maaaring magkaroon rin ng mga problema sa kanilang pagtulog.
Mga epekto ng kakulangan ng tulog sa timbang
Ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng di-balanseng hormones sa katawan na nagdudulot ng madalas na pagkagutom at pagtaas ng timbang. Ang mga hormone na leptin at ghrelin ang nagkokontrol ng kagutuman, at kapag hindi ka nakakakuha ng sapat na pagtulog, ang produksyon ng mga hormone na ito ay nagbabago, na nagiging sanhi ng nadagdagan na kagustuhan na kumain.
Isa sa mga epekto ng kakulangan sa pagtulog ay ang pagkakaroon ng mas mataas na posibilidad na pumili ng mataas na kalorya na pagkain. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas ang calories sa gabi ay nagdadala ng panganib na pagtaas ng timbang.
(1).
Bukod pa rito, ang mga matatanda na hindi nakakakuha ng sapat na tulog ay mas kaunti ang ehersisyo kaysa sa mga taong nakakatulog nang sapat. (2)
Ito ay sa dahilang maaaring ang kakulangan sa pagtulog ay nagdudulot ng antok at pagod sa araw-araw.
Koneksyon ng pagtulog at labis na timbang sa mga bata
https://www.shutterstock.com/image-photo/obses-fat-boy-pajamas-sitting-on-639325885
Ang mga bata ay mas kailangan ng mas maraming oras ng pagtulog kaysa sa mga matatanda dahil sa mahahalagang pagbabago sa kanilang katawan at isipan.
Ang mga bata na hindi natutulog nang sapat ay may mas mataas na panganib na maging sobra sa timbang. Katulad ng mga matatanda, maaaring magkaroon din sila ng hormonal na pagbabago na nauugnay sa pagtaas ng timbang. Maaari din silang makaramdam ng pagkapagod sa araw at mabawasan ang aktibidad. (3,4,5)
Mga epekto ng labis na timbang sa pagtulog:
Ang mga taong sobra sa timbang ay may mas mataas na posibilidad na makaranas ng insomnia o problema sa pagtulog kaysa sa mga taong may wastong timbang.
Maaaring magdulot ang labis na timbang ng pagbabago sa metabolismo at cycles ng pagtulog na nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng pagtulog. (6)
Mga Karaniwang Problema sa Pagtulog sa mga Sobra sa Timbang:
https://www.shutterstock.com/image-photo/overweight-unhappy-asian-woman-extra-heavy-1617813793
Ang mga taong sobra sa timbang ay may posibilidad na magkaroon ng iba't ibang mga problema sa pagtulog dahil sa epekto ng kanilang kondisyon sa kanilang kalusugan. Narito ang mga karaniwang isyu sa pagtulog na maaaring maranasan ng mga taong may sobra sa timbang:
- Obstructive Sleep Apnea (OSA):
Ang OSA ay nagdudulot ng malakas na paghilik at problema sa paghinga sa gabi. Mas madalas na magkaroon ng OSA ang mga taong sobra sa timbang. Hindi lamang ito nagdaragdag sa panganib ng pagkakaroon ng OSA, kundi ang sobra-sobrang timbang ay maaaring magpahaba ng pagdurusa ng mga sintomas nito. (7)
- Gastroesophageal Reflux Disease (GERD):
Ang GERD ay isang kondisyon kung saan ang laman ng sikmura ay umaabot sa esophagus, na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng pagsusuka. Madalas na mas lumalala ang mga sintomas nito kapag nakayuko o nakahiga, na nagdudulot ng pagkaabala sa pagtulog. (8,9)
- Depression:
Pagiging sobra sa timbang ay nakaugnay sa depression, at nagkakaroon ng magkasunod na epekto ang dalawang ito. Ibig sabihin, ang sobra sa timbang ay maaaring magdulot ng o palalain ang mga sintomas ng depression, at ang depression naman ay maaaring magdulot ng pagtaas ng timbang. Ang mga taong may depression ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mga problema sa pagtulog, kung saan ang insomnia ay maaaring mangyari hanggang 75% ng oras.[1] [2] (16)
- Asthma:
Ang asthma ay isang kondisyon ng respiratory system na nagdudulot ng pamamaga ng daanan ng hangin. Pagiging sobra sa timbang ay nagdaragdag sa panganib ng pagkakaroon ng asthma at mas malalang sintomas nito. Maraming pasyente ng asthma ang nakakaranas ng sintomas nito sa gabi, na nagiging sanhi ng problema sa pagtulog. (11,12)
- Osteoarthritis:
Ang osteoarthritis ay isang problema sa mga kasukasuan na nauugnay sa pagkasira at pagkapunit ng cartilage. Ang mabigat na timbang ay nagdaragdag sa panganib ng pagkakaroon ng osteoarthritis dahil sa dagdag na bigat na idinudulot nito sa mga kasukasuan. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng mga problema sa pagtulog, at maaaring magkaroon ng magkasunod na epekto sa pamamagitan ng pagpapalala ng sakit, depression, at problema sa pagtulog. (13,14)
Sa pangkalahatan, pagiging sobra sa timbang ay may malalim na ugnayan sa mga komplikasyon sa pagtulog. Ang mga taong may sobrang timbang ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng mga kondisyong nagiging dahilan ng problema sa pagtulog tulad ng OSA, GERD, depression, asthma, at osteoarthritis. Ang mga kondisyong ito ay nagdaragdag sa panganib ng pagkakaroon nang hindi maayos na kalidad ng pagtulog, na nagiging sanhi rin ng mas mataas na panganib ng pagtaas ng timbang.
Paano Makakakuha ng Mas Magandang Pagtulog Kapag Sobra sa Timbang: (15)
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-young-female-plus-size-sport-2161896817
- Magkaroon ng tamang "sleep hygiene" o mga gawi sa pagtulog na makakatulong sa magandang pagtulog. Isa itong mahalagang hakbang para sa lahat, lalo na sa mga may problema sa pagtulog.
- Makakatulong ang regular na ehersisyo sa pagpapabuti ng kalidad ng pagtulog. Mag-exercise sa labas para sa natural na liwanag ng araw, na nagpapabuti ng sleep cycle ng katawan.
- Pumili ng kama na angkop sa iyong katawan para sa tamang alignment ng iyong spine.
- Maging maingat sa pagpili ng pagkain. Ang hindi sapat na tulog ay maaaring magdulot ng pagkagutom. Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang pagkain ng mga carbohydrates bago matulog ay maaaring magdulot ng masamang pagtulog.
Hindi lang ang kakulangan sa pagtulog ang nagdudulot ng pagtaba, kundi pati na rin ang sobra-sobrang timbang ay nagdudulot rin ng problema sa pagtulog. Nauugnay ang hormonal imbalance ng katawan sa kalidad ng tulog, at ang mga hindi wastong pattern ng pagtulog ay nagdaragdag ng panganib ng pagtaas ng timbang.
Ang mga epekto pagiging sobra sa timbang sa kalusugan, tulad ng sleep apnea, GERD, depression, at iba pa, ay nagdudulot ng komplikasyon sa pagtulog. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang gawi sa pagtulog at pagtutok sa kalusugan para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong may sobra sa timbang. Kung kinakailangan, kumunsulta sa doktor o espesyalista sa pagtulog para sa tamang gabay at impormasyon.
References:
- Greer, S. M., Goldstein, A. N., & Walker, M. P. (2013). The impact of sleep deprivation on food desire in the human brain. Nature Communications, 4(1). https://doi.org/10.1038/ncomms3259
- Kline, C. E. (2014). The Bidirectional Relationship Between Exercise and Sleep. American Journal of Lifestyle Medicine, 8(6), 375–379. https://doi.org/10.1177/1559827614544437
- Patel, S. R., & Hu, F. B. (2008). Short Sleep Duration and Weight Gain: A Systematic Review. Obesity, 16(3), 643–653. https://doi.org/10.1038/oby.2007.118
- Golley, R. K., Maher, C. A., Matricciani, L., & Olds, T. S. (2013). Sleep duration or bedtime? Exploring the association between sleep timing behaviour, diet and BMI in children and adolescents. International Journal of Obesity, 37(4), 546–551. https://doi.org/10.1038/ijo.2012.212
- Spruyt, K., Molfese, D. L., & Gozal, D. (2011). Sleep Duration, Sleep Regularity, Body Weight, and Metabolic Homeostasis in School-aged Children. PEDIATRICS, 127(2), e345–e352. https://doi.org/10.1542/peds.2010-0497
- Pearson, N. J. (2006). Insomnia, Trouble Sleeping, and Complementary and Alternative Medicine. Archives of Internal Medicine, 166(16), 1775. https://doi.org/10.1001/archinte.166.16.1775
- Wiseman, J. (2020, August 28). How Weight Affects Sleep Apnea. Sleep Foundation. https://www.sleepfoundation.org/sleep-apnea/weight-loss-and-sleep-apnea
- Medline Plus. (2015). Gastroesophageal reflux disease: MedlinePlus Medical Encyclopedia. Medlineplus.gov. https://medlineplus.gov/ency/article/000265.htm
- Jung, H., Choung, R. S., & Talley, N. J. (2010). Gastroesophageal Reflux Disease and Sleep Disorders: Evidence for a Causal Link and Therapeutic Implications. Journal of Neurogastroenterology and Motility, 16(1), 22–29. https://doi.org/10.5056/jnm.2010.16.1.22
- Nutt, D., Wilson, S., & Paterson, L. (2008). Sleep disorders as core symptoms of depression. Dialogues in Clinical Neuroscience, 10(3), 329–336. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18979946/
- Cukic, V., Lovre, V., & Dragisic, D. (2011). Sleep Disorders in Patients with Bronchial Asthma. Materia Socio-Medica, 23(4), 235–237. https://doi.org/10.5455/msm.2011.23.235-237
- National Heart, Lung, and Blood Institute. (2022, March 24). Asthma - What Is Asthma? Www.nhlbi.nih.gov. https://www.nhlbi.nih.gov/health/asthma
- CDC. (2020, July 27). Osteoarthritis (OA). Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/arthritis/basics/osteoarthritis.htm
- Parmelee, P. A., Tighe, C. A., & Dautovich, N. D. (2015). Sleep Disturbance in Osteoarthritis: Linkages with Pain, Disability and Depressive Symptoms. Arthritis Care & Research, 67(3), 358–365. https://doi.org/10.1002/acr.22459
- Sleep Foundation. (2020, December 4). The Link Between Obesity and Sleep Deprivation. Sleep Foundation. https://www.sleepfoundation.org/physical-health/obesity-and-sleep#references-79813)
- John Hopkins Medicine (2019). Depression and Sleep: Understanding the Connection. Johns Hopkins Medicine. [online] 25 Jun. Available at: https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/depression-and-sleep-understanding-the-connection