Maging Malusog at Ligtas sa Panahon ng Ulan: Paano Iwasan ang Leptospirosis

June 15, 2023

Ang Pilipinas, bilang isang tropikal na bansa, ay may iba't ibang panahon na nagdadala ng mga hamon at panganib, lalo na tuwing tag-ulan. Ayon sa isang pag-aaral, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinakamadalas tamaan ng mga bagyo. Ang pagdating ng mga bagyo ay nagdudulot ng malalakas na hangin, malawakang pag-ulan, at pagbaha, partikular mula Hunyo hanggang Nobyembre.1 Sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, mahalagang maging handa tayo sa mga panganib na dala nito. Isa na rito ang sakit na leptospirosis, isang nakamamatay na sakit na laganap sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Ang leptospirosis ay isang sakit na sanhi ng bacteria na tinatawag na Leptospira. Ito ay karaniwang nakikita sa dumi ng hayop, partikular sa ihi nito, na pwedeng makuha sa mga baha at basura na naiipon tuwing tag-ulan. Kapag ang isang tao ay nabasa o naexpose sa maruming tubig na ito, maaaring masalin ang mga bacteria sa katawan niya. Ang mga karaniwang sintomas ng leptospirosis ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, paninilaw ng balat at pamumula ng mga mata.

 2

Batay sa Department of Health (DOH), ang leptospirosis ay isa sa mga pangunahing sakit na nagdudulot ng pagkamatay sa bansa tuwing panahon ng tag-ulan.3 Ito ay laganap sa mga lugar na madalas binabaha o sa mga malalaking kalsadang nagiging kanal ng maruming tubig.

Ang tag-ulan ay panahon ng pagdami ng mga lamok, pagtaas ng antas ng tubig, at pagkakaroon ng basura at putik sa mga kalsada. Ito ay nagiging perpektong kondisyon para sa pagkalat ng leptospirosis. Gayunpaman, mayroong mga paraan upang maiwasan ang sakit na ito at mapangalagaan ang ating kalusugan.

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/three-dirty-mice-eat-debris-next-674999857

  1. Ang pinakamahalagang hakbang sa pag-iwas sa leptospirosis ay ang pag-iwas sa mga pinanggagalingan ng bacteria. Kailangang siguraduhin na hindi nababasa o naeexpose sa mga baha, lalo na sa mga putikang lugar na maaaring maging tahanan ng mga bacteria. Maglinis at magdisinfect ng mga paligid. Iwasan ang pag-iwan ng basura sa paligid na maaaring maging tahanan ng mga bacteria at hindi maging tirahan ng mga daga at iba pang mga hayop na nagdadala ng leptospirosis. 4

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/girls-rubber-boots-walking-puddle-flood-2072771939

  1. Mahalagang magsuot ng proteksyon kapag pupunta sa mga lugar na maaaring kontaminado ng leptospirosis. Ang mga sapatos, guwantes, bota, at iba pang mga proteksyon sa katawan ay makakatulong na mapigilan ang bacteria na makapasok sa katawan. Tandaan na ang sakit na leptospirosis ay maaaring pumasok sa katawan natin sa pamamagitan ng mga sugat o kapag mayroong mga putik sa ating balat.5

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/cute-asian-child-girl-like-drink-1398867056

  1. Iwasan ang pag-inom ng hindi malinis na tubig. Laging tiyakin na ang inumin at ginagamit na tubig ay malinis at ligtas. Ang hindi malinis na tubig ay maaaring maglaman ng bacteria ng leptospirosis, kaya mas mainam na uminom lamang ng purified o pinakuluang tubig. Iwasan din ang paglangoy o pagbabad sa maruming tubig. 4

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/man-cleaning-red-concrete-pavement-block-1716236482

  1. Ang mga manggagawa tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at iba pang mga trabahong may ugnayan sa mga hayop at maruming kapaligiran ay mas malaki ang panganib na magkaroon ng leptospirosis. Mahalagang sundin ang mga safety protocols at magsuot ng angkop na protective gears tulad ng guwantes at bota upang mapangalagaan ang katawan mula sa direktang pagkakaroon ng contact sa mga bacteria.4

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/image-smiling-doctor-consulting-his-older-145714796

  1. Mayroon ding tinatawag na chemoprophylaxis na maaaring isaalang-alang. Ang chemoprophylaxis ay isang paraan ng paggamit ng gamot o antibiotic upang maprotektahan ang isang tao mula sa leptospirosis. Ito ay maaaring isagawa sa dalawang paraan: ang preexposure prophylaxis, kung saan ang gamot ay iniinom bago ang potensyal na pagkakaroon ng exposure sa leptospirosis, at ang post-exposure prophylaxis, kung saan ang gamot ay iniinom matapos ang exposure. Mahalaga na magpakonsulta sa isang doktor bago subukan ang chemoprophylaxis, sapagkat ito ay nangangailangan ng iba pang mga konsiderasyon. Ang doktor ay may sapat na kaalaman upang magpayo kung ang chemoprophylaxis ay angkop at kung paano ito maaring gamitin ng maayos. 6

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/young-volunteer-picking-plastic-bottles-park-388090780

  1. Maging supportive sa mga programa para sugpuin ang leptospirosis. Mahalaga na suportahan ang mga programa ng gobyerno at mga lokal na komunidad sa pagsugpo ng leptospirosis. Makibahagi sa mga kampanya ukol dito, tulad ng paglilinis ng mga kanal, tamang pagtatapon ng basura, at pagsasaayos ng mga palikuran at mga tahanan upang maiwasan ang pagdami ng mga daga at iba pang mga carrier ng sakit.
  2. Magkaroon ng tamang edukasyon at kamalayan. Mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa leptospirosis at ang mga paraan ng pag-iwas dito. Magbahagi ng impormasyon sa mga kaibigan, pamilya, at kapitbahay upang maipalaganap ang kamalayan ukol sa sakit na ito. Sa pamamagitan ng edukasyon at kamalayan, mas magiging handa tayo sa pag-iwas at pagkilala sa mga sintomas ng leptospirosis.4

Tungkulin nating lahat na bigyan ng halaga ang ating kalusugan at maging maingat sa panahon ng tag-ulan, lalo na kapag na-expose tayo sa baha o maruming tubig. Ang leptospirosis ay isang malubhang sakit na maaaring magdulot ng komplikasyon at humantong sa kamatayan. Dapat din tayong maging mapagmatyag sa mga sintomas ng sakit tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at pagsusuka. Hikayatin natin ang bawat isa na magpacheck-up at kumonsulta sa isang doktor kung mayroon tayong mga sintomas o kahit mga suspetsa ng posibleng pagkakaroon ng leptospirosis.

Ang maagap na pagpapatingin sa doktor ay mahalaga upang maagapan ang sakit at mabigyan ng tamang gamot. Ang mga doktor ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang makapagdiagnose at magreseta ng angkop na gamot para sa leptospirosis. Sa pamamagitan ng agarang pagkilala at paggamot sa sakit na ito, maaari nating mabawasan ang panganib ng malalang kaso at maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring idulot nito.

 

References:

(1) PAGASA. (2021). Climate of the Philippines. Dost.gov.ph. https://www.pagasa.dost.gov.ph/information/climate-philippines

(2) DOH. (2015). Leptospirosis | Department of Health website. Doh.gov.ph. https://doh.gov.ph/Health-Advisory/Leptospirosis

(3) Santiago, M. A. (2022, September 5). DOH: Leptospirosis cases ngayong taon, tumaas ng 15%. Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. https://balita.net.ph/2022/09/05/doh-leptospirosis-cases-ngayong-taon-tumaas-ng-15/

(4) Leptospirosis Information. (2019). Preventing human infection - an overview - Leptospirosis Information. Leptospirosis Information. http://www.leptospirosis.org/prevention

(5) Centers for Disease Control and Prevention. (2019). Leptospirosis. Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/leptospirosis/index.html

(6) Kozue Tabei, Win, T., Emi Kitashoji, Brett-Major, D. M., Edwards, T., Smith, C., & Mukadi, P. (2022). Antprpiotic prophylaxis for leptospirosis. 2022(2). https://doi.org/10.1002/14651858.cd014959