Marami tayong kinakain na pritong pagkain o fried food araw-araw dahil isa itong paraan ng pagluluto na madali, mura, at mabilis. Bukod dito, lalong sumasarap ang pagkain tulad ng manok, talong, liempo, at iba pa kapag piniprito. Bagamat masarap ang pritong pagkain, maigi na malaman natin ang epekto nito sa ating kalusugan.
Ano ba ang nangyayari sa pagkain kapag piniprito?
Bakit nga ba malutong o crispy ang balat ng fried chicken? Nagiging malutong o crispy at matingkad o golden brown ang pritong pagkain dahil nababawasan ng tubig o na-dedehydrate ang ibabaw. Pwedeng prituhin ang karamihan ng ating kinakain para maging malutong at masarap, pero pagkaing mataas sa fats o taba ang kinalalabasan ng pagprito. Bukod sa taba, nadadagdagan din ang kolesterol.
Kung ang cooking oil na ginamit ay galing sa hayop, mataas sa kolesterol ang magiging kalalabasan na pagkain. Maliban rito, tataas din ang calorie content ng piniritong pagkain. Karamihan ng fried food ay nakabalot sa harina bago prituhin at nakakadagdag din ito sa calorie content.1
Halimbawa, ang isang maliit na patatas (100 gramo) ay may 93 na calories at 0.13 na gramo ng taba. Ang french fries naman, na pareho ang timbang at gawa sa pritong patatas, ay may 312 calories at 15 gramo ng taba.2,3
https://www.shutterstock.com/image-photo/cooking-french-fries-close-frying-fryer-464044346
Sa mga restaurant o fast-food chain kung saan kadalasan ay ginagamit muli ang mantika sa pagluluto, nasisira ang kabuuan ng mantika kada ulit. Mas maraming nasisipsip na mantika ang pagkaing niluluto sa paulit-ulit na ginagamit na mantika.
Ano ang epekto ng pritong pagkain sa ating kalusugan?
Mataas ang piniritong pagkain sa saturated at trans fats. Nabubuo ang mga ito kapag naluluto ang pagkain sa mataas na temperatura habang nasa mantika.4 Ang mga ganitong klaseng taba ay mahirap tunawin ng katawan.
Sila ay nagpapataas ng kolesterol at sinisira ang lining ng iyong arteries o ng daluyan ng dugo. Sa tagal ng panahon, maaaring makaron ito ng plaque na maaaring magpasikip sa arteries. Isipin natin na ang mga arteries ay parang mga tubo o plumbing system ng ating katawan. Kapag ang mga tubo o daluyan ng dugo ay napuno ng plaque, na manggagaling sa mga prinitong pagkain, ito ay maaaring magbara-tulad ng bara sa ating banyo – at lalong tataas ang risk na magkaroon ng problema sa ating puso dahil dito1.
https://www.shutterstock.com/image-photo/thickened-arteries-veins-coronary-heart-disease-2239662027
Mas maaaring magkaroon ng altapresyon at obesity dahil sa pagkain ng maraming fried food, na hahantong sa sakit ng puso. Ayon sa mga pag-aaral, mas mataas rin ang risk magkaroon ng Type 2 Diabetes sa mga kumakain ng maraming pritong pagkain.5,6
Paano maiiwasan ang masamang epekto ng pagpriprito ng pagkain?
May mga ilang cooking oil na mas mabuti sa kalusugan dahil kaya nilang mas maging stable sa mataas na temperatura at mas kaunting mantika ang masisipsip ng pagkain. Mas stable gamitin ang mga oil na gawa sa saturated at monounsaturated na taba tulad ng:
- Coconut oil: halos 90% ng fatty acids sa coconut oil ay ang tinatawag na saturated na klase ng taba. Ibig sabihin ay hindi ito madaling matunaw sa mataas na temperatura.
- Olive oil: ang laman nito ay mga monounsaturated fats. Ibig sabihin ay hindi rin siya madaling matunaw sa mataas na temperatura.
https://www.shutterstock.com/image-photo/bottle-pouring-virgin-olive-oil-bowl-25304424
- Avocado oil: magkaparehas ng gawa ang avocado at olive oil-hindi rin ito madaling matunaw sa mataas na temperatura.
Ang mga unhealthy oil o mga dapat iwasang gamitin sa pagprito ang mga sumusunod:
- Canola oil
- Corn oil
- Sesame oil
- Safflower oil
- Soybean oil
- Cottonseed oil
- Rice bran oil
Maaaring subukan ang ibang paraan ng pagprito na gumagamit ng napakakaunting mantika lamang tulad ng:
- Oven-frying: ang pagkain ay pwedeng lutuin sa napakataas na temperatura (450°F or 232°C) – nagiging malutong ang pagkain ngunit wala o napakakaunting mantika lamang ang ginamit.
- Air-frying: ang pagkain ay naluluto sa pamamagitan ng pagpapaikot o circulate ng napakainit na hangin sa pagkain. Ang kalalabasan ay makunat na pagkain sa labas, medyo basa sa loob, ngunit gumagamit ng 70-80% na mas kaunting mantika.
Iba pang mga tips:1,4
- Patuyuin ang pagkain sa paper towel upang matanggal ang sobrang mantika
- Iwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mantika
- Paikliin ang oras sa pagprito sa pamamagitan ng pagluto sa mga temperatura na 325°F-400°F
Gaano karaming Pritong Pagkain ang maaari kong kainin araw-araw?
Walang eksaktong numero na nakarekomenda sa mga pag-aaral sa dami ng pritong pagkain na maaaring kainin. Mainam na bawasan ang pagkain ng pritong pagkain kung kaya. Kung maari, pillin rin ang mga pagkain na baked, steamed, grilled, o broiled imbis na deep-fried.
Maraming masamang dulot ang pagkain ng mga deep-fried na pagkain. Tumataas ang tsansa magkaroon ng diabetes, sakit sa puso at altapresyon. Hindi natin 100% maiiwasan kumain ng mga ganitong pagkain dahil parte na sila ng ating pang-araw-araw na buhay – ngunit malaking dagdag sa ating kalusugan kung kaya natin itong iwasan.
References:
- https://www.goodrx.com/well-being/diet-nutrition/fried-foods-heart-health
- https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/170093/nutrients
- https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/170698/nutrients
- https://www.healthline.com/nutrition/why-fried-foods-are-bad#TOC_TITLE_HDR_3
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4095664/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4632424/