Kada summer, lumalaganap ang mga kaso ng ilang sakit dahil mainit ang panahon, at dahil napapadalas ang paglabas at pagbakasyon ng mga mag-anak. Isa sa mga sakit na ito ay ang measles o tigdas/tigdas-hangin, na isang viral infection na lubhang nakakahawa.
Ang sintomas ng measles ay nag-uumpisa sa ilong o lalamunan ng isang tao. Kapag dumami ito, lalaki ang tiyansa para kumalat sa ibang tao sa pamamagitan ng bodily fluids. Kapag umubo, bumahing, o nagsalita ang isang taong may karamdaman o virus, pwede itong malanghap ng ibang tao at magkaka-impeksyon rin sila. Maliban diyan, pwede ring makuha ang virus kung hahawakan ang bibig, mata o ilong matapos magkaroon ng contact sa isang infected surface.
Mga bata ang pinakamadalas na nakakapitan ng tigdas, lalo na kung wala silang bakuna para dito. Pero ang pagpunta sa ibang bansa kung saan pangkaraniwan ang measles, at ang Vitamin A deficiency ay ilan rin sa mga risk factors para sa sakit na ito.
Mga Sintomas & Komplikasyon ng Tigdas
Madalas, lumalabas ang mga sintomas ng tigdas 10 hanggang 14 araw pagkalipas ng exposure sa virus. Sa mga unang araw, wala pang sintomas na mararamdaman kahit na may impeksyon na. Kapag napansin na ang mga measles symptoms na ito, malamang ay tumuloy na ang sakit.
Sintomas |
Mga maaaring gamot |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Sa kabuuan, tumatagal ang impeksyon ng dalawa hanggang tatlong linggo. Pero ang panahon kung saan pinaka-nakakahawa ito ay apat na araw bago lumabas ang measles rash, hanggang apat na araw matapos nitong lumabas.
Kung nagkaroon ng exposure ang anak sa measles, o kung nagkaroon siya ng rashes na kaparehas ng sa sintomas ng measles, kumunsulta agad sa doktor.
Importante na gawin ito dahil may mga komplikasyon na pwedeng makuha dahil sa tigdas. Isa dito ang bacterial ear infection. Pwede ring magka-impeksyon sa respiratory system. Halimbawa, mataas rin ang posibildad ng bronchitis, laryngitis, at pulmonya ang mga taong may tigdas.
Ano ang Gamot sa Tigdas?
Sa ngayon, walang gamot para sa tigdas, dahil kusang nawawala ang virus at mga sintomas nito sa loob ng hanggang tatlong linggo. Pero para maibsan ang ilan sa mga senyales katulad ng lagnat at pananakit ng katawan sa mga bata, may mga doktor na nagrereseta ng RiteMED paracetamol syrup for kids at RiteMED paracetamol suppository for kids. Para naman sa adults, mayroong RiteMED Paracetamol tablet at RiteMED Paramax para mabawasan ang lagnat at pananakit ng katawan.
Bukod doon, ang iba pang mainam na measles treatment para sa mga bata ay ang pagpahinga, para lumakas ang immune system, pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig kada araw, at vitamin A supplements, dahil maganda ang epekto sa immune system.
Pwede rin namang magdagdag ng mga vitamin A rich food sa diet ng anak. Bigyan sila ng mga sumusunod:
- Atay ng baka
- Isda, katulad ng salmon, mackerel o tuna
- Keso sa kanilang mga kinakaing sandwich
- Itlog, lalo na kung hard-boiled
- Gulay, tulad ng kamote, kalabasa, at carrots
- Prutas, katulad ng mangga, melon, pakwan, papaya, dalanghita, at guava
Tamang Pag-iwas sa Tigdas
Ang pinaka-epektibong paraan ng pag-iwas sa measles ay talagang ang bakuna. Habang maliit pa ang anak, bigyan na sila ng MMR (measles, mumps and rubella) vaccine. Tanungin ang doktor para malaman kung ilang beses kailangan magpainiksyon, at kung kalian ang pinakamagandang panahon para gawin ito.
Syempre, mahalaga rin ang personal hygiene. Ituro sa mga bata na dapat nila maging ugali ang madalas na paghugas ng kamay, o kaya naman ang paggamit ng hand sanitizer o alcohol kung walang tubig at sabon na malapit. Iiwas rin sila sa masyadong paghawak sa mukha – kung kailangan itong gawin, siguraduhin na malinis ang kamay nila. At kung magkakaroon naman ng exposure sa maraming tao, iwasan ang sa close contact sa mga taong may karamdaman o virus. Ibig sabihin, ‘wag humalik at umakap sa kanila, at iwasan rin ang contact sa mga gamit na nahawakan na nila.
Sa paggawa ng mga ito, maiiwas ang mga bata sa tigdas, kahit na karaniwang sakit ito kapag mainit ang panahon.
References:
- https://www.healthline.com/health/measles#risk-factors
- https://www.healthline.com/nutrition/foods-high-in-vitamin-a#section4
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/measles/symptoms-causes/syc-20374857