Paano Malalaman Kung nakabili ka ng pekeng gamot?

December 20, 2018

Idineklara ang ikatlong linggo ng Nobyembre bilang National Consciousness Against Counterfeit Medicine Week sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2077. Ang Senate Bill na ito ay naglalayong pumukaw ng pansin at kamalayan ng publiko tungkol sa counterfeit medicine at para na rin sa agarang pagpuksa ng paglaganap nito sa ating bansa. Bagamat naisabatas na ito, may mga fake medicine pa rin na nabibili at binebenta sa loob at labas ng ating bansa. Ngayong 2018, ipagdiriwang sa November 22-24 ang National Consciousness Against Counterfeit Medicine Week. Tuloy tuloy ang pagdiriwang ng National Consciousness Against Counterfeit Medicine Week para mapatuloy ang information drive sa publiko tungkol sa pekeng gamot at sa masamang dulot nito.

 

Ano ang Counterfeit Medicine?

 

Pag ang gamot ay:

  • Naglalaman ng ibang quantity ng original active ingredient
  • wala, kulang o naglalaman ng hindi tamang active ingredients
  • naglalaman ng toxic ingredients
  • forged manufacturer's data sa packaging
  • pagbabago ng packaging or repackaging
  • hindi pagsunod sa production ng gamot ayon sa current Good Manufacturing Practice (cGMP)
  • hindi tamang pag-trasport at pag-store ng gamot

 

Ang counterfeit medicine ay fake medicine. Ang mga gamot na nagco-contain ng mas mababa sa 80 percent ng active ingredients nito ay cino-consider na counterfeit. Isa pa sa cino-consider na counterfeit ay yung mga gamot na ini-import ng hindi rehistradong dealer o hindi lisensiyadong manufacturer. Illegal at mapanganib sa kalusugan ang counterfeit drugs dahil maaaring wala o hindi tama ang active ingredient nito o di kaya’y mali ang dosage.

 

Risks ng Pag-inom ng Pekeng Gamot

 

Ang isang taong nakainom ng counterfeit medicine ay posibleng maharap sa ilan sa mapanganib na health consequences.

 

Maaring makaranas ng unexpected side effects, allergic reactions o paglubha ng medical condition. Ang mga hindi inaasahang epekto na ito ay dapat ipaalam agad sa doktor dahil ang maaari ring maging sanhi ng pagkamatay ang pag-take ng pekeng gamot.  

 

 

Ligtas na Pagbili ng Medicine o Prescription Drugs

Malaking tulong ang teknolohiya at mga information campaigns sa pagsisiguro na ligtas ang pagbili ng gamot. Sa pagbili ng gamot, maging OC para sigurado. Ang prescription drugs ay dapat magpagaling, hindi makasama sa tao. Sa pag-inom ng tamang gamot, tamang dosage, tamang brand masisiguro ang pag-galing, kaligtasan at ang kalusugan ng pamilya.

 

Tips para makaiwas sa pagbili ng fake medicine

Maging safe, bumili lamang ng rehistradong gamot o sa lisensiyadong botika

Bumili lamang sa mga botika o pamilihan na lisensyado ng Food and Drug Administration (FDA). Huwag basta-basta bumili ng gamot sa hindi kilalang drugstore o retail outlet. Dahil sa pagkalat ng fake medicines, iwasan ding bumili ng gamot sa sari-sari stores. May mga sari-sari store owners na bumibili ng gamot sa mga unauthorized dealers. May report ang FDA na ang mga generic at branded na Paracetamol ay pinepeke din kaya’t mainam na maging safe sa pagbili ng tamang gamot. Para maiwasang lumala ang sakit ng ulo, piliing bumili ng rehistradong gamot sa lisensyadong bilihan.

 

Kung bibili ng gamot online o sa labas ng bansa, mag-research tungkol sa product na bibilhin. Alamin kung may website ang manufacturer ng gamot para magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa produkto bago bilhin. Mag-check din sa FDA websites kung saang bansa magmumula ang produktong bibilhin, para malaman kung ito ay hindi fake medicine.

 

 

Ugaliing humingi ng resibo pag bumibili ng gamot.

Palaging humingi ng resibo pag bumibili ng gamot. Itago ang resibo para magagamit sa anumang reklamo sa gamot o drugstore na pinagbilhan. Automatic dapat ang pag-iissue ng resibo sa bawat pagbenta ng gamot. Manghingi ng kopya kung hindi nag-issue ng resibo ang drugstore o retail outlet na pinagbilhan. Kapag walang binigay na copy ng resibo, isoli ang mga gamot at i-report sa FDA ang drugstore o retail outlet na pinagbilhan.

 

Maging mapanuri, matutong mag-spot ng fake medicine

Ugaliing suriin ang gamot na binili. Habang nasa counter, i-check agad kung tama ang nabiling gamot. Suriin at hanapin ang FDA registration number sa label nito. Mahirap ma-identiy ang genuine vs. fake medicine.  Ang counterfeit medicines ay maaaring ma-identify sa pamamagitan ng analysis, sa label at sa pamamagitan ng pangalan ng importers at manufacturers.

 

Para hindi maging biktima ng pekeng gamot, i-check ang mga sumusunod:

 

Solid printing at ink. Minsan hindi pantay at hindi malinis ang pagkaka-print ng mga letra sa pekeng gamot.

Kapal at quality ng plastic. Hindi makapal at hindi magandang quality ng plastic ang ginagamit sa fake medicine

Holograms. Mahirap gayahin ang holograms. Kaya madalas walang holograms ang mga pekeng gamot.

Packaging details. Hindi rin kakikitaan ng packaging details tulad ng schedule drug color marked box ink o yung mga detalye ng genuine manufacturing facilities.

 

Maging maalam at maagap.

Kung may mga katanungan, pangamba at pag-aalinlangan, huwag mahihiyang magtanong at humingi ng tulong.

 

Gawing habit ang pag-check sa website ng FDA (www.fda.gov.ph) para sa mga health advisories at babala ukol sa mga peke at hindi rehistradong gamot.

 

Agad ipagbigay alam sa FDA ang anumang kakaibang reaksyon sa gamot na nabili. Kung nagging salungat ang reaksiyon sa nainom na gamot, i-report agad sa FDA. Maari ring itawag sa FDA upang magreport tungkol sa pinaghihinalaang peke o hindi rehistradong gamot.

 

Ang kaligtasan at kalusugan ng ating pamilya ay mahalaga. Siguruhin ang kaligtasan at kalusugan ng pamilya sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbili ng fake medicine. Ibayong pag-iingat ang dapat gawin para maging ligtas, malusog at panatag. Maging healthy at at peace sa pagpili ng tamang gamot.

 

References:

http://www.pna.gov.ph/articles/1053749

https://www.boehringer-ingelheim.com/sustainability/anti-counterfeiting/dangers-counterfeit-medicines