Heart Disease sa mga Kalalakihan

November 21, 2017

Isa sa mga itinuturing na silent killers ang mga sakit sa puso o heart diseases. May tendency itong bigla na lamang umatake ng walang anumang senyales o sintomas. Minsan ay maaari itong mapagkamalan bilang isang normal na pananakit ng dibdib ngunit maaari na pala itong maging isang mas malalang sakit sa puso. Kaya naman napakahalaga ng regular na pagpapa-checkup sa doktor para manatiling updated sa kalagayan ng ating katawan.

Marahil ay isa ng myth na ang mga nakatatanda lamang ang nakakaranas nito. Ngunit ayon sa mga latest na pag-aaral ay halos lahat ay maaaring makaranas ng heart disease. Ayon sa HealthGrove.com, sa kada 100,000 na annual mortality rate ay tumaas ng 52.2% simula noong 1990 at apektado nito pareho ang mga babae at lalaki.
Ganunpaman, mas mataas ang datos ng mga lalaking nagkakaroon ng heart disease kesa sa mga kababaihan. Unang tinitingnan dito ay ang kanilang mga lifestyle choices.

Lifestyle ng mga Kalalakihan

Maraming lifestyle choices ang mga kalalakihan na nakakapagpataas ng kanilang risk factor sa pagkakaroon ng heart diseases. Pangunahin na rito ang labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Pinapasikip ng paninigarilyo ang blood vessels ng tao na siya namang nagreresulta sa komplikasyon sa puso.

Isa pang factor ang overeating na nagreresulta naman sa pagiging overweight o di naman kaya ay obesity sa tao. Nakasasama rin ang mabilis na takbo ng lifestyle ngayon ng mga millennial na kalalakihan. Dahil sa kanilang mga busy lifestyle ay napapadalas ang kanilang pagkain ng mga instant food at fast food na mataas sa cholesterol at salt na sanhi ng heart disease. Dumadagdag pa sa issue ang kawalan ng physical activity.

 

Sintomas ng Heart Disease

undefined

 

Ang heart diseases ay biglang umaatake ngunit may mga sintomas na kailangang bantayan. Narito ang ilan sa mga sintomas ng heart disease:
 

  • Chest Discomfort

    Ang pananakit ng dibdib ay ang unang senyales ng heart disease. Pananakit ng dibdib at pressure ang mga mararamdaman kung may baradong artery. Tumatagal ng higit ilang minuto ang mga ito. May posibilidad na hindi ito seryoso pero pinakamabuti pa rin ang kumonsulta sa doktor sakaling may maramdamang pananakit ng dibdib.

     

  • Pagkahilo

    Ang pagkahilo ay maaaring epekto ng ibang sitwasyon gaya ng gutom o pagod ngunit posible ring epekto ito ng heart disease. Kapag may kasabay itong chest discomfort, hirap  sa paghinga, at pagiging unsteady ay dapat ng kumonsulta sa doktor. Ang pagkahilo ay resulta ng pagbagsak ng blood pressure.

     

  • Irregular na Heart Beat

    Normal lamang ang pagbilis ng tibok ng tao kapag sila ay pagod o di naman kaya ay kabado. Ngunit kapag irregular na ang bilis ng pagtibok ng puso kumpara sa tibok nito dati ay dapat na itong i-konsulta sa doktor. Maaari itong senyales ng isang kondisyon sa puso na tinatawag na atrial fibrillation.


Ang heart disease ay pabigla-bigla na lamang aatake. Kaya naman mahalaga na lagi nating babantayan ang ating kalusugan. Maging aware sa ating mga kinakain, lifestyle choices, at mga physical activities. Panatilihin ang healthy lifestyle at diet para sa healthy heart.


SOURCES:

 

  • https://www.webmd.com/heart-disease/features/never-ignore-symptoms

  • https://www.cdc.gov/dhdsp/data_statistics/fact_sheets/fs_men_heart.htm

  • https://www.healthline.com/health/heart-disease/signs-men

  • http://www.doh.gov.ph/cardiovascular-disease

  • https://www.huffingtonpost.com/michael-lazar/signs-of-heart-disease_b_7535410.html

  • http://global-disease-burden.healthgrove.com/l/41394/Cardiovascular-Diseases-in-Philippines