Ang ating kalusugan ay isa sa mga pinaka importanteng aspeto sa buhay. Nakaaapekto ito sa ating araw-araw na mga gawain, at dapat natin itong alagaan ng mabuti. Pero higit sa pisikal na kalusugan, anu-ano nga ba ang mga dapat natin malaman tungkol sa mental health?
Kamakailan lamang, mas dumami na ang mga naitalang may kaso ng mental health problems at marami na rin ang mga naglalahad ng kamalayan tungkol dito. Alamin natin ang kahalagahan ng mental health sa buhay ng isang tao.
Mental and emotional health
Ang mental health ay binubuo ng ating emosyonal, sikolohikal, at social na kalusugan. Naapektuhan nito ang ating pagkilos, pag-iisip, at nararamdaman, at importante na mabantayan ang ating mental health simula pagkabata hanggang pagtanda. Kapag ikaw ay nakararanas ng mental health problems, maaari itong makaapekto sa iyong pakikitungo sa ibang tao, at paningin sa buhay.
Mayroon ring mga interior at exterior na bagay na nakadadagdag sa pagkadulot ng problema sa mental health. Iilan lamang dito ang mga sumusunod:
- Biological factors – genes o brain chemistry
- Mga naranasan sa buhay tulad ng trauma o pagkaabuso
- Kasaysayan ng mental health problems sa pamilya
Ang katawan natin ay rumeresponde sa ating pag-iisip, nararamdaman, at pagkilos. Ang tawag dito ay “mind/body connection”. Kapag tayo ay nakararamdam ng stress, anxiety, o kaya galit, reresponde ang ating katawan at ipapaalam nito na may hindi tama itong nararamdaman. Ang isang halimbawa nito ay ang posibilidad na magkaroon ng high blood pressure o stomach ulcer pagkatapos ng isang trahedya tulad ng pagkamatay ng isang minamahal sa buhay.
Why is mental health important
Ang mental health ay mahalaga para mamuhay ng malusog at balanseng buhay. Naapektuhan nito ang ating mga nararamdaman, nasasabi, at naiisip sa bawat araw. Pag ang isang tao ay malusog mentally, nakatutulong ito sa kanyang pagiging produktibo sa trabaho o sa pag-aaral. Ito rin ay may mahalagang papel sa personal na relasyon ng isang indibidwal at nakaaapekto ito sa kanyang pakikitungo sa iba’t-ibang tao.
Good mental health
May mga hakbang na maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong kalusugan sa isip araw-araw. Mga maliliit na bagay tulad ng pag-eehersisyo, pag kain ng balanse at masustansyang mga pagkain, at pagkuha ng sapat na tulog ay nakatutulong sa pagpapalakas ng iyong mental health.
Malaking tulong rin ang naidudulot ng pagpapahayag ng iyong mga nararamdaman at problema sa mga kaibigan o kapamilya. Ipaalam sa kanila ang mga problema at paghihirap na pinagdadaanan upang sila ay makatulong. Maaari rin magpakonsulta sa doktor, counselor, o advisor para sa masuportahan ka sa pagpapabuti ng iyong emosyonal na kalusugan.
Mental health illnesses
Maraming iba't-ibang mga kondisyon na kinikilala bilang mga sakit sa isip. Importante na mahalata ang senyas ng mga ito upang maagapan agad. Ang karaniwang uri ng mga sakit sa mental health ay ang mga sumusunod:
- Mood disorders - Mailalarawan ito ng patuloy na pagdaramdam ng kalungkutan o mga mahahabang panahon ng pakiramdam na labis na saya, o mga pagbabago mula sa labis na kaligayahan sa matinding kalungkutan. Ang mga pinaka-karaniwang mood disorders ay depression, bipolar disorder, at cyclothymic disorder. Isa sa mga maaaring paraan para maibsan ang depression ay ang pagkonsulta sa isang psychiatrist para sa therapy. Maaaring i-reseta ng doktor ang RiteMED Fluoxetine na isang anti-depressant.
- Anxiety disorders - Ang anxiety disorder ay ang pagresponde sa ilang mga bagay o sitwasyon na may takot at pangamba. Ang pisikal na mga senyales ng pagkabalisa o takot, tulad ng mabilis na tibok ng puso at pagpapawis ang mararanasan kapag ninaatake ng anxiety.
- Eating disorders - Ito ay kinabibilangan ng matinding damdamin, saloobin, at pag-uugali na may kinalaman sa timbang at pagkain. Anorexia nervosa, bulimia nervosa, at binge eating disorder ang pinakakaraniwang mga eating disorders.
- Psychotic disorders – Ang disorder na ito ay may kinalaman sa magulong kamalayan at pag-iisip. Ang dalawa sa mga pinaka-karaniwang sintomas ng mga sakit na ito ay mga guni-guni - ang karanasan ng mga imahe o mga tunog na hindi tunay, tulad ng mga tunog ng pagdinig - at mga delusyon. Ang schizophrenia ay isang halimbawa ng isang psychotic disorder.
- Impulse control and addiction disorders - Ang mga taong may impulse control and addiction disorder ay hindi makahadlang sa mga paghimok, o mga impulse, upang magsagawa ng mga gawaing maaaring makasama sa kanilang sarili o sa iba. Ang Pyromania (pagsisimula ng sunog), kleptomania (pagnanakaw), at mapilit na pagsusugal ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. Ang alkohol at droga ay karaniwang mga bagay ng mga bisyo na nakakahumaling. Kadalasan, ang mga taong may mga karamdaman na ito ay labis na nasasangkot sa mga bagay ng kanilang pagkalulong na dumadaating sa punto ng hindi pagpansin sa mga pananagutan at relasyon.
- Obsessive-compulsive disorder - Ang mga taong may OCD ay nakararanas ng patuloy na pag-iisip o takot na nagiging dahilan upang magsagawa sila ng ilang ritwal o gawain. Ang nakakagambalang mga kaisipan ay tinatawag na obsessions, at ang mga ritwal ay tinatawag na compulsions. Ang isang halimbawa ay isang taong may di-makatuwirang takot sa mga mikrobyo na patuloy na naghuhugas sa kanyang mga kamay.
- Post-traumatic stress disorder - ay isang kalagayan na maaaring umunlad pagkatapos ng isang traumatiko at / o sumisindak na kaganapan, tulad ng sekswal o pisikal na pag-atake, ang hindi inaasahang pagkamatay ng isang mahal sa buhay, o isang likas na sakuna. Ang mga taong may PTSD ay kadalasang nagkakaroon ng pangmatagalang at nakakatakot na mga kaisipan at mga alaala ng kaganapan, at malamang na maging emosyonal.
Importance of mental health awareness
Ang mental health ay unti-unting nakikilala bilang isang importanteng bahagi ng kalusugan. Dumarami narin ang mga paaralan na isinasama ito sa kurikulum ng mga mag-aaral at patuloy na lumalago ang bilang ng mga paaralan na tinuturo ang kahalagahan ng edukasyon sa mental health.
Kamalayan ang susi sa pagtukoy kung ang isang indibidwal ay may sakit sa kaisipan. Ang pagpuna sa mga unang palatandaan na ito ay makatutulong sa indibidwal na nagdudusa sa sakit sa kaisipan. Maari rin ito ang maging dahilan ng pagsagip sa kanilang buhay.
References:
https://www.mentalhealth.gov/basics/what-is-mental-health
https://familydoctor.org/mindbody-connection-how-your-emotions-affect-your-health/
https://www.healthdirect.gov.au/tips-for-good-mental-health
https://www.webmd.com/mental-health/mental-health-types-illness#1