Myths and Facts Tungkol sa Pagkabalisa

July 16, 2019

Ang pagkabalisa ay ang pagkakaroon ng pakiramdam ng takot, pangamba, o pag-aalala. Kadalasang kaakibat ng pagkabalisa ang pagkakaroon ng nerbiyos. Ito ay karaniwan sa mga matatanda at maging sa mga bata. Maaaring maganap ito base sa mga nangyayari sa buhay ng isang indibidwal. Sa mga kabataan, ito ay maaaring maramdaman dahilan ng ilang problema o suliranin sa pamilya, pag-aaral, at maging sa mga relasyon sa kapwa gaya ng pagkakaibigan. Sa mga matatanda naman, nararanasan ang pagkabalisa kapag nag-aalala sa isang mahal sa buhay gaya ng mga anak, asawa, at kamag-anak. Pwede ring may mga problema sa financial na aspeto  gaya ng utang o iba pang mga bayarin.

May mga pagkakataong ang isang tao ay nakakaranas ng matinding pagkabalisa. Ang mga indibidwal na nakakaranas ng ganitong pagkabalisa ay maaring may kondisyon na tinatawag na Generalized Anxiety Disorder o GAD.

Ang GAD ay isang kondisyon ng pagkakaroon ng paulit-ulit at malubhang pagkabalisa, pagkabahala, at pag-aalala.

Ang mga sumusunod naman ay ilan sa mga sintomas na nararanasan ng isang taong may GAD:

Sa isang pananaliksik na ginawa ng National Institute of Mental Health sa Amerika, isa sa bawat limang adults ang nagkakaroon ng matinding pagkabalisa. Gayunpaman, sa kabila ng katotohanan sa likod ng kondisyon ng  pagkabalisa, may ilang myths na pinaniniwalaan ng ilang mga tao tungkol dito. Narito ang ilan sa mga myths tungkol sa pagkabalisa at ang facts na nagtutuwid ng mga maling akalang ito:

Myth 1: Ang pagkabalisa ay hindi isang totoong kondisyong medikal.

Fact: Ang pagkakaroon ng takot o nerbiyos ay isang normal na reaksyon habang ang isang tao ay dumadaan sa pagsubok o mabigat na sitwasyon sa buhay. Gayunpaman, ang paulit-ulit o matinding pagkabalisa ay maaaring magkaroon ng isang mabigat na epekto sa pang araw-araw na buhay ng isang taong nakakaranas nito. Kapag ang ganitong klaseng pagkabalisa ay naranasan ng isang tao, siya ay nangangailangan na ng medical attention.

Myth 2: Ang pagkabalisa ay isang temporary o pansamantalang kondisyon lamang.

Fact: Ang takot na nararanasan ng isang taong may matinding pagkabalisa ay hindi mabilis na nawawala. Sila ay napa-paralisa mula sa pagkilos nang normal at nakararamdam ng matinding emosyon gaya ng pagkabahala at pag-aalala. Kung ang kondisyong ito ay hindi matutugunan, ito ay pwedeng lumala.

Myth 3: Ang pag-inom ng mga medikasyon lamang ang natatanging paraan sa pag--manage ng pagkabalisa.

Fact: Hindi lamang gamot ang nakakalunas sa matinding pagkabalisa. Ang pagsasagawa ng iba’t -ibang klase ng therapies gaya ng psychotherapy o talk therapy at cognitive behavioral therapy ay makakatulong para malabanan ang matinding pagkatakot, pagkabahala, at pag-aalala ng isang taong may GAD.

Myth 4: Ang pagkabalisa ay isang paraan lamang ng isang tao upang makakuha ng atensyon.

Fact: May mga sintomas na nararanasan ang isang taong may matinding pagkabalisa. Ang ilang sintomas na ito ay nakakaapekto sa mga prosesong pisikal gaya ng paghinga, pagtulog, at gana kumain. Nakakaapekto din ang kondisyong ito sa behavior at pag-iisip ng taong nakakaranas nito. Nakakaramdam sila ng mabilis na pagkagalit, pagiging iritable, at kung minsan ay nagkakaroon din ng mga bangungot. Ang mga sintomas na ito ay hindi pagpapapansin upang makakuha ng atensyon, kundi mga pisikal na sintomas ng matinding pagkabalisa.

Myth 5: Kailangan lamang ng tamang pagkain, ehersisyo, pag-iwas sa inuming may caffeine, at pagkakaroon ng healthy lifestyle upang mawala ang matinding pagkabalisa.

Fact: Bagama’t mawawala nang bahagya ang anxiety ng isang tao kapag ito ay mayroong healthy lifestyle, ang pagkontrol sa isipan at malakas na emosyon ng isang taong may matinding pagkabalisa ay hindi basta-basta nawawala dahil lamang sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay. Nangangailangan ng tamang gamutan upang ito ay malunasan.

Myth 6: Walang gamot sa mga taong sadyang may matinding pagkabalisa.

Fact: Ang pagkakaroon ng anxiety ay maaaring namamana, ngunit kung hindi malulunasan sa pamamagitan ng therapies at tamang medikasyon, ang kondisyon ay maaring lumala o humantong sa mas matinding uri ng depression.

Myth 7: Kung nakakaranas ng matinding pagkabahala, kailangang umiwas sa mga sitwasyong nagdudulot ng matinding stress.

Fact: Ang pag-iwas sa stress ay nangangahulugang pag-iwas din sa mga tao, sa bahay, sa publiko, o sa trabaho. Kung ito ay gagawin ng isang taong may matinding pagkabalisa, lalo lamang itong makakaramdam na siya ay hindi functional o mapapakinabangan, sanhi para lalo lamang lumala ang pagkabahala o pag-aalala.

Paggamot sa Matinding Pagkabalisa

Sinasabing ang matinding pagkabalisa ay hindi temporary o pansamantalang kondisyon kundi  isang medical condition na nangangailangan ng tamang gamutan upang ang taong nakakaranas nito ay malunasan.

Isa sa mga gamot na maaring makatulong sa matinding anxiety ay ang Escitalopram. Ang gamot na ito ay tumutulong na ibalik ang balance ng serotonin sa ating utak. Ang serotonin ay isang natural substance na ginagawa ng ating utak. Ito ay may kinalaman sa mga pagdaloy ng mga mensahe mula sa ating utak na nakakaapekto sa ating mood, appetite, memory, dunong, at sa ating social behavior. Ito rin ang isa sa tinatawag na “happiness hormones.”

Kabilang ang Escitalopram sa klasipikasyong Selective Serotonin Reuptake Inhibitors o SSRI. Ito ay nakakatulong sa pag-improve ng energy level, pagkakaroon ng maayos na pakiramdam o mood, at pagpapababa ng level ng nerbyos.

Gaya ng ibang gamot, ang Escitalopram ay may ilang side effects. Ilan sa mga ito ay nausea, pagkatuyo ng bibig at lalamunan, pagkapagod, pagkahilo, at pagpapawis. Kapag naranasan ang ganitong side effects, kailangang komunsulta agad sa inyong doktor.

Ang Escitalopram ay ilan lamang sa mga medikasyong maaaring ibigay sa isang taong may matinding pagkabalisa. Sunduin ang payo ng doktor ukol sa tamang dosage ng pag-inom nito.

Sources:

http://fil.yourwebdoc.com/anxiety.php

https://prescriptionpsychiatrists.com.ph/pag-unawa-sa-pagkabalisa-o-anxiety/

https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/EMMedia/Generalized-Anxiety-Disorder_Tagalog.pdf?ext=.pdf

https://www.premierhealth.com/Women-Wisdom-Wellness/Content/Anxiety-Isn-t-a--Real--Problem-%E2%80%94-and-Other-Anxiety-Disorder-Myths/?HealthTopicTaxonomyID=21831

https://www.everydayhealth.com/anxiety/10-anxiety-myths-debunked.aspx

https://www.webmd.com/drugs/2/drug-63989/escitalopram-oxalate-oral/details