Ayon sa Department of Health (DOH), aabot sa 3.6 milyong indibidwal ang naapektuhan ng mental health illnesses noong 2020. Subalit, malamang na mas mataas pa ang bilang na ito dahil maraming Pilipino ang hindi humihingi ng tulong o nagpapacheck-up dulot ng mga hadlang na pang-pinansyal. (1)
Batay sa pahayag ng World Health Organization (WHO), may humigit-kumulang na 450 milyong tao sa buong mundo ang nagkakaroon ng suliranin sa mental health, na sumasaklaw sa 14% na disease burden buong mundo. Ayon rin sa WHO, ang Pilipinas ay ang pangatlong may pinakamataas na bilang ng mga mental health illness sa Western Pacific Region. Ito'y nagpapatunay na mahalaga ang isyu ng mental health sa ating bansa. (1)
Napakahalaga rin na malaman na ang mga sakit sa isipan tulad ng depression, anxiety disorders, psychosis, epilepsy, dementia, at alcohol-use disorders ay maaaring magdulot ng malalim na pagsubok sa ating buhay.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan natin at sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon, maaari nating malampasan ang hamon na ito. Sa pagsisikap nating mabigyang pansin ang isyu ng mental health nakakatulong tayo upang maalis ang stigma na kaakibat nito at mapaglabanan pa ang pagtaas ng kaso ng mga tao na may pinagdaraanan sa mental health.
Ang ating mental health ay isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng ating buhay. Narito ang ilang gabay at tips upang maseguro ang kaayusan ng ating mental health at mapanatag ang ating isipan
Maglaan ng oras kung saan mae-enjoy ang kalikasan
https://www.shutterstock.com/image-photo/plump-girl-doing-yoga-stretching-body-1340150852
Nakakatulong sa depresyon ang pagkakaroon ng mga aktibidad sa labas ng bahay kung saan mae-enjoy ang kalikasan. ay nakakatulong sa depresyon. Ang paghahalaman, pageehersisyo sa labas, paglalakad kasama ang mga pets ay nakakatulong upang gumanda ang mood, mabawasan ang stress at makapagrelax habang nakakatulong rin ito sa magandang pangangatawan.
Ang paglabas at exposure sa natural na liwanag ay maaaring makatulong sa mga tao na may seasonal affective disorder (SAD), isang uri ng depresyon na nakakaapekto sa mga tao sa partikular na panahon o buwan ng taon. (2)
Sa Japan, may mga tao na gumagawa ng "forest bathing", ito ay ang pagpunta sa isang kagubatan at pagbibigay ng pansin sa iba't ibang amoy, tunog, at iba pang pwedeng maranasan sa kagubatan. Sa paraang ito, ginagamit ang ating mga senses upang maappreciate ang kalikasan-ang mga puno, halaman, ibon, at hayop, at pakikinig sa daloy ng tubig tulad ng mga lawa o ilog. Ang ideya sa paggawa nito ay upang maging konektado sa iyong natural na paligid.(3)
Kumausap ng taong pinagkakatiwalaan para sa Suporta
https://www.shutterstock.com/image-photo/two-concerned-friends-comfort-teenager-who-1862560693
Marami sa atin ang nagtatago ng mga saloobin at walang lakas ng loob na sabihin ang mga nararamdaman at pinagdaraanan, lalo na kung hindi natin ito karaniwang ginagawa.
Ang simpleng pakikipag-usap sa isang taong ating pinagkakatiwalaan ay agad na nakakatulong at nakakapagpagaan ng kalooban.
Ang pakikipag-usap at pagbabahagi rin ng saloobin ay makakatulong upang mabago ang pananaw sa iba’t ibang bagay. Isang benepisyo rin nito ay ito nakakapagpaganda at nakakapagpatatag pa ito lalo ng samahan o pagkakaibigan na makakatulong upang mas madali kang makapag share at makapag-open up sa mga susunod pang pagkakataon na kailangan mo ng kausap. Sa pamamagitan nito, mas magiging madali ang paghingi ng tulong at suporta sa isa’t isa.(3,4)
Magkaroon ng sapat na tulog
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-sleeping-lying-bed-home-1733407121
Tatlumpu't tatlong porsyento ng mga kalahok sa isang pag-aaral ay nakaranas ng hindi sapat na pagtulog, at 14.1% naman ang nakaranas ng mental health illness. Ang mga kalahok na karaniwang natutulog ng anim na oras o mas kaunti bawat gabi ay mga 2.5 beses na mas mataas na tyansa na magkaroon ng mental health illness kumpara sa mga taong natutulog ng higit sa anim na oras, kahit na may mga iba't ibang salik na kinokontrol
Ang hindi sapat na pagtulog ay nauugnay sa malaking porsyento ng mga taong madalas na may mental health disorder. (5)
Regular na pag-eehersisyo
https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-young-slim-healthy-korean-girl-2230300151
Ang regular na ehersisyo ay may malalim na positibong epekto sa depresyon, pagkabalisa, at ADHD. Ito rin ay nakakatanggal ng stress, nagpapabuti ng memorya, tumutulong sa mas mahusay na pagtulog, at nagpapataas ng kabuuang mood. At hindi kailangan na maging isang fitness fanatic para makakuha ng mga benepisyo.
May mga pananaliksik na nagpapakita na ang kaunting ehersisyo ay maaaring magkaroon ng malaking epekto. Sa anumang edad o antas ng kondisyon ng katawan, maaari mong matutunan gamitin ang ehersisyo bilang isang malakas na kasangkapan para labanan ang mga suliraning pangkaisipan, mapabuti ang iyong lakas at mapaganda ang pananaw sa buhay (6)
Kumain ng Masustansyang Pagkain
https://www.shutterstock.com/image-photo/best-nutritious-food-shape-brain-health-1166708404
Ang balanseng diyeta na may maraming gulay at prutas ay mahalaga para sa maayos na kalusugang pisikal at pangkaisipan. Ang pagkain kasama ang ibang tao o ang pagsasalo-salo ay makakatulong sa pagbuo ng mga relasyon - kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho. Ito ay talagang mahalaga sa pagprotekta ng kalusugang pangkaisipan ng lahat at sa pag-iwas sa mga problema.
Tandaan natin na ang ating ng kalusugang pangkaisipan ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Ito'y kasing halaga ng ating pisikal na kalusugan. Hindi dapat tayo mangamba na humingi ng tulong kapag kinakailangan. Hindi ito senyales ng kahinaan, kundi ng tapang. Magtulungan tayo, maging mapagkumbaba, at huwag magbigay ng anumang uri ng panghuhusga. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malasakit sa ating mga sarili at sa kapwa, kaya nating tahakin ang daan patungo sa kalusugang pangkaisipan at kalusugang pangkalahatan..
Reference:
- Peña, K. D. (2022, October 10). Mental Health Day: The need to defuse a ticking time bomb for millions. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1677897/mental-health-day-the-need-to-defuse-a-ticking-time-bomb-for-millions#ixzz8BSaMVSC7
- Mind.org. (2021, November). How nature benefits mental health. Www.mind.org.uk. https://www.mind.org.uk/information-support/tips-for-everyday-living/nature-and-mental-health/how-nature-benefits-mental-health/#:~:text=Nature%20and%20mental%20health%20problems
- Mental Health Foundation. (2023). Our best mental health tips - backed by research. Www.mentalhealth.org.uk. https://www.mentalhealth.org.uk/explore-mental-health/publications/our-best-mental-health-tips
- Ravenscraft, E. (2020, April 3). Why Talking About Our Problems Helps So Much (and How to Do It). The New York Times. https://www.nytimes.com/2020/04/03/smarter-living/talking-out-problems.html
- Blackwelder, A., Hoskins, M., & Huber, L. (2021). Effect of Inadequate Sleep on Frequent Mental Distress. Preventing Chronic Disease, 18(18). https://doi.org/10.5888/pcd18.200573
- Robinson, L., Segal, J., & Smith, M. (2023, February 28). The mental health benefits of exercise. Help Guide. https://www.helpguide.org/articles/healthy-living/the-mental-health-benefits-of-exercise.htm