Iwas-Muscle Pain Tips para sa mga Magulang

October 11, 2018

Pasukan na ulit! Oras na para sa pag-gising ng maaga, pagluto ng baon ng ating kids, pag-prepare ng kanilang mga kailangan, at sa paghatid o sundo sa kanila sa school. Dahil sa pagbalik ng routine na ito matapos ang ilang buwang bakasyon, hindi maiiwasan na baka magkaroon ng pananakit ng iba’t ibang parte ng katawan - sa ulo, likod, leeg, kasu-kausan, at iba pa.

Kung mayroong ganitong pakiramdam, posibleng mahirapan tayo habang ginagampanan ang mga tungkulin natin bilang mga magulang. Buti na lang, may mga paraan kung paano labanan o agapan ang ganitong klaseng sakit. Alamin ang dalawang common forms of pain ng mga magulang, at ang tamang pain management para sa kanila.

Hindi madaling tuparin ang mga regular na gawain kapag may muscle pain o pananakit sa kalamnan. Bukod sa pagbagal ng ating galaw, may posibilidad pa na lumubha ang pananakit dahil sa strain na idinadagdag natin sa katawan.

 

undefined

 

Pwedeng magkaroon ng muscle aches sa kahit anong parte ng katawan, o kahit sa whole body. Malaking abala ito kapag nangyari dahil maga o sore ang katawan, pero may mga lunas para mabawasan o mawala ang pagkirot. Unang-una, uminom ng sapat na dami ng tubig, lalo na kung gagawa ng maraming physical activities. Importante ito para makaiwas sa cramps, at para hindi mamaga ang kalamnan. Ayon sa mga eksperto, husto na ang walong basong tubig sa loob ng isang araw. Upang maabot ang dami na ito, sabayan ang kape ng ilang basong tubig habang pineprepare ang baon ng mga kids. Magbaon rin ng isang bote habang dinadala sila sa school, para may suplay pa rin ng tubig kahit nasa daan na.

Maliban sa pag-inom ng tubig, mahalaga rin ang pag-stretch ng mga parte ng katawan na sumasakit. Kahit hindi atletang regular na nag-eehersisyo at nakikilahok sa sports, hindi masamang isama ang stretching sa daily routine. Ito ay dahil kapag walang regular na aktibidad ang muscles, may tendency na mabigla ang mga ito gawa ng ilang maling pag-galaw. Sa mas madaling salita, lalaki ang tiyansa nating magka-cramps.

Subukan ang limang simple stretching exercises na ito:

  • Calf/Leg Stretch: Pumunta sa hagdanan at tumayo sa pinakamababang hakbang. Hawakan ang railing, at ilapat ang talampakan ng paa sa dulo ng hakbang para nakalawit ang sakong sa likod. Tapos, baluktutin ang dalawang binti at ituro pababa ang sakong, hanggang may maramdaman na pagbanat sa likuran ng lower leg. Manatili sa posisyon na iyon ng 30 segundo, at pagtapos nito, at ulitin ang ehersisyo sa kabilang paa.
  • Shoulder Stretch: Ilagay ang isang braso sa likod ng ulo. Gamit ang kabilang braso, haltakin ang siko ng isang braso palapit sa ulo.
  • Arm Stretch: I-stretch ang dalawang kamay sa harap ng katawan, habang naka harap ang palad sa lapag. I-bend ang kamay ng pataas at manatili sa posisyon na iyon ng limang segundo. Pagtapos, i-bend naman ng pababa ang kamay. Ulitin ito ng tatlo hanggang apat ba beses.
  • Neck Stretch: Ibaba ang ulo para lumapit ang baba sa dibdib, at mamalagi sa posisyon na ito ng 15-30 segundo. Pagkaraan ng step na ito, itaas naman ang ulo para lumapit ang likod ng ulo sa likod. Mamalagi rin dito ng 15-30 segundo.

Dahil sa kasimplehan ng mga ehersisyo na ito, pwedeng-pwede silang gawin sa gitna ng ibang gawain - kaya pwede pa ring alagaan ang ating sarili habang inaalagaan ang ating kids.

Isang napaka-karaniwang sakit ang arthritis. Parehong bata at matanda ang nagkakaroon nito, pero tiyak na mas lumalaki ang tiyansa nito habang tumatanda. Dagdag hirap ang abala ng arthritis para sa mga magulang, kaya naman kailangang sumunod sa ilang preventive at maintenance tips para maibsan ang sakit.

May mga pagkain na makakatulong sa paglaban sa arthritis. Isa dito ang isda. Mayaman sila sa omega-3 fatty acids, na may kakayahang magbawas ng pamamaga sa katawan. Maliban sa isda, mabuti rin para sa arthritis ang luya, bawang, broccoli, at pinya. Madali lang isama ang apat na ito sa diet. Sangkap sa maraming putahe ang bawang at luya. Ang broccoli naman ay maaring ihalo sa stir-fried beef, o kaya naman sa macaroni and cheese para sa mas-child friendly na recipe. At pangatlo, masarap na dessert, snack, o juice ang pinya. Kung gusto, isama ang inyong mga anak sa pag-gawa ng mga ito tuwing walang pasok, at nang maturuan sila ng healthy habits habang nag-bobonding.

Hindi lang pagkain ang nakakatulong sa arthritis. May epekto rin ang exercise sa pagpapabawas sa sintomas nito. Lalakas at titibay ang kasu-kasuan, para hindi gaanong maapektuhan ng wear and tear. Maglaan ng oras para sa mga cardio exercises tulad ng swimming at jogging. Hindi lang ito nakakabuti para sa joints, kung hindi nakakatulong rin sa weight management, na isa rin sa mga paraan ng paglaban sa arthritis. Mas mabuti kung dalhin na rin ang mga kids dito, upang maging masayang activity ang pagiging healthy!

Syempre, mainam pa rin na magpatingin sa doktor kung may pananakit na nararanasan. Baka makapagbigay sila ng mga gamot, tulad ng Paramax (Ibuprofen + Paracetamol) na makakapag-relieve ng kirot.

Kapag naging magulang na, may kaugalian na tayong unahin ang mga pangangailangan ng ating mga anak bago ang atin. Natural lamang iyon, pero huwag kakalimutan na dapat pa rin nating alagaan ang sarili, para na rin magawa natin ang mga responsibilidad natin bilang magulang. Kaya naman tandaan ang mga tips na ito, lalo na ngayong pasukan kung kailan magiging mas busy na ulit tayo sa pag-aalaga at pag-bantay sa mga kids.

Blurb: Nag-umpisa na ang bagong schoolyear! Ibig sabihin, mas busy na ulit si mommy and daddy sa mga kids, kaya prone na sila sa muscle pains. Paano malalabanan ito? Narito ang ilang tips.

References:

 

  • https://www.arthritis.org/about-arthritis/understanding-arthritis/what-is-arthritis.php
  • http://blog.arthritis.org/living-with-arthritis/diet-foods-arthritis-pain/
  • https://www.healthline.com/health/arthritis-prevention#exercise
  • https://www.healthline.com/nutrition/10-foods-for-arthritis#section11
  • https://www.prevention.com/health/a20428246/37-tips-to-relieve-muscle-pain/
  • https://www.webmd.com/fitness-exercise/fitness-neck-stretches