Dry cough at sore throat ang dalawa sa mga karaniwang sintomas ng COVID-19 infection. Kaya naman umugong ang bali-balitang maaaring maging panlaban sa sakit ang pag-inom ang salabat. Ngunit gaano nga ba ito katotoo? Ano ba ang health benefits ng ginger tea?
Matagal nang ginagamit ang luya bilang gamot sa iba’t ibang karamdaman. At isa nga sa pinakapopular na paraan ang paglalaga nito para gawing tsaa na tinatawag na salabat tea. Bilang isang flowering plant na bahagi ng Zingiberaceae family, marami itong health benefits dahil sa nilalaman nitong compounds tulad ng gingerols at shogaols. Nakita sa pagsusuri na ang dalawang compounds na ito ay may biological activities na anti-inflammatory, antioxidant, anticancer, antiallergic, at antimicrobial.
Sobrang dali lang gawin nitong soothing beverage dahil simple lang ang sangkap sa karaniwang salabat recipe – luya, tubig, at honey. Optional naman ang lemon at peppermint para sa mga hindi matiis ang lasa ng luya. Dahil sa naglalaman ang luya ng high levels of magnesium, vitamin C, at iba pang minerals, inilista natin ang mga benepisyo ng pag-inom ng salabat.
- Tumutulong magpaginhawa ng sipon at sore throat
Ayon sa isang 2011 study, ang luya ay mas epektibo laban sa bacteria na sanhi ng sore throat kumpara sa ibang antibiotics. Sinuportahan ito ng isa namang 2013 study na nagpatunay sa antiviral properties ng luya. Binanggit din sa pag-aaral na maaring mas epektibo ang fresh ginger sa dried ginger pagdating sa panglaban kontra human respiratory syncytial virus. Ito ang dahilan bakit marami ang nahihikayat na uminom ng salabat ngayong wala pang nadidiskubreng bakuna laban sa coronavirus.
- Nagpapalakas ng immunity
Ilang beses na nating naririnig ang katagang “prevention is better than cure.” Pero ano nga ba ang pinakaepektibong proteksyon natin sa virus para hindi tayo mahawa? Walang iba kundi ang pagpapalakas ng ating immune system. Dito pumapasok ang pag-inom ng salabat. Naglalaman ang luya ng volatile oils na may anti-inflammatory properties kahawig ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) kaya mabisang lunas sa sakit ng ulo, trangkaso, at kahit sa menstrual pain. Maliban pa doon, pinapalakas ng luya ang ating digestive system, na siyang unang hakbang para manatiling malusog.
- Nilalabanan ang respiratory problems
Isa pang napapanahon na salabat benefits ay ang pagtulong nito na mapahupa ang pagbabara na may kinalaman karaniwang sipon. Kung ikaw ay nakakaranas ng environmental allergies (may kinalaman din sa immune system), mainam na uminom ng isang tasa ng salabat para maibsan ang sintomas ng respiratory problems na may kinalaman dito.
- Nagpapaginhawa ng pagkahilo o pagduduwal
Inabisuhan ng awtoridad na kung maaari ay huwag na muna bumiyahe kung hindi naman kinakailangan o importante. Pero kung may mahalagang lakad at alam mong madadali ka ng motion sickness sa biyahe, swak na remedyo ang salabat sa problema mo. Uminom ng isang tasa nito bago bumiyahe para maiwasan ang pagkahilo, pagduduwal, at maging ang pagsusuka. Ang iba naman ay nagbabaon ng salabat para maaaring uminom din kung nakakaramdam ng nausea symptoms sa gitna ng biyahe.
- Nagpapaginhawa ng menstrual discomfort
Para sa mga kababaihan na may iniindang menstrual cramps at naghahanap ng alternatibo sa inyong nakagawiang gamot, maaari niyo rin subukan ang salabat.
- Nagpapabuti sa pagdaloy ng dugo
Dahil naglalaman ang salabat ng magnesium, vitamin C, at iba’t ibang minerals at amino acids, nagiging daan ito para manumbalik ang maayos na pagdaloy ng dugo sa buong katawan. Kalaunan, makatutulong itong mapababa ang tiyansa na magkaroon ng cardiovascular problems. Bukod pa rito, kaya rin kasi ng luya na mapigilan ang matinding pamumuo ng taba sa mga ugat o arteries kaya maaari rin maiwasan ang stroke at heart attack.
- Naglalaman ng anti-inflammatory properties
Kung ikaw ay nakararanas ng kahit na anong klase ng arthritis pain, mabisang lunas din sa sakit na ito ang pag-inom ng salabat. Dahil sa taglay na anti-inflammatory properties ng luya, swak itong remedyo sa pananakit ng kalamnan at kasukasuan. Maliban sa pag-inom nito, pwede mo rin ibabad sa salabat ang partikular na kasukasuang namamaga.
- Nagpapagaan ng stress
Saklaw din ng epekto ng pandemya ang ating mental health at marami sa atin ang nakakaranas ng matinding stress sa ngayon. May iba-ibang paraan ang bawat indibidwal sa paglaban sa stress at tension, pero kung naghahanap ka ng mabisang paraan, subukan mong uminom ng salabat. Itong kasing inumin na ito ay may calming at healing properties na kapag itinambal sa angking strong aroma nito ay makatutulong magpagaan ng stress.
Kahit na ano pang gamit mo sa pagtimpla, sariwang luya man o salabat powder o tea bags, ang pag-inom ng salabat ay mainam talaga bilang complementary remedy sa mga sintomas ng sipon at sore throat, pagduduwal, digestive issues, at marami pang sakit. Sa simpleng kombinasyon ng luya, mainit na tubig, at honey, marami ka nang makukuhang health benefits.
Sa dami ng benepisyo ng salabat sa ating kalusugan, makikita natin na hindi lang ito pangrekado sa kung anu-anong pagkain kundi epektibong panlaban din sa banta ng coronavirus.
Source: