8 Health Benefits ng Infused Water

December 20, 2018

Pagbabawas ng timbang – Ito ang isang pangunahing pagbabago na pinagdedesisyunan ng isang tao. Marahil ay para ito sa pagpapanatili ng malakas na pangangatawan. Pwede rin namang dahil ito sa kagustuhang magkaroon ng magandang pisikal na anyo. Ginagawa rin ito lalo na para maagapan ang ilang health risks o para ma-manage ang isang health condition.

 

Alinman sa mga ito ang rason para sa pagsulong ng weight loss, halos pare-pareho lang ang mga ginagawang disiplina para makamtan ito. Kasama na dyan ang regular na pag-eehersisyo, pagwo-workout sa gym, pagsunod sa isang special na diet, pag-iwas sa bisyo, at pagbabantay sa kinakain. Isa sa mga nauusong trend sa pagpapayat ngayon ang pag-inom ng infused water.

 

Ano nga ba ang Infused Water?

 

Galing sa literal na kahulugan nito, ang infused water ay tubig na hinahaluan ng iba’t ibang natural na sangkap gaya ng prutas, gulay, at herbs para madagdagan ang health benefits na makukuha ng katawan. Madalas din itong tinatawag na detox water.

 

Para sa paghahanda nito, hinihiwa ang ingredients at inilalahok sa malamig na inumin. Depende sa klase ng sangkap na ginagamit, maaaring ilaga, pigain, o balatan ang mga ihahalo sa tubig para lumabas ang nutrisyon na taglay ng mga ito.

 

Dahil na rin sa dagdag flavor nito sa regular na drinking water, mahusay ang infused water na pamalit sa soda o softdrinks at artificial fruit juices – ilan sa mga inuming iniiwasan ng mga sumasailalim sa weight loss programs at discipline.

 

Infused Water Benefits

 

Dahil water pa rin ang base ng inuming ito, pangunahing benepisyong nakukuha rito ay ang hydration. Sa pagpapanatiling hydrated ng katawan gamit ang infused water, nababawasan din ang pagkagutom dahil sa mga sahog na mayroon ito. Ilan pa sa mga dahilan para uminom ng infused water for weight loss ang mga sumusunod:

 

  1. Nakakabawas ito ng labis na timbang. Dahil napapataas ng infused water ang metabolic rate ng katawan o ang bilis ng pagproseso sa mga kinain mga maging energy, nakakatulong ito para makapag-burn ng mas maraming calories kumpara sa ordinaryong tubig.

 

  1. Nakakapagtanggal ito ng toxins. Sa prosesong pinaniniwalaang detoxification o detox, inaalis sa katawan ang mga dumi para hindi maipon at maging taba. Sa simpleng pag-inom ng sapat na tubig ay nakakatulong nang mailabas ang mga dumi na ito sa katawan, at bagama’t wala pang scientific explanation kung paano napapabilis ng infused water ang prosesong ito, nae-encourage nito ang regular hydration para hindi maipon ang dumi sa katawan.

 

 

  1. Nagpapabuti nito ang digestive health. Importante ang tubig para mapanatiling normal at regular ang bowel movements o pagdumi. Dahil sa fiber na taglay ng ibang ingredients na hinahalo sa infused water, nakakatulong ang pag-inom nito sa pag-iwas sa constipation. Ang sakit na ito ay nakakapagparanas ng pagiging bloated at sluggishness, o ang kawalan ng ganang kumilos. Dahilan ang mga ito para bumigat ang timbang ng isang tao.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  1. Nagpapaganda ito ng mood. Ayon sa mga pag-aaral, kahit ang mild na dehydration ay nakakaapekto sa mood ng isang tao. Nahahawa rin sa pagiging irritable ang parte ng utak na responsible sa concentration. Ilan sa mga karaniwang ingredient sa infused water ay may mga nutritional content na nakakapag-relax ng katawan at nakakapagpa-refresh ng isip.

 

  1. Maaari itong makatulong sa pagbabalanse ng pH levels sa katawan. Pinaniniwalaan na ang pag-inom ng infused water ay nakakabuo ng isang alkaline environment sa katawan. Dahil dito, naiiba ang pH levels, sanhi para bumuti ang kalusugan.

 

  1. Nagpapataas ito ng energy levels. Madalas makaranas ng sakit sa ulo at iba pang pananakit sa katawan kapag kulang sa tubig. Dahil ilan sa mga sangkap ng infused water ay naglalaman ng Vitamin C, malaki ang naiaambag nito sa pagiging masigla ng katawan sa kabila ng pagkapagod. Isa pa, natutulungan nitong mag-relax ang muscles kaya naman ay mas maraming activities pa ang magagawa.

 

  1. Nagpapaganda ito ng kutis. Kung ang pananatiling hydrated ay nakakapagpabata sa balat, ang pag-inom ng infused water ay nakakapagbigay din ng ganitong benepisyo dahil sa antioxidants na mayroon ang ingredients nito. Dagdag pa rito, dahil nakakapag-detox ito ng katawan, nakikita rin sa balat ang resulta nito.

 

  1. Nagpapalakas ito ng immune system. Sagana sa vitamins at minerals ang mga lahok ng infused water. Ang mga katas nito na humahalo sa tubig ay nagsisilbing natural na pampalakas-resistensya laban sa mga sakit.

 

Infused Water Recipes for Weight Loss

 

Ayon sa diet na sinusunod o kaya naman ay panlasa, may iba’t ibang kombinasyon ng prutas, gulay, at herbs na pinaghahalo para makabuo ng infused water. Ilan sa mga sangkap na pinagsasama ay:

 

  • Apple + lemon + carrot
  • Lemon + ginger
  • Orange + lemon
  • Apple + cinnamon
  • Cucumber + mint
  • Watermelon + mint
  • Lemon + lime
  • Mango + ginger
  • Strawberry + basil + lemon
  • Watermelon + kiwi + lime
  • Cucumber + calamansi + celery

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Dagdag Tips para sa Epektibong Weight Loss sa Tulong ng Infused Water

 

  1. Tambalan ng healthy meal plan ang infused water for weight loss.
  2. Magsama ng vitamins o supplements gaya ng ascorbic acid sa weight loss plan para mapalakas pa ang mga benepisyo ng pag-inom ng infused water.
  3. Bago kumain, uminom muna ng isang basong infused water para mabawasan ang gutom at makontrol ang labis na pag-kain.
  4. Magbaon ng lalagyan ng infused water para maiwasang bumili ng unhealthy na mga inumin tuwing nauuhaw.
  5. Maging disiplinado sa pagsunod sa iyong weight loss plan.
  6. Magkaroon ng regular na check-up sa iyong doktor para ma-monitor ang iyong overall health at ang epekto ng ginagawang diet dito.
  7. Huwag magpalipas ng gutom o mag-skip ng meals. Mas nakakadagdag ito sa appetite, dahilan para lumakas ang kain.
  8. Magkaroon ng sapat na pahinga. Hindi dahil mataas ang energy dahil sa infused water ay hahayaan na lang mapagod ang katawan. Mas nanghihina ang katawan, mas napapalakas ang gana kumain.
  9. Magkaroon ng active lifestyle.
  10. Huwag pilitin ang katawan na maging mas magaan gamit ang iisang weight loss plan. Kung nakikitang hindi epektibo ang kasalukuyang isinasagawang paraan, kumonsulta sa health specialist para mabigyan ng expert opinion tungkol sa pagpapapayat.

 

Sources:

 

https://www.healthline.com/nutrition/detox-water-101#section1

https://loseweightbyeating.com/infused-water/

https://www.culinaryhill.com/8-infused-water-recipes/