Ano ang Immune System?
Ang immune system, na binubuo ng iba't ibang cells, proteins, tissues, at organs, ang pangunahing depensa ng tao laban sa mga germs at sakit araw-araw. Kapag mahina ang immune system ng mga bata, tumataas ang panganib na magkasakit sila. Mahalagang alagaan ang immune system dahil maaring magkaroon din ng mga komplikasyon ito. Dahil dito, kailangan kumain ng mga kids ng mga pagkaing nakakalakas ng immune system upang pangalagaan ito.
Heto ang ilang easy-to-make recipes para sa kids na nakakatulong sa kanilang immune system:
- Mango Orange Carrot Popsicles
Ingredients:
- 1 1/2 tasa ng manggang hiniwa
- 1/2 tasa ng orange juice
- 1/2 tasa ng carrot juice
Ilagay sa blender ang lahat ng ingredients hanggang sa pinong-pino na ang mga ito. Ibuhos sa inyong popsicle mold at patigasin hanggang 3-4 na oras. Nakakagawa ng 5-6 na popsicles sa mga ingredients.
Ang mga prutas katulad ng orange ay mayaman sa vitamin C na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. Pinaparami ng vitamic C ang produksyon ng white blood cells na kritikal sa paglaban sa mga infections.
- Bell Pepper Pizzas
Ingredients:
- 4 malalaking red bell peppers
- 1 tasa ng tomato sauce
- 1 tasa ng shredded mozzarella cheese
- 1 kutsaritang paminta
- Toppings: pepperoni, black olives, o kaya hiniwang broccoli
Painitin ang oven ng 350 fahrenheit. Hatiin ang red bell pepper sa dalawang hati. Ilatag ang mga ito sa baking sheet. Sa bawat hati, lagyan ng isang kutsarang tomato sauce, budburan ng sapat na keso, at lagyan ng kaunting paminta. Sa itaas, lagyan ng mga topping na gustong ilagay. Ilagay sa oven ng 10-12 minuto hanggang sa matunaw ang keso.
Higit na mas marami ang vitamin C na nasa red bell peppers kay sa mga prutas. Mayaman din sa beta carotene ang red bell peppers. Bukod sa pagtulong sa immune system, nakatutulong din ang red bell peppers sa pagpapaganda ng balat.
- Garlic Bread
Ingredients:
- 8 hot dog buns (1 package)
- Mantikilya
- 1 clove ng bawang
- Shredded mozzarella cheese
- Mushrooms
Hatiin ang tinapay (hotdog buns) sa dalawa at ilatag. Lagyan ang tinapay ng butter sa bawat hati. Didikin ang bawang hanggang sa maging pino ito. Lagyan ng pinong garlic, keso, at mushroon ang taas ng tinapay. Ipasok ito sa oven toaster ng 10 minuto hanggang matunaw ang cheese.
Nakakatulong ang garlic sa pagbaba ng blood pressure at meron itong immune-boosting properties katulad ng allicin.
- Chicken Soup
Ingredients:
- 1 kutsarang mantika
- 1 tasa ng hiniwang carrots
- 1 tasa ng hiniwang celery
- 2 tasa ng cubed cooked chicken
- 2 tasa ng egg noodles
- 1 kutsaritang parsley
- 1 bay leaf
- 5 tasa ng chicken broth
Maglagay ng isang kutsarang mantika sa isang malaking kaldero. Kapag mainit na, ilagay ang nahiwang carrots at celery. Lutuin at gisahin ito ng 5 minuto habang hinahalo. Ilagay ang manok, noodles, parsley, bay leaf at 5 tasa ng chicken broth. Pakuluin ito at hinaan ang apoy ng 10 minuto. Haluin ito paminsan-minsan bago tanggalin ang bay leaf.
Ang poultry naman katulad ng manok ay mayroong vitamin B-6 nakakatulong sa pag-iwas sa sakit. Nakakatulong din ang vitamin b-6 sa produksyon ng malusog na red blood cells.
- Papaya Smoothie
Ingredients:
- 1 papaya, peeled and cut
- 1/2 banana, peeled cut
- 2 cups ice
- 1 cup milk
Ilagay lahat ng ingredients sa blender. Haluin ito hanggang sa maging smooth at creamy. Mayaman ang papaya sa vitamin C katulad ng mga citrus na prutas. Mayroong din digestive enzyme ang papaya na ang tawag ay papain na maaaring tumulong sa anti-inflammation at mayroon ding sapat na potassium, B vitamins, and folate ang papaya. Maari din sila painumin ng RiteMED Ascorbic Acid na puwedeng tumulong sa pagpapalakas ng kaninlang immune system.
Source:
https://kidshealth.org/en/parents/immune.html
https://www.superhealthykids.com/3-fruit-veggie-popsicles/
http://www.laurafuentes.com/bell-pepper-pizza/
http://www.geniuskitchen.com/recipe/kid-size-garlic-bread-loaves-89030#activity-feed