Natural kahit kanino ang magkaroon ng cravings o ang pananakam sa specific na mga pagkain. Kadalasan, hangga’t hindi napupunan ang pagkatakam na ito, patuloy lang na madadagdagan ang excitement na makakain ng inaasam na pagkain.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lang basta pagka-miss sa paboritong pagkain ang nagsasanhi ng ganitong pagkatakam. Sa katunayan, ang cravings ay isa sa mga paraan na nangungusap o nagbibigay-senyales ang katawan tungkol sa isang concern.
Sugar cravings o ang pagkatakam sa matatamis na pagkain ang isa sa pinaka-karaniwang uri nito. Narito ang ilan sa reasons for eating desserts and sweets dahil sa pananakam:
- Hindi ka nabusog sa iyong kinain.
Kapag kulang ang calorie intake ng iyong katawan, ang natural na response nito ay ang paghanapin ka ng pinakamabilis na paraan para mapunan ang kakulangang ito. Bilang resulta, nagkakaroon ka ng sugar or sweet cravings. Bagama’t mabilis nga nitong nabibigyan ng energy ang katawan, hindi ito mabuting klase ng energy lalo na kung labis-labis ang dami nito.
- Hindi healthy ang iyong kinain.
Maaaring nakakabusog sa dami ang iyong naging meal, pero nakakapagtaka kung bakit minsan ay tila nananakam ka sa matamis sa kabila nito. Maaaring sinasabi sa iyo ng iyong katawan na hindi healthy ang napili mong kainin, at para mabuo ang dami ng calories na kailangan nito, magkakaroon ka ng cravings sa matatamis.
- Naging habit na ito.
Kung iyong oobserbahan ang oras, araw, okasyon, at maging lugar kung saan at kalian kumakain ng matatamis, may pattern ba na kapansin-pansin? Kung mayroon, ito ay dahil ang iyong cravings ay dulot ng kasanayan ng iyong katawan sa pagkakaroon ng sugar intake sa mga nasabing pagkakataon. Hindi man kailangan ng katawan ng calories, dahil regular mo itong ginagawa, tila naka-program na ito sa utak.
- Marami ang salt content na iyong nakonsumo.
Ayon sa pag-aaral, mas maalat ang kinain, mas malaki ang sweet craving. Kung halimbawa ay potato chips o fastfood ang iyong kinain bilang merienda, malaki ang posibilidad na susundan mo ito ng matamis na pagkain dahil sa pananakam.
Napipigilan ba ang cravings?
Photo from Unsplash
Posibleng maiwasan ang cravings lalo na kung malakas ang motivation at disiplina patungkol dito. Walang iisang paraan on how to stop craving sweets, pero may mga hakbang na kayang isagawa patungkol dito. Ilan na rito ang mga sumusunod:
- Kumain ng small, frequent meals sa loob ng isang araw. Sa ganitong paraan, masosolusyunan ang unang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sugar cravings – ang hindi pagkabusog.
- Piliing kainin ang healthy food kaysa sa mga instant products, fastfood, at mga pagkaing maraming artificial flavors at ingredients. Bantayan din ang calorie content ng kinakain para masiguradong mapupunan ang dami nito na kailangan ng katawan araw-araw.
- Bumuo ng healthier eating habits at dahan-dahang itigil ang unhealthy na mga gawain. Tuwing mananakam sa matatamis, pumili ng healthier substitute nang sa gayon ay maputol ang nakasanayang gawain.
- I-prioritize ang pag-kain ng mga produktong natural ang flavors. Kung gustong kumain ng maalat, iwasan ang artificial flavoring. Taliwas sa halimbawa kanina, kung natural na cheese ang kinain, dahil natural ang flavor nito, manakam man sa matamis ay natural din na flavor ang hahanapin ng iyong katawan. Dahil dito, maaaring hanapin mo ay prutas.
Importanteng maunawaan at mapansin kung kalian nakakaranas ng ganitong pananakam. Malaki ang maitutulong ng iyong nalalaman para mapigilan ang pag-kain ng labis na matatamis.
How to stop sugar cravings?
Ang isa sa pinakasiguradong paraan para mapigilan ang pananakam ay huwag itong pigilan. Sa halip na pilitin ang sarili na huwag punan ang craving, mas mainam kung pipili ng healthier alternative food.
Sa ganitong paraan, mapapababa ang iyong risk sa pag-develop ng diabetes, ang health condition kung saan ang katawan ang hindi makapag-produce ng sapat na insulin. Maaari ring mangyari ito kung hindi makaresponde nang maayos ang katawan sa hormone na ito na naglilipat ng asukal mula sa dugo papuntang iba’t ibang cells para maging energy.
Narito na ang top 5 food na papatok sa iyong panlasa, panapat sa pananakam sa matatamis:
- Fruits – Bukod sa masa-satisfy nito ang cravings para sa matatamis, nabibigyan nito ng iba’t ibang vitamins at nutrients gaya ng antioxidants ang katawan. Kinokontra rin ng pagkonsumo ng prutas ang pananakam sa junk food gaya ng chocolates.
Photo from Unsplash
- Yogurt – Pwede ring itambal sa mga prutas, ang high-protein snack na ito ay nakakatulong mag-supply ng sapat na dami ng protina sa katawan para matigil ang pananakam sa matatamis na pagkain.
- Sweet potato – Sagot ito para sa kakulangan sa calories na sinusubukang bunuin ng katawan sa pamamagitan ng sugar cravings. Dahil mataas ang carbohydrate content nito na dinagdagan pa ng fiber, Vitamins A, C, at potassium, tiyak na mabubusog dito nang walang pananakam sa sweet products.
- Eggs – Hindi man matamis kung lalasahan, dahil sa sagana ito sa protein, madali nitong napapabusog ang tiyan. Kaya naman kapag parte ito ng iyong agahan, maiiwasan ang pananakam sa matatamis dahil sa pakiramdam ng kabusugan.
- Vegetables – Hindi man masyadong mapupunan ng pag-kain ng gulay ang nararanasang sugar craving, malaki naman ang nasusuporta nito sa pagkabusog sa loob ng isang araw. Kapag mayroong sapat na serving ng gulay sa bawat meal sa maghapon, mapapababa ang pananakam sa matatamis dahil sa mararamdamang kabusugan.
Kung paminsan-minsan lang, hindi naman masamang kumain ng matatamis na pagkain gaya ng chocolate. Inirerekomenda lamang na kumain nang may moderation para maging malayo sa mga health condition na maaaring idulot ng mga ito.
Tandaan na kailangang makinig sa katawan pagdating sa kalusugan, ngunit hindi sa lahat ng oras ay dapat itong pagbigyan. Tayo ay may kakayahang makapagdesisyon para sa ating sariling kapakanan. Mabutihing piliin ang mas healthy na choices para maagapan ang mga posibleng komplikasyong dala ng labis na pagkonsumo ng matatamis.
Tiyaking kumonsulta sa iyong doktor bago simulan ang alternatives para makasiguradong angkop ito sa iyong katawan at pamumuhay.
Source:
https://www.healthline.com/nutrition/foods-that-fight-sugar-cravings#section19
https://nutritiouslife.com/eat-empowered/4-reasons-why-you-have-sugar-cravings/slide/4.-you-chowed-down-on-salty-foods./