Tinatayang 1 sa bawat 10 kababaihan na nasa childbearing age, o edad 16-49 taong gulang, ay mayroong Polycystic Ovary Syndrome (PCOS). Ito ay seryosong kondisyon ngunit 50% ng mga kababaihang apektado nito ay undiagnosed. Ayon sa isang pag-aaral, kalahati rin sa kanila ay maaaring magkaroon ng prediabetes o Type 2 diabetes bago sila umabot ng 40 taong gulang. Bukod pa rito, mataas din ang posibilidad na sila ay magkaroon ng cervical, ovarian at breast cancer. Ang PCOS rin ang pangunahing dahilan ng infertility o hindi pagkakabuntis.1
Ano ang PCOS?
Ang PCOS ay isang kondisyon kung saan ang obaryo ay naglalabas ng maraming androgens, ang hormone na pang kalalakihan at karaniwang kaunti lang sa mga babae. Ang pangalan na "polycystic ovary syndrome" ay naglalarawan ng maraming maliit na cysts na nabubuo sa obaryo.
Ang bawat babae na nasa reproductive age ay nakakaranas ng ovulation bawat buwan. Sa ilang mga pagkakataon ang ibang babae ay hindi nakakapag-produce ng sapat na hormone para sa ovulation. Kapag hindi nangyayari ang ovulation, maaaring magkaroon ng maraming maliit na cysts sa obaryo. Ang mga cysts na ito ay nagpo-produce ng mga hormone na tinatawag na androgens. Ang mga babae na may PCOS ay kadalasang may mataas na level ng androgens. Ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa regla ng babae at maaaring magdulot din ng iba't ibang sintomas ng PCOS. 2
Ano ang sanhi ng PCOS?
https://www.shutterstock.com/image-photo/causes-effects-insulin-resistance-1194234691
Ang eksaktong sanhi ng PCOS ay hindi pa lubos na nauunawaan. Mayroong ebidensya na ang mga genetic factors ay may papel sa pagkakaroon nito. Ayon sa ilang pag-aaral, ito ang mga posibleng sanhi ng PCOS:
- Mataas na level ng mga hormone na tinatawag na androgens
Ang mataas na antas ng androgens ay nagpapahinto sa mga obaryo na maglabas ng mga itlog, na nagdudulot ng hindi regular na menstrual cycle o pagreregla. Ang hindi regular na ovulation ay maaaring magdulot din ng pagkakaroon ng maliit na cysts. Ang mataas na level ng androgens ay nagiging sanhi rin ng acne at labis na paglago ng balahibo sa mga kababaihan.3
- Insulin resistance
Ang pagtaas ng level ng insulin ang nagiging sanhi upang ang mga obaryo ay mag-produce o maglabas ng mga male hormones (androgens).. Ang mataas na level ng male hormones ay nagpapahinto sa ovulation at nagdudulot ng iba pang mga sintomas ng PCOS. Ang insulin ay tumutulong sa iyong katawan na magproseso ng glucose (asukal) at gamitin ito bilang enerhiya. Ang insulin resistance ay nangangahulugan na hindi maayos na napoproseso ng katawan ang insulin, na nagreresulta sa pagtaas na level ng glucose sa dugo. Ang pagkakaroon ng sobrang timbang o pagiging obese ay maaari rin magdulot ng insulin resistance.3
Ano ang mga sintomas ng PCOS? 2,5
https://www.shutterstock.com/image-photo/close-view-feminine-hygiene-pad-on-1568375467
Kabilang sa mga sintomas ng PCOS ang mga sumusunod:
- Pabalik-balik na pagkawala ng regla, hindi regular na regla, o napakahinang daloy ng regla
- Malalaking obaryo o maraming cysts sa obaryo na nakikita sa ultrasound
- Paglago ng labis na balahibo sa katawan, kasama na rito ang dibdib, tiyan, at likod (hirsutism)
- Pagtaas ng timbang, lalo na sa bahagi ng tiyan
- Acne o oily skin
- Pagnipis ng buhok
- Infertility o Pagkabaog
- Pangingitim at pangangapal ng balat sa likod ng leeg, sa kili-kili, at sa ilalim ng dibdib
Paano nadiagnose ang PCOS?2
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-female-doctor-wear-white-coat-2169432765
Maaaring ipagawa ang mga laboratory tests tulad ng:
- Ultrasound. Ito ay ginagamit upang tignan ang laki ng mga obaryo at kung may mga cysts ang mga ito. Ang pagsusuring ito ay maaari rin tingnan ang kapal ng lining ng matris (endometrium).
- Blood tests. Maaaring ma-check ang lebel ng androgens at iba pang hormones gayundin ang lebel ng glucose at cholesterol sa dugo.
Posibleng mga Komplikasyon ng PCOS 2,4,5
https://www.shutterstock.com/image-photo/worried-couple-checking-pregnancy-test-sitting-1273927840
- Infertility o pagkabaog
- Kanser sa endometrium o lining ng matris
- Mataas na panganib ng kanser sa suso
- Ovarian cancer
- Diabetes
- Problema sa puso
- Hypertension o mataas ng presyon ng dugo
- Sleep apnea o paghinto ng paghinga sa panahon ng pagtulog
Paano Ginagamot ang PCOS? 2
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-taking-pill-holding-glass-1739481332
Maraming konsiderasyon ang paggamot sa PCOS. Kasama rito ang edad, kung gaano kalala ang mga sintomas, at ang kabuuan ng kalusugan. Ang uri ng paggamot ay maaaring depende rin sa kung nais mo bang magkaanak sa hinaharap.
Kung nais magkaanak, maaaring kasama sa iyong paggamot ang:
- Pagbabago sa pagkain at aktibidad. Ang masustansyang diet at regular na physical activity o exercise ay makakatulong sa pagbaba ng timbang at makabawas sa mga sintomas. Makakatulong din ito sa katawan na gamitin ang insulin nang mas epektibo, babaan ang lebel ng glucose sa dugo, at maaaring makatulong sa pag-ovulate.
- Mga gamot para mag-trigger ng ovulation. Ang mga gamot na ito ay maaaring tulungan ang mga obaryo na normal na maglabas ng mga itlog.
Kung hindi naman balak magkaanak, maaaring kasama sa iyong paggamot ang:
- Birth control pills. Ito ay tumutulong sa pagkontrol ng menstrual cycle, pagbaba ng lebel ng androgen, at pagbawas ng acne.
- Mga gamot para sa diabetes. Ito ay karaniwang ginagamit upang bawasan ang insulin resistance sa PCOS. Maaari rin itong makatulong sa pagbaba ng lebel ng androgen, pagpigil sa pagkapal o pagdami ng buhok, at pagkakaroon ng mas regular na ovulation.
- Pagbabago sa pagkain at aktibidad. Kahit walang planong magkaanak, makakatulong ang masustansyang diet at regular exercise upang mabawasan ang timbang at makontrol ang mga sintomas ng PCOS. Makakatulong din ito sa katawan upang magamit ang insulin nang mas epektibo, mapababa ang lebel ng glucose sa dugo, at maging maayos ang ovulation.
- Mga gamot para gamutin ang iba pang mga sintomas. May mga gamot na maaaring makatulong sa pagkontrol ng acne at pagkapal o pagdami ng buhok.
Mahalaga na agad matukoy at malunasan ang PCOS upang maiwasan ang mga problema na maaaring idulot nito. Mahalaga ring sumailalim sa regular na pagsusuri upang malaman kung ang PCOS ay nagdulot na ng mga komplikasyon tulad ng diabetes, sakit sa puso, at iba pang problema sa ugat.May iba pang pamamaraan upang makaiwas sa komplikasyon ng PCOS at mapabuti ang kalusugan tulad ng pag-inom ng gamot at lifestyle changes.
References:
Magnotti, M., & Futterweit, W. (2007). Obesity and the Polycystic Ovary Syndrome. Medical Clinics of North America, 91(6), 1151–1168. doi:10.1016/j.mcna.2007.06.010
Bozdag G, Mumusoglu S, Zengin D, Karabulut E, Yildiz BO. The prevalence and phenotypic features of polycystic ovary syndrome: a systematic review and meta-analysis. Hum Reprod. 2016 Dec;31(12):2841-2855. doi: 10.1093/humrep/dew218. Epub 2016 Sep 22. PMID: 27664216.
Ding DC, Chen W, Wang JH, Lin SZ. Association between polycystic ovarian syndrome and endometrial, ovarian, and breast cancer: A population-based cohort study in Taiwan. Medicine (Baltimore). 2018 Sep;97(39):e12608. doi: 10.1097/MD.0000000000012608. PMID: 30278576; PMCID: PMC6181615.
(2) Johns Hopkins Medicine. (2019). Polycystic Ovary Syndrome (PCOS). John Hopkins Medicine. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/polycystic-ovary-syndrome-pcos
(3) Cleveland Clinic. (2021, September 21). Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) & Treatment. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8316-polycystic-ovary-syndrome-pcos
(4) Lobo, R. A., & Carmina, E. (2000). The Importance of Diagnosing the Polycystic Ovary Syndrome. Annals of Internal Medicine, 132(12), 989. https://doi.org/10.7326/0003-4819-132-12-200006200-00010
(5) Mousa, S., Brady, Mousa, S., & Mousa. (2009). Polycystic ovary syndrome and its impact on women’s quality of life: More than just an endocrine disorder. Drug, Healthcare and Patient Safety, 9. https://doi.org/10.2147/dhps.s4388